KABANATA 1: AWARD
"And the Best Actress goes to…… MADDIE!"
Napuno ng hiyawan at palakpakan ng mga tao sa loob ng grand ballroom. Ngumiti ang isang matangkad na babae na may suot na kulay pulang gown na nangingibaw sa lahat.
Umakyat ito sa hagdan. Nakarating ito sa madilim na stage. Hanggang sa tumama ang spotlight sa isang sikat ng artista ngayong henerasyon.
Si Maddie, ang talk of the town sa showbiz.
Kaliwa-kaliwa ang movies, teleserye, at endorsement.
Ngumiti si Maddie sa lahat bago tumapat sa mikropono. "I just want to keep it short and sweet. Thank you, everyone, and cheers to more Best Actress awards!" pahayag niya sa habang kumikislap ang mga ilaw ng camera.
Tinaas niya ang trophy, muling umugong ang palakpakan. Pagbaba na pagbaba niya ng entablado patungo sa VIP lounge, pinalibutan agad siya ng kanyang male lead na si Julian kasama ang dalawa nitong paboritong co-stars, sina Bianca at Kristen ang dalawang aktres na kasabayan niya sa industriya.
"Congrats, Maddie! Deserved na deserved mo talaga ang award tonight!" bati ni Julian habang nakaakbay kay Bianca.
"Oo nga, Maddie! Finally, nakuha mo rin," nakangiting hirit ni Bianca.
May ngiti pa rin siyang nakatitig sa tropeo nang itaas ang tingin ay nakita niya ang pekeng ngiti ni Bianca.
Tumikwas ang isang kilay niya at tinuwid ang likod. "You should celebrate with us! Ipinag-order ka pa man din namin ng special champagne."
Inabot ni Kristen ang isang baso sa kanya. Pinagkatitigan niya iyon bago muling sinaglayan ang mga kaharap.
Ang mga ngiti nito ay hindi niya maipaliwanag na nagbigay sa kanya ng kaba.
"Cheers para sa ating Best Actress! Sige na, Maddie, huwag ka nang maarte, galing pa sa mga VIP producers natin 'yan. Bottoms up!" untag ni Bianca
Seryoso niyang sinulyapan ang hawak bago muling ngumiti sa mga kaharap.
Baka nago-overthink lang siya.
"Thanks, guys. Hindi ko 'to masyadong inaasahan," nakangiting aniya.
At ayaw niyang magmukhang bastos sa harap ng mga ito, kaya mabilis niyang nilagok ang champagne.
Lihim naman nagkatinginan sina Julian, Bianca, at Kristen habang may nakatagong ngisi sa mga labi.
Hindi pa nakakalipas ang limang minuto, napahawak sa mesa si Maddie, ganoon na rin sa ulo. "What's happening?" tanong niya sa sarili nang biglang nakaramdam ng matinding hilo.
Tinaas niya ang mukha, at malabo na ang tingin niya sa mukha ng tatlong artistang kaharap. Pero kitang-kita niya ang mga ngiti nito.
Pilit niyang tinatagan ang mga binti.
"E-Excuse me. I just need to use the restroom," bulong ni Maddie habang humahawak sa kanto ng mga mesa para hindi mabuwal.
"Wait, Maddie!" Bakit ka naman aalis agad? Kakasimula pa lang natin!" tawa ni Bianca sabay hawak sa braso niya para pigilan siya.
"Oo nga, Maddie. Hindi ba pwedeng maging friendly ka naman sa mga producers natin tonight?" dagdag ni Kristen.
Nakaharang ang mga ito sa daan niya habang siya ay hindi man lang makatayo ng tuwid.
"Let's go," narinig niya na sabi ni Bianca pagkatapos ay itinutulak siya nang bahagya patungo sa dalawang lalake, VIP guests iyon na nakatayo malapit sa kanila.
"Sila ang nag-sponsor ng party na 'to, Maddie. Samahan mo muna sila," nakangising hirit ni Julian sabay tuluyan siyang pinalibutan ng dalawang matatandang producer.
"Where are you going, Miss Best Actress. The night is still young," nakangising wika ng isang producer habang hinahawakan ang balikat niya. "Ngayon pa lang magsisimula ang totoong party."
"Don't... don't touch me," aniya. "Bitawan niyo ako... Bianca, Julian..."
Nakatayo lang sa tabi sina Julian, Bianca, at Kristen na nakangiti nang patago habang pinapanood Maddie na nahihirapan.
"Halika na, Maddie. Huwag ka nang maarte, isang gabi lang 'to," sabi ng pangalawang lalaki sabay abot sa bewang niya.
"I said, back off!" sigaw ni Maddie pero wala nang lakas ang boses niya dahil sa gamot.
Naaninag niyang napalingon sa kanya ang nasa paligid kaya pinilit niyang huminahon.
