Damon POV Pag-upo ko sa mesa ko, kinuha ko ang phone ko. Matagal akong nakatitig sa screen bago nag-type. Hindi ako sanay sa ganito, sa pag-iisip kung tama ba ang sasabihin ko, o kung ano ang mararamdaman niya. Sa huli, pinili ko ang pinakasimple. Damon: Salamat sa lunch kanina. Matagal bago dumating ang reply. Hindi ako nainip, sanay akong maghintay ngayon. Amara: Walang anuman. Maikli. Pero hindi malamig. Huminga ako nang malalim bago muling nag-type. Damon: Okay ka lang ba ngayon? Ilang segundo. Isang minuto. Ramdam ko ang kaba kahit wala naman akong hinahabol na deal. Amara: Oo. Ikaw? Napangiti ako. Hindi ko inaasahan na tatanungin niya rin ako. Damon: Okay lang. Mas maayos ang araw ko kanina. Hindi ko na dinagdagan. Ayokong pilitin. Ayokong masira ang kung anong nabu

