Chapter 65 Nanatiling nakahinto ang oras. Hindi alam ni Lucyva kung paano siya magsisimula sa pagkwento kay Haze kung ano ang nangyari. Haze was just looking at her. Hinihintay siya nito na magsalita ngunit ang sakit na nararamdaman niya ngayon ay nangingibabaw. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nalaman. Kaya pala ganoon na lang ang pagtataka ni Tokio pati na ni Wann. Sinabi ng mga ito na ang nakatadhana na magligtas sa mundo na iyon ay dapat doon din ipinanganak. Ang katotohanan ay napunta siya sa mundo ng Victorana at sa mundong iyon talaga siya nagmula. Ang hugis krus na balat niya sa kamay at ang burda sa damit niya noong maliit pa lamang siya ay sapat nang ibedensya upang maniwala siya sa kaniyang nalaman. Ngunit ang masakit ay napunta siya sa mundong iyon at sa katawan ng kaniya

