Episode 5

2766 Words
Pumasok kami sa isang restaurant. May isang lalaking nakauniform ang nasa tapat ng glass door. Nakangiti lamang siya at pinagbuksan kami. "Goodevening sir, mam. Enjoy your date." Bati niya nang nasa tapat na kami ng nakabukas na glass door. Pilit lamang na ngiti ang tugon ko. Nahihiya kasi ako. Saka date talaga? Di ba puwedeng dinner lang muna? I almost jumped in shock when I felt Thomas' hand on my back. Pinasadahan niya ng kaniyang palad ang likod ko at aaminin ko, it feels good. Sa sandali pa ay nilagay niya ang kaniyang kamay sa aking baywang. Crystal chandeliers... formal sets ng table... I guess this restau ay for exclusive only. I mean for private uses. "This way sir." Ani lalaking waiter yata habang nakalahad ng kamay sa gawi ng tinutukoy niya. Hindi umimik si Thomas. Sumunod lamang siya sa waiter as well as me. Maraming tao. Para siyang isang okasyon na dadaluhan namin. At lahat, mukhang mayayaman. May mga kaedad ko lang, may mas bata at may mas matanda naman na kaedad lang ni Thomas. Si Thomas ay four or five years ang tanda niya sa'kin. Graduate na din siya sa college samantalang ako, magka-college palang. Thomas San Antonio. Hindi ko alam kung bakit ko siya nagustuhan. Siguro dahil guwapo siya? Sikat? Talented? Ewan. From the moment I laid my eyes and my whole attention was given to him, doon ko napagtantong tumitibok ang puso ko para sa kaniya. Was it really a love after all? I was too young that time. Too naive. Too vulnerable. Too obtuse. Nakarating kami sa nakareserbang table set. Dalawa lang ang upuan. So I guess pinaghandaan niya 'to? He pulled the chair at pinaupo ako doon. I mouthed "thank you" pero hindi siya umimik. Napalunok na lamang ako. Feeling ko kasi napahiya ako ng konti. Konti lang naman. At siya naman ang umupo. Pagkaupo niya ay binigay ng waiter ang menu list sa kaniya at maging sa akin 'yung isa pa. "Hmm..." I hummed habang namimili ng puwedeng kainin. Puwede bang fries, pizza, ice cream or burger nalang? Mas masarap pa siguro 'yun at paniguradong mabubusog ako. After five minutes kong pagiisip ay nakapili na ako. Si Thomas ay kanina pa nakapili. At kanina niya pa din ako pinapanood. Minsan kasi napapamake face ako. O edi bahala siya kung mas lalo akong pumangit sa mata niya. Hindi naman siguro problema 'yun 'di ba? Hindi naman ako importante sa kaniya. After ilang minuto ay inilapag na sa amin ang aming inorder. Carbonara lang naman 'yung akin. Wala kasi akong gana. I mean, mas trip ko 'yung fries, burgers, street foods, pizza at kung ano pa. Nagsimula na kaming kumain. Actually siya lang pala. Pinaglalaruan ko lang ang carbonara gamit ang tinidor. Tinusok tusok ko lang ito ng marahan habang ang tingin ay nandoon lang din. "You're not going to eat?" Napalingon ako sa kaniya ng wala sa oras. Kanina pa ba niya ako pinapanood? I faked a grin. "I want fries sana or pizza." Sagot ko at nagiwas ng tingin. Tumungo muli ako at pinagtuunan ng pansin ang carbonara. "Kumakain ka nun?" Tunog hindi makapaniwala niyang sabi. "Yeah." Tipid kong sagot nang hindi siya tinitignan. Maya maya ay may pinatugtog na kanta. Perfect siya para magcouples. Slow dance... sweet dance. Take my hand Take a breath Wala bang balak na isayaw ako ni Thomas? Kating kati na kasi puwet ko. At saka sayang naman 'yung tugtog. Minsan na din kaya akong fan ni Miss V. Keep your eyes locked on mine And let the music be your guide Tumikhim ako. I want him to know na naghihintay ako na anyayahin niyang sumayaw. "Hindi mo ba ako isasayaw?" Desperada kong tanong. Parang wala lang kasi sa kaniya. Date 'to 'di ba? Dapat may pasayaw sayaw effect para naman unforgettable. Tss. Wala din pala 'tong si Thomas eh. Won't you promise me? (Now won't you promise me?) (That you'll never forget) We'll keep dancing (To keep dancing) Wherever you go "Ba't naman kita isasayaw?" Suplado niyang tanong. Pinigilan kong huwag malaglag ang aking panga. Tignan mo 'to! May padate date pang nalalaman ta's wala lang din naman palang mangyayari. Bakit sa mga palabas na napapanood ko or even sa mga libro, hindi na kailangang magrequest or magtanong ng babae kung isasayaw ba siya ng ka date niya? Iba ba talaga ang mga palabas at sa totoong buhay? Akala ko kasi ang mga napapanood ko or nababasa resembled real life situation. 