Chapter 51 He grew up with the real care of parents. Sa katauhan iyon ni Dante at ni Samantha. Para kay Haze ang mahalaga ay masaya siya ngayon kasama ang mga ito pati na ang kaibigan niyang nilalang na si Tokio. Wala na siyang dapat na isipin pa na ‘ibang tao’. Dumating ang kaniyang ika labing limang kaarawan. Marami ang dumalo, nakatanggap siya ng magagandang regalo. Masayang-masaya siya na ipinagdiwang iyon kasama ang mga magulang niya na sina Dante at Samantha pati na ang kapatid niya na si Samber. Pagkatapos ng gabi ng kaniyang ika-labing limang kaarawan ay isang katakot-takot na nilalang ang kaniyang nakita na nagpapagala-gala sa labas ng kanilang mansyon. Itim at mayroong usok na lumalabas sa bibig nito. Ipinikit ni Haze ang mga mata ngunit naroon pa rin ang nilalang hanggang

