Chapter 70 “Achoo!” Pinunasan ni Lucyva ang ilong niya nang mabahing siya. Hindi pa siya lumalabas ng kaniyang silid pagkatapos ng naging pag-uusap nila kanina ng mga magulang niya. Maayos na ang pakiramdam niya ngunit hindi mawala sa isipan niya si Emmanuele. Kanina lang bago umalis si Ellaine at si Martin ay may pinakiusap siya sa mga ito. Sinabi niya na nais niyang manood ng mga old videos niya. Ang tinutukoy niya ay si Emmanuele. Tinanong niya kung may videos ba siya noong baby pa lang siya at maswerte dahil lahat ay dokumentado ng mga magulang niya. Kahit manlang sa mga videos at mga larawan ni Emmanuele ay makilala niya ito. Gustong-gusto niya na magkaroon ng kaalaman sa kakambal dahil hindi na sila muling magkikita sa mundong iyon. “Sinisipon ka, Lucyva?” tanong ni Wann sa kani