'Di naman pala! It's like catching lightening, the chances of finding someone like you Tama. Bihira lamang ang tulad niyang walang puso. Walang pakialam at bastos kausap. Tss. It's one in a million, the chances of feeling the way we do Pero... ano nga ba ang nararamdaman niya para sa akin? Do we feel the same way? Do our hearts beat as one? Hindi naman siguro, right? Ano pa ba ang aasahan ko sa lalaking 'to? Kung dati ay nagawa niyang wasakin ang puso ko, ano pa kaya ngayon? He's a heart wrecker. Pero kahit ganun siya... naiintindihan ko. Kahit ganun siya, okay lang sa akin. Siguro mahal ko na naman 'tong lalaking 'to. Nakakapagod. Parang gusto ko ng itigil 'to. If we're just friends, bakit namin ginagawa 'to? If I'm just his friend, bakit hinalikan niya ako kanina? May nararamdaman ba siyang kakaiba para sa akin? Pero ayoko naman kasing mag-assume. Tama naman guro 'yung nasaktan na ako ng isang tulad niya noon. He's heartless and callous. Wala siyang pakialam kung nasasaktan na ba niya ako or hindi. Oh well, this is just part of his plans. Pero para saan? Why is he doing this to me? May atraso ba ako sa kaniya? Or ang pamilya ko? Kasi kung ako ang sasagot sa sarili kong tanong, hindi ko rin ito masasagot. I'm clueless. Wala akong alam sa daloy ng buhay niya. Wala akong alam na dahilan kung bakit sinasaktan niya ako emotionally. Isn't he aware? Tumikhim ako at tinignan siya ng diretso. He was just looking at me with his glare. Nakakakaba. Nakakatakot. He was like a man of power and authority. "Excuse me. Magsi-cr lang ako." Hindi ko na hinintay ang sagot niya bagkus tumayo na ako at naglakad palayo. So since hindi ko alam kung nasaan ang cr, lumapit ako sa isang waiter. "Hi. Ahm... where's your restroom please?" Magalang kong tanong sa kaniya. "Oh. Diretso lang po, ma'am. Tapos kanan ka." Nakangiti niyang tugon. "Okay. Thank you." Ngumiti ako at tumango bago siya nilagpasan. Sa totoo lang, wala akong plano sa mga oras na 'to. Ayoko lang talaga na makasama si Thomas. Para kasing unti unting nababasag ang puso ko lalo na't lagi nalang akong nagiisip. Ang sakit kasi. Ang sakit sakit. I love him but he can't love me back. Noon pa man ay mahal ko na talaga siya. Noon pa man ang tanging hiling ko lang ay mahalin niya ako pabalik. 'Yung pagmamahal na higit pa sa ano mang bagay dahil 'yun ang nararamdaman ko para sa kaniya. That he'll give importance sa isang tulad ko. Oh well. Sino nga ba ako sa kaniya? Ano ba ako sa kaniya? Kaibigan? Pampalipas oras? Slave of his kisses? Pero bakit nagagalit siya kapag may kasama akong iba? Bakit nagagalit siya kapag may kausap akong iba? I heaved a sigh. Hindi ko na talaga alam kung ano na ang nangyayari. Parang nawawala na ako sa kuwento. Do I even deserve this? Tinulak ko ang tamang pinto at pumasok doon. May nadadatnan akong mga iilang babae na nananalamin. Pero isang grupo ng babae ang umagaw sa atensyon ko. Mukha silang mga may lahi. "Really? Oh my gosh! Ang guwapo niya kaya." Umirap siya. She has hazel eyes. 'Yung isa ay blue. Makapal ang kaniyang kilay. Mukha siyang model. Lahat sila ay mukhang model to be exact. Pumasok ako sa isang cubicle. Wala lang. Trip ko lang. Wala naman kasi akong mapupuntahan. And I don't want Thomas to interrupt me. "Bilisan niyo na nga." Rinig kong reklamo ng isa yata sa kasamahan ng grupo. "Mauna ka na kayang lumabas." Iritang tugon ng kaibigan niya. "Tss." "That's enough. We're not her to argue. We're here to celebrate." Maawtoridad na awat ng isang babae. Siguro siya 'yung leader sa kanila kasi napatahimik niya 'yung iba eh. "Where's Sandro ba?" Aniya sa naiiritang boses. "Tss. Nevermind my brother. He's just here for girls." Maya maya pa ay narinig kong naglalakad na sila