Chapter 54 Ang sama ng loob ay naroon pa rin. Sa tuwing makikita niya ang ama ay naaalala niya ang araw na iyon na narinig niya ang usapan nito at ng kaniyang Papa Dante. Kung paano niya narinig na hindi na ito babalik para sa kaniya. Pero isa sa dahilan kung bakit ito muling nakipagkita at tumatayong ama niya ay dahil gusto siya nitong lumipat sa Reveriz. Tiyak na nais lamang siya nitong gamitin. Hindi niya mapagbibigyan ang gusto nito lalo pa at nawalan na siya ng tiwala sa totoong ama. Isa pa, ang Cruixan ay matagal nang organisasyon ng mga executioners. Bakit siya magtitiwala sa bago at katatayo pa lamang? Ilang taon na siyang executioner, ang nakikita lamang niyang banta ay si Denver dahil sa pagiging sakim nito sa posisyon. Lantaran ang kagustuhan nito na maging susunod na pinun

