Chapter 71 Bumaba si Lucyva nang wala siyang magawa sa kaniyang silid. Nakita niya ang ina na naglilinis sa sala. Kahit na mayaman ang mga ito ay napaka-humble at sipag ng kaniyang ina. Hindi rin ito palautos kahit na may mga katulong sila sa bahay. Tunay na mabuti ang puso nito. “Ma…” Napahinto ito sa ginagawa nang tawagin niya. Ibinaba nito ang feather duster na hawak at kaagad na lumapit sa kaniya. Nagulat ito nang makita siya doon. Ang alam kasi nito ay nagbabasa siya ng libro sa kaniyang kwarto. “Anak, baka mabuwal ka? Hindi ka ba nahihilo?” tanong nito. Umiling naman siya. Sinilip niya ang ginagawa nito kanina. “Naiinip po ako sa kwarto kaya bumaba ako. Anong oras po ba darating ang doktor na titingin sa akin?” Tumingin sa relong pambisig si Ellaine, “Alas tres pa, anak. T