"Huwag ka nang gumawa ng eksena,"
bago pa siya mahawakan ng isang lalaki.
Isang mabigat at malamig na kamay ang biglang humawak sa palapulsuhan ng producer at pabalagbag itong ibinalibag sa gilid.
Gulat na napatayo ang lahat ng nasa mesa at nasa paligid. Galit na tumingala ang may-edad na lalake.
"Ano ba?! Sino ka ba?!" galit na sigaw ng producer.
Tumayo sa harapan nito ang isang lalakeng, matangkad at may balikat na malapad at may nakakatakot na tingin.
Natigilan sina Bianca at Kristen sa gulat, habang napahakbang pabalik si Julian sa tindi ng panginginig buhat sa dating ng lalaki.
"Get out of my face if you still want to walk out of here alive tonight," malamig ngunit mariing utos nito.
"Sino ka ba ha?!" galit na sigaw pa rin ng producer kahit kinakabahan.
Tinitigan ito ng lalake nang walang kukurap-kurap. "Gusto niyo talaga akong subukan?"
Humakbang ang lalake, takot na nagpalitan ng tingin ang dalawang producer pati ang grupo nina Julian ay nagmamadaling nagpulasan.
Si Maddie naman ay sapo ang noo bago pa siya tuluyang bumagsak. May mabilis na sumalo sa kanya. Ramdam niya ang matigas na bisig nito bago siya dahan-dahan tumingala.
"S-sino ka... bitawan mo 'ko..." pabulong na angal niya.
Wala siyang nagawa nang parang papel lang siya nitong buhatin. Mas ramdam niya ang umiikot na paligid habang nakalaylay ang ulo.
Ang mga paa niya na lang niya ang winagwag niya. "Bitawan mo ko."
Pagkapasok sa kwarto, maingat pero ramdam niya na pabalagbag siyang inilagay sa malaking kama.
"Who the hell are you?!" sigaw niya habang pilit na bumabangon. "Stalker ka ba?! Anong balak mo?!"
Hinagilap niya ang dala-dalang bag. "I need to call Cola and Bea-" napatingala siya nang agawin ng lalake ang bag.
Dahil nasa likod nito ang liwanag ay hindi niya maaninag ang mukha nito. Ang alam niya lang, malaki, at matangkad ang lalake.
"Get out of my room before I call security!" sigaw ulit niya habang nanginginig ang boses. "Isusumbong kita sa press at sa mga pulis! You kidnapped me!"
"Tumahimik ka lang, at matulog. Iyon lang ang gagawin mo," tipid at malamig na tugon nito. "I don't have time for your drama."
"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw niya at akmang tatayo pero isang kamay lang ang ginamit nito para itulak siya.
Tumalbog siya sa kama nang napahiga muli. Pagod siyang huminga bago muling bumangon.
Tahimik ang buong kwarto hanggang sa ngumisi siya. "What?! Isn't this what you want?"
Pinakita niya ang sarili rito. "You want me?"
"After this, you will let me go?"
"Fine!"
Nakatitig siya sa mga mata ng lalake na nakikita niya dahil sa liwanag mula sa bintana. Hinawakan niya ang tali ng suot-suot.
Hanggang sa marinig niya ang patamad na paghinga nito. "Kahit maghubad ka pa sa harap ko ngayon, wala kang mapapala," malamig na depensa nito. "Wala akong gagawin sa 'yo. So fix your dress bago ka pa magmukhang tanga sa harap ko."
"Liar! Sinungaling ka! Nagkukunwari ka lang!" sigaw ni Maddie at ibinaba pa lalo ang damit.
Sa isang mabilis na galaw, hinawakan ng lalake ang dalawang pulso niya at ipininid ang mga ito sa ibabaw ng ulo niya matapos siyang ibagsak pabalik sa kama.
"I’m telling you the truth. Matulog ka na. Wala akong balak sa iyo," malamig pero seryosong sagot nito.
Doon niya nakita ang kabuuan ng mukha ng lalake. Ang matapang nitong mga mata, matangos na ilong at ang labi. Ang panga nito ay nag-iigtingan.
Nagkatitigan silang dalawa. Hanggang ang matatapang na mata ni Maddie ay dahan-dahang lumabo at pumikit habang tuluyang nawalan ng malay ang aktres.
Dahan-dahang bumuntong-hininga ang lalake. Inalis ang pagkakapit dito bago bumangon at tumayo sa gilid ng kama.
Inayos nito ang higa ni Maddie, tinakpan ang kumot hanggang sa dibdib nito, at itinaas nang maingat ang tali ng damit ng aktres.
Habang nakatayo ito sa tabi ng kama, biglang tumunog ang cellphone nito.
"Where are you? Got her?" tanong ng boses sa kabilang linya.
Inayos ng lalake ang tayo at nilinga ang aktres. "Kasama ko na siya, Sir."