Chapter 63 Hindi niya ipinalagay ang marka na iyon sa palad niya! Mayroon na talaga siya noon nasa Fhyroz pa lang siya. Hindi lang niya alam kung bakit hanggang ngayon ay naroon ang marka at nadala niya iyon gayong nasa katawan na siya ni Emmanuele Gricia. “May marka ng krus sa palad ang kapatid mo, iyon ang palatandaan ko sa kaniya noong hinahanap namin siya ng papa mo. Pero walang nakapagturo, walang nakakaalam kung nasaan siya. Hindi rin namin alam kung paano ang nangyari dahil mismong sa loob ng bahay nawala si Lucyia.” Natutop niya ang bibig. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Lucyia... a-ano ang nangyayari? “A-Anak? Bakit?” Napatingin siya kay Ellaine ngunit biglang sumakit ang ulo niya na parang mabibiyak kaya’t napaupo siya at napataban doon. “E-Emmanuele, anak?” “A-

