Chapter 57 “Okay na ba ang kalagayan ni Haze, Lucyva?” tanong ni Tokio. Nilingon niya ito sandali at nginitian pagkatapos ay hinugasan na niya ang mga ginamit niya. “Maayos-ayos na. Napalitan ko ng benda ang sugat niya, pinalitan ko na rin siya ng damit. Saka iyong sapin niya sa kama at ang punda ng mga unan ay pinalitan ko na rin. Namantsahan kasi ng dugo. Mabuti na lang at may extra pa lang sapit at mga punda si Haze sa cabinet,” sabi niya. “Oo. Kumpleto naman ng gamit dito sa bahay niya mga normal na pagkain lamang ang wala. Puro cup noodles. Mga instant na pagkain kasi hindi marunong magluto si Haze.” Oo nga pala... ito ang hindi niya pa naitatanong hanggang ngayon. “Ilang taon na ba si Haze, Tokio?” Inilagay na niya sa lagayan ang mga kasangkapan at nagpunas siya ng mga kamay.

