Chapter 76 Lumabas siya ng kaniyang silid, gabi na at alam niyang nasa kwarto na ng mga ito ang kaniyang mga magulang. Nang makarating siya sa kusina ay kaagad siyang naghanap sa ref ng mailuluto. Maraming klase ng pagkain ang naroon, dalawang putahe ang naisip niyang lutuin. Malalim naman ang tulog ni Haze kaya’t matatapos siyang magluto bago ito magising. Nagsimula na siyang magluto. Tinolang manok at piniritong manok ang niluto niya. Mabuti na lang ay may natira pang kanin kanina. Iiinit na lamang niya iyon. Habang naghihintay siyang maluto ang mga pritong manok ay naghanda na siya ng mga pinggan sa tray. Kumuha na rin siya ng mga kubyertos. Naglagay siyang juice. Nang maalala niya si Wann ay kumuha siya ng cupcake. Dinagdagan na niya iyon para kay Tokio. Pagkatapos maluto ng tinol

