Chapter 13 Emmanuele Gricia’s memory "Zen, we need to get up. Tatanghaliin ako sa pagpasok kailangan kong tapusin ang project ko this day kasama si Karl." Zen groaned and buried his face on my neck. Hindi pa siya nakuntento doon. Iniyakap niya ang isa niyang kamay sa aking bewang at mas hinapit ako palapit sa kanya. Dito siya natulog sa kwarto ko kagabi after I said that I love him too. Hindi na niya ako hiniwalayan. Sabay pa kaming nagtoothbrush. He gave me milk and even massage my feet. Natatawa pa nga ako sa kanya dahil habang nag-aayos ako ng mga damit ko at inilalagay ang mga iyon sa bag ay ibinabalik naman niya sa closet ko. "Zen." I called him. Hindi pa din siya nagsasalita. Ang init ng hininga lamang niya sa aking leeg ang nararamdaman ko. Ang higpit ng yakap niya sa akin na

