Chapter 94

1392 Words

Naglakad palapit sa akin si Haze at pumunta siya sa likuran ko. Para bang sinasabi niya na wala akong dapat na ikatakot dahil nasa likuran ko lang siya. Ang totoo ay nakakaramdam ako ng kaba, at takot dahil narito ako ngayon sa organisasyon na ito. Hindi sa mas may tiwala ako sa Reveriz, ngunit pagkatapos kong marinig ang kuwento ng ama ni Haze ay nag-iba na ang tingin ko sa organisasyon na ito. Nakatingin ako ngayon sa pinuno ng Cruixan, nakangiti ito sa akin. Tumingin ako sa kamay niya nakalahad. Kinuha ko iyon at nagpakilala. "Ako po si Lucyva." Mataas ang tingin ni Haze sa tao ngayon na nasa harapan ko. Siya ang utak ng Cruixan, ang nagpapanatili ng kaligtasan ng mga tao sa pamamagitan ng mga executioners niya.  "How are you? Haze told me a lot of things about you. Natutuwa ako na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD