Chapter 56 Naubos ni Haze ang isang mangkok na lugaw na dala niya. Nakainom na rin ito ng gamot at napalitan na rin niya ng damit. Ayaw pa nito kanina ngunit napilit rin niya nang makita niya na nahihirapan na ito sa pagtatanggal pa lang ng butones ng polo nito. Hindi kasi nito maiangat ng mabuti ang isang kamay dahil sa mga pasa. “You look like you are used to doing these things.” Natigilan siya sa ginagawang pagpapalit ng sapin ng kama ni Haze. Nasa sofa ito at nakatingin sa kaniya. Sunod niyang ginawa ay pinalitan niya ang punda ng mga unan nito. Namantsahan na kasi ng dugo ang sapin at mga punda kaya’t nagtanong siya kanina dito kung mayroon itong extrang mga sapin at punda. “Babae ako, natural lang sa akin na matuto sa gawain na ganito, Haze,” sagot niya. “I thought because of

