Chapter 93

1109 Words

Nakatingin lang ako kay Cintha hanggang sa maupo siya sa tabi ni Zacus. Alam ko naman na magku-krus muli ang landas namin dahil isa siyang executioner. Pero sa pagkakataon na ito, hindi ko na hahayaan na muling maulit ang ginawa niya noon sa Felicitine. Hindi na ako ang dating Lucyva na palaging nagtatago sa likod ni Haze. Kaya rin ako nandito sa organisasyon nila ngayon. Handa akong matuto kung paano makipaglaban at kung paano gamitin ang kapangyarihan ko. Kung sino man ang magtatangka sa buhay ko, black spirits o kahit executioners pa ay hindi ako magdadalawang isip na paslangin. "Masyado ang tingin mo sa babeng iyan, Lucyva. Hindi mo pa rin ba nakakalimutan nag ginawa niyan sa 'yo?" tanong ni Wann."Marunong akong magpatawad kahit hindi pa humihingi ng tawad sa akin Wann. Pero, hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD