Chapter 15 Hindi siya iniwan ni Haze katulad ng sinabi nito. Nagmukha na nga itong pangatlong bodyguard niya. Marami na rin siyang naririnig na hindi maganda sa mga kaklase niya at sa mga naroon na kay bago-bago pa lang ni Haze ay nakuha na niya kaagad ito. Tinatawag na siyang malandi ng mga kaklase niyang babae dahil doon. “E-Emmanuele?” Naglalakad siya kasama si Haze pabalik ng classroom nang marinig niya ang boses na iyon. Napahinto siya at nilingon ang tumawag sa pangalan ni Emmanuele. “Oh my gosh, akala ko ay hindi totoo! You are really alive! Oh my gosh! Mabuti na lang!” Kumunot ang noo niya. Lalapitan sana siya ng babae nang humarang si Haze. “Who are you?” tanong ni Haze dito. Napansin ni Lucy ang apoy sa dibdib ng babae. Kulay kahel iyon. Ibig sabihin ay malapit nang m

