Chapter 72 “Oh, Haze?” Sabay silang napalingon ni Haze nang marinig ang boses ng kaniyang ina. Naglakad ito palapit sa kanila. “Naku, binisita mo ba si Emmanuele? Napakabuti mo talagang kaibigan!” Natampal niya ang kaniyang noo nang pagdiinan ng kaniyang ina ang salitang ‘kaibigan’ bukod kasi kay Wann ay isa ito gustong-gusto si Haze para sa kaniya. “Ma’am— “Don’t call me ma’am, hijo, Tita Ellaine na lang. Masyadong pormal ang ma’am,” sabi ni Ellaine at tumingin ito sa kaniya. “Anak, bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta si Haze? Mabuti na lang at naisipan ko talagang magluto ng meryenda.” Mula sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niyang nakatingin sa kaniya si Haze. Hindi naman siya makalingon, hindi niya ito kayang tinginan. Hindi niya alam kung bakit! “Biglaan lang din p

