Amara POV Malaki na ang pagbabago ni Damon, kahit unti-unti. Naroon pa rin ang suplado niyang itsura, ang minsan niyang pagiging sarcastic, at yung ugaling parang hari na mahirap tanggalin. Pero yung pag-kontrol niya sa akin… ramdam kong unti-unti na talagang nawawala. “Uy, suweldo ngayon. Baka gusto niyo gumimik,” sabi ni Nico. “Alright, sige,” agad na sang-ayon ni Jasmine. “Uy, gusto ko ’yan,” dagdag ni Rayver. Naririnig ko ang usapan nila habang kunwari abala ako sa ginagawa ko. Bigla akong nakaramdam ng excitement—yung totoong excitement na matagal ko nang hindi nararamdaman. “Pwede ba akong sumama?” tanong ko, halos hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Napatingin sila sa akin. “Pero… baka hindi ka payagan,” maingat na sabi ni Trisha. Parang may biglang humila pababa sa dibdib ko.

