Chapter 17 Napatingin siya sa kaniyang bodyguard na nasa gilid niya ang isa naman ay nasa likod lamang nito. “Tumawag po ang ama ninyo, kailangan ninyo po na umuwi na sa mansion ngayon." “Hindi ba at dapat ko pa na pumunta sa auditorium mamaya?” tanong niya. “Emergency daw po ito,” sabi ng bodyguard. Napatingin siya kay Haze at ganoon rin ito sa kaniya. Nang lumabas sila ng silid ay nakita niya ang mga estudyante doon na nakatingin sa kanila. “I need to go to the hedquarters, Emmanuele. Pupuntahan kita mamaya sa bahay ninyo, kailangan ko lang makausap ang pinuno namin. Ipapaalam ko na sa kaniya ang nangyayari.” Tumango siya kay Haze, “Sige, mag-iingat ka.” Nang makaalis si Haze ay saka naman siya kinausap ng mga bodyguard na kasama niya kanina. “Ma’am Emmanuele, kaibigan ninyo p

