Chapter 61

1067 Words

Chapter 61 Ibinaba niya ang bag sa sofa at pagkatapos ay naupo siya sa kaniyang kama. Kinuha niya ang cellphone na ibinigay sa kaniya ni Haze at nakita niya na may dalawang mensahe doon. “I am sorry for today.” “You look tired, get some rest.” Si Haze ang nagpadala ng mensahe. Ang numero lang nito ang naroon sa cellphone na iyon. Lucyva was smiling absentmindedly. “Oh, ano ‘yan?! Ano ‘yan?! Bakit ka ngumingiti mag-isa riyan?!” Biglang naibaba ni Lucyva ang hawak niyang cellphone dahil sa boses ni Wann. Tumikhim siya at pagkatapos ay tumayo siya. Itinago niya sa drawer ang cellphone ni Haze at lumapit siya sa closet. Kumuha siya ng damit. “Wala, ngumingiti ba ako?” tanong niya. Aasarin niya ako kapag nalaman niya ang dahilan kung bakit ako nangiti. Mukhang kailangan ko na bantayan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD