Chapter 62 “Hon, you know? Haze brought her home now. Sabi ko nga kay Emmanuele, Haze is a good man, he’s smart. Pinapaamin ko nga kung may relasyon sila, pero wala daw.” Napangiwi siya at muling napainom ng tubig. Hindi niya alam ang sasabihin dahil ilang beses na niyang sinabi sa ina na walang namamagitan sa kanila ni Haze. “Ikaw talaga, Ellaine. Hayaan mo ang mga bata. Saka, hindi naman ito ang unang beses na may lalake na nakakasama ang anak natin. Gusto mo ba ay bumalik siya sa dati at isikreto niya kung may kasintahan man siya?” Umiling naman si Ellaine. “Also, I don’t think that they are in a relationship,” dagdag nito. Napatingin siya sa ama dahil sa narinig. Nakatingin ito sa kaniya at nakangiti. “I know that Haze Walker is not the type of man who would make a move without

