Chapter 58 Haze was surprised. Nang mawala ang gintong liwanag ay nakita niyang papatumba na si Lucyva kaya’t sinalo niya ito. Nawalan ito ng malay pagkatapos nitong gumamit ng healing magic sa kaniya. Inihiga niya si Lucyva sa tabi ng kama at nilapitan naman ito ni Wann at ni Tokio. “Gumamit siya ng healing spell! Pero paano niya iyon nagawa? Ito ang unang beses na ginamit iyon ni Lucyva at walang nagturo sa kaniya. Hindi naman ako dahil wala rin akong ideya kung paano niya mapapalabas ang kapangyarihan niya.” Tumayo si Haze at itinaas niya ang kaniyang damit. Wala na ang mga sugat, maayos na rin ang pakiramdam niya at wala na siyang nararamdamang kahit anong sakit sa kaniyang katawan. Wala na rin kahit ang mga galos at mas naramdaman niya ang sarili na lumakas. Ibig sabihin ay kaya