paalis. Napabuga ako ng hininga. Buti naman at umalis na sila. Mas gusto kong mapagisa sa mga panahon na 'to. Huminga ako ng malalim. Parang mali na kasi ang ginawa ko. Ilang minuto na din akong namamalagi sa cubicle. Baka ipapablutter na ako ni Thomas dahil hanggang ngayon, hindi parin ako nakakabalik sa table namin. Lumabas ako ng cubicle. Nanalamin muna ako sa malaking salamin na nakadikit sa pader. Tinitigan ko ang aking sarili. Okay naman ako ah? Maganda naman ako. Tanned skin at sexy. Ano pa ba ang kulang? Am I not enough? Suminghap ako to settle myself down. Hindi dapat ako nagooverthink. Kung ayaw ni Thomas sa akin, be it. He should get his life out of mine. If he doesn't need me, fine! And this night, last na 'to. Hinding hindi na ako magpapaalipin pa. I am Quennie Levi Joy Francisco. Queen. Pinagsisilbihan. Hindi nagsisilbi. Lumabas na ako ng cr at tiyempong may nabangga ako. Ugh! This really sucks! I was totally frozen nang nagtama ang aming paningin. Am I just hallucinating for heaven's sake?! "Woah! Quennie?" Nangingiti at hindi niya makapaniwalang bulalas. Kumunot ang noo ko. Bakit siya nandito? "Alexander? B-Bat ka nandito?" Tunog hindi makapaniwala kong tugon. Of all the places na puwede ko siyang makita, dito pa talaga? I can't believe. It's an honor to see him again. "Oh! I attended some business meetings." Nakangiti niyang tugon. Ang guwapo niya. Tas ang bango pa. "I-ikaw? Why are you here?" Tanong niya habang magkasalubong ng bahagya ang mga kilay. "Oh! I have..." pinagdikit ko ang aking mga labi. "You know... dinner with Thomas." I shrugged and faked a grin. Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. "O...kay. Sige na. Baka hinahanap ka na niya." Aniya sa malungkot na mata. "Nah. Don't mind him. I just wanna go home. Parang hindi naman dinner date ang nangyari. I want to dance with him pero ayaw niya akong makasayaw. Sayaw lang naman 'yun ah? Masama bang humiling na maisayaw niya ako?" Umirap ako. Nakakainis! Naalala ko lang tuloy 'yung pagsusungit ni Thomas. "Bakit naman kita isasayaw?" Tss. Palibhasa walang pakialam sa akin. "What? He did that to you?" Umiling siya. "Don't worry. Ako nalang ang magsasayaw sa'yo. Listen to the song. Mabagal. It's perfect." He gave me his killer smile. "Really? Oh- 'wag na. Baka naabala pa kita." Pagtatanggi ko kahit na parang gusto ko siyang makasayaw. "No. No. No. No. It's okay. Saka katatapos lang actually ng meeting. I was looking for Varlet." Tumango ako. Pero sino nga ba si Varlet? "Who is she? Girlfriend mo?" Takha kong tanong. Tumawa lamang siya kaya napagsalubong ko na kusa ang aking mga kilay. "No. Pfft. Varlet's my sister." Pigil-tawa niyang sabi. "Oh. I see. So siya pala 'yung nakita ko kanina?" "Who? Varlet?" "Yeah. Siya ba 'yung may hazel eyes?" "Yes. How did you know? I mean, saan mo sila nakita?" "Hmm... sa loob ng cr. But that was fifteen minutes ago. Kasama niya 'yung babaeng may blue na mata. 'Yung makapal ang kilay." "Really? She's Kimber. Kapatid ni Magnum. Remember the man I was with when we were in your coffee shop?" Sumingkit ang mga mata ko. Hmm... yeah. I remember him. 'Yung lalaking walang ibang ginawa kundi ang pagtuunan ng pansin ang laptop niyang may tatak na prutas na may kagat sa gilid. "Oh! So siya pala si Magnum? Hmm... may itsura ha? Infairness ang guwapo niya." "Yes of course. Nasa lahi nila. His parents are mafias." "Really?" "Yeah but anyway, so ano? Can I have dance with you?" Nakangiti niyang anyaya sabay lahad ng palad. "Sure." Walang pagaatubili kong sagot at inabot ang kaniyang kamay. Malambot ang malaki ang kaniyang kamay pero wala akong naramdamang kahit na anong kakaibang sensasyon. Iba parin pala kapag si Thomas. Hays. We headed down sa dancefloor. Kahit kating kati na ang mga mata kong tignan si Thomas, I prefer na balewalain siya. Sana naman maramdaman niya ang pakiramdam na binabalewala eh no? Tss. Nasa gitna na kami. Ramdam ko ang paninitig ng ibang mga mata. "Don't look at them." Aniya at inilagay ang mga kamay ko sa magkabilaan niyang balikat. Nilagay naman niya ang kaniyang kamay sa baywang ko. He's smiling all through out. Aaminin ko, I was enchanted by his looks before pero dahil mas malakas si Thomas sa'kin, hanggang doon na lamang 'yun. Parang "okay. Guwapo siya." feeling na lamang. "You looked stunning. How I wonder nakailang boyfriend ka na. Kasi you're damn attractive. Even me. Parang minagnet mo ako." Seryoso pero nakangiti niyang sabi. Dapat ba akong kiligin? Parang walang epekto 'yung mga sweet talks at pagpupuri niya. I groaned in the back of my mind. