Chapter 36 Totoo nga ang sinabi ni Haze tungkol kay Karl. Wala nang kahit na sino ang nakakaalala dito. Nakalimutan ng lahat ang tungkol sa lalake at napalitan ang dahilan ng nangyari kay Emmanuele na aksidente. Naaksidente si Emmanuele at naospital dahil sa isang car accident kaya’t nawala ang kaniyang memorya. Ang totoong dahilan na nasaksak si Emmanuele ay nakalimutan ng lahat. Wala rin matandaan si Ellaine at si Martin. Ang alam ng mga ito ay nasangkot siya sa isang car accident. “Ang lalim na naman ng iniisip mo, Lucyva, hindi ba mas maganda kung kumilos ka na dahil may pasok ka ngayong araw?” tanong ni Wann sa kaniya. Nakahiga pa kasi siya sa kama. Balik na siya ulit sa Felicitine dahil wala nang dahilan para manatili siya sa bahay at mag home school hanggang dumating ang pagt

