Chapter 52 Binantayan ni Haze ang kulay ng apoy sa dibdib ng kaniyang pamilya. Nang makita niya na muli nang bumalik sa kulay asul ang apoy sa dibdib ng kaniyang Papa Dante ay sobrang tuwa ang naramdaman niya. Nakalipas ang ilang taon, nang magdawalampung taong gulang siya ay nagpasya si Dante na manirahan na sila sa America para sa ikabubuti nila ngunit sinabi niya kaagad na hindi siya sasama. May pangako siyang sinumpaan sa Cruixan at hindi niya iyon babaliin. Dahil hindi maaaring malaman ng kaniyang pamilya ang tungkol sa organisasyon ay sinabi na lamang niya na dadalaw na lamang siya sa mga ito sa America. Sumang-ayon si Dante sa kaniya ngunit hindi niya inaasahan ang sinabi nito. “Hinihintay mo pa rin ba si Alcheme, Haze? Kaya ba ayaw mo na sumama sa amin?” Sa loob ng mga nakar