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit parang mas gusto ko paring si Thomas ang kasayaw ko ngayon? Tss. Unbelievable. "You okay?" Biglaan niyang tanong kaya napabalik ako sa aking diwa. "Yeah. I'm okay. I'm fine. Hindi ko lang talaga alam anong sasabihin ko." I faked a smile and looked away. I just can't believe that you are mine now Hays. I can't believe that he's still not mine kamo. Nagpatianod lang ako sa galaw niya. Umikot ikot kami. Minsan nahahagip ng tingin ko ang ibang mga tao dito na nagbubulong-bulungan. 'Yung iba naman ay parang kinikilig na ewan. 'Yung iba ay dedma lang. You were just the dream that I was knew I never thought I would be right for you Parang ang sarap tadyakan ng dj eh. Nananadya! Hindi ko nga pagaari si Thomas eh! Bwiset! "Kanina ka pa lutang. Is there something bothering you?" Nagaalalang tanong ni Alexander. Buti pa 'to concerned sa akin samantalang si Thomas, naku! Huwag nalang. Tss. "I wasn't informed na isasayaw mo ang girlfriend ko." Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Thomas sa likod ko. Humarap ako sa kaniya at bumungad sa akin ang galit niyang mukha. Nagaalab ang kaniyang mga mata. "She's mine. Don't you get it?" Matigas niyang untag. He grabbed me from Alexander. Halos matapilok ako sa ginawa niya. I'm wearing seven-inch heels for goodness' sake! "I'm sorry man. I have no wrong intention sa girlfriend mo. Sinayaw ko lang siya dahil hindi mo siya sinayaw-" "I don't need your f*****g explanations. Now, hands off to my girl before I could do malicious things towards you. I swear to hell, you'll never love it." Pagbabanta niya. Ngumisi lamang si Alexander. 'Yung ngising may halong panunuya. At if ever na ako si Thomas, hinding hindi ako magdadalawang isip na suntukin ko si Alexander. "Is she really your girlfriend? Bakit hindi mo inaalagaan ng maayos?" Tumaas ang isa niyang kilay. "Thomas. Alexander." Awat ko. "Tama na. Ayoko ng gulo. Gusto ko ng umuwi." Inirapan ko silang dalawa at umalis sa harap nila. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Ang ayoko pa naman sa lahat ay magkakaeskandalo. Inaalagaan ko ang reputasyon ko at ng pamilya ko. At hindi ako papayag na basta basta lamang masisira 'yun dahil lang dito. Habang naglalakad ako papuntang parking lot ay hindi ko maiwasang maalala ang mga tanong ni Alexander. "Is she really your girlfriend? Bakit hindi mo siya inaalagaan ng maayos?" Tama. Am I really his girlfriend? Kasi parang hindi- which is hindi naman talaga. Tangina! "Aaaa!" Sigaw ko. Grabe na 'to ha?! Bakit niya ba ako pinapahirapan? Bakit ang dali dali lang sa kaniya na sirain ang buhay ko? Bakit niya ba ginagawa sa'kin 'to? Ano bang atraso ko sa kaniya? He's acting like my boyfriend kapag may lumalapit sa aking ibang lalaki pero kapag kami lang dalawa, wala lang. Parang hangin lang ako sa paningin niya. He is so possessive na para bang ayaw niyang may makahawak sa akin even those mosquitoes na dadapo lang sa balat ko. Bakit niya ba ako ginaganito? Nahihirapan na ako. I don't have clues kung bakit siya nagkakaganiyan. Bakit niya ba ako pinagdadamot sa iba? Pagaari niya ba ako? He's just no one to me. A stranger to be exact. "Quennie." Tawag ng isang pamilyar na boses. Bahala ka sa buhay mo, Thomas. Ayoko na! Pagod na ako! Tama na 'yung winasak mo ako dati. At hinding hindi na ako papayag na mauulit muli 'yun with the same reasons.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD