Chapter 14 Emmanuele Gricia’s memory Nang makatapos akong mag-ayos ng aking mga gamit ay nakatanggap ako ng text mula kay Zen. Wala pang dalawampung minuto ang nakakaraan at heto na siya nangungulit. Nang mabuksan ko ang mensahe niya ay nangunot ang aking noo. 'Trevor got into an accident. Nasa ospital kami. Hindi kita masusundo diyan ngayon. I'll call Mang Jerry to pick you up.' Trevor is his friend. Halos kapatid na ang turing niya dito at magkaopisina sila. Ano ang nangyari? Natutop ko ang bibig ko at agad na idinial ang numero ni Zen. What happened? Ano ang dahilan ng aksidente ni Trevor? God please sana hindi malala. Hindi pa nakakadalawang ring ay sinagot na agad ni Zen ang tawag. "Z-Zen what happened? What happened to Trevor? God. Is h-he okay?" Napataban ako sa dibdib

