Chapter 53 “Haze, kailangan malaman nila Trenz ang nangyari sa ‘yo, tumawag ka na sa headquarters, sige na…” Ipinikit ni Haze ng mariin nag kaniyang mga mata at ininda ang tama niya sa tagliran. Isang high level black spirit ang kaniyang nakalaban kagabi, napaslang niya ito ngunit nag-iwan ng malalang sugat sa kaniya ang black spirit na iyon. Kaagad siyang umuwi sa bahay niya at ginamot ang sarili ngunit hindi niya inaasahan na lalagnatin siya dahil sa sugat. “K-Kaya ko, Toki, bukas o sa makalawa ay tiyak na bubuti na ang pakiramdam ko. Alam mo na ayaw na ayaw kong pumupunta na sugatan sa cruixan. Ayokong makita ako ni Denver doon ng ganito ang kalagayan ko.” Isa sa huling nanaisin niya na makita ni Denver ay ang mahinang kalagayan niya. Lalo pa na nakarating na dito ang plano ni Feli

