RALD JAMES GONZALVO
“Where's Wayne?” bungad ko agad sa mga tauhan kong mga nakaupo sa sahig.
Yung iba nakahilirang nakatayo habang nakasandal sa pader, kanya-kanyang hawak na cellphone. Pailalim ko sila tiningnan isa-isa. Tila natimbrehan na silang lahat kaya kompleto sila sa labas; naghihintay. Maliban kina Wayne, Cyrus, Rob and Craig. Nang isipin iyon lalong sumidhi ang galit na nararamdaman ko.
“Tawagan niyo si Clayde--”
“Tinawagan na ni Boss Wayne--”
“I said tawagan niyo si Clayde!! Wala akong pakialam kung tinawagan na ni Wayne. Ang gusto ko tawagan niyo siya. Papuntahin niyo dito--”
“He's on his way here,” boses ni Wayne.
Napalingon ako sa bumukas na pinto ng control room. Lumabas doon ang apat. Pinanliitan ko sila ng aking mga mata.
“Anong pinag-usapan niyo sa loob? Ganun ba kaimportante para palabasin niyo pa silang lahat?”
“We're talking about Tito Crisanto's death and his wife.”
“Tito Crisanto, who?”
“Gov. Crisanto Ledesma.”
Mapakla ako umismid. “Sila ang pinagkakaabalahan niyo instead na tulungan ako--”
“Bro, you misunderstand--”
“Alin ang hindi ko naiintindihan? Sige nga isa-isahin natin.” tinitigan ko ng mariin si Wayne. “Anong ginagawa mo do'n sa kabila? Explain mo yung naabutan kong tagpo niyo ni El Salvador.”
He shrugged his shoulder. “I just tried to be friend with her and fetch some infos--”
“Hindi ganun ang nakita ko.”
Wayne frowned. Tiningnan pa ang mga katabi. “Teka... bakit ba galit na galit ka? May ginawa na naman ba siya sayo?”
“May gusto ka ba sa kanya?”
“What?”
“Sagutin mo ang tanong ko, Wayne. Did you like her?!”
“Well--uhm... yeah, I like her--”
Nagdilim ang paningin ko. Malalaking hakbang na nilapitan ito sabay suntok ng malakas sa kanyang panga.
“Aw--fück--!” bulalas nito matapos sumadsad sa pader.
Akmang dadaklutin ko ang kwelyo ng kanyang damit ng bigwasan din ako nito ng kamao sa mukha. Ramdam kong pumutok ang labi ko pero gumanti din ako agad ng suntok na sinangga ni Cyrus sabay tulak sa'kin. Ito naman ang binalingan ko. Sapol ng kamao ko ang matangos nitong ilong. Pinunasan nito ang dumaloy na dugo doon.
“T'ngna naman bro--lasing ka ba?”
Muli kong binalingan si Wayne, dinaklot ang kwelyo ng kanyang damit. “Ginalaw mo ba siya habang wala ako?”
“Gägo..!” binaklas nito ang mga kamay ko sabay tulak ng malakas sa dibdib ko. “Ano bang pinagsasasabi mo? Nababaliw ka na ba?”
Umiling ako sabay dukot ng baril na nakasuksok sa waistband ng pantalon ko sa likod. Namimilog ang gulat nilang mga matang nagkatinginan sila ng itutok ko iyon sa kanilang lahat.
“Kakampi ko ba talaga kayo or pinagkakaisahan niyo ako?”
“Putangina--”
“Anoooo?!” sigaw ko sabay paputok sa taas ng dalawang beses. “Sabihin niyo sa akin! Bakit pumalpak si Clayde? Gusto niyo rin ba ako pat--”
“James--!” humahangos na boses ni Clayde.
Binalingan ko ito sabay paputok ng baril sa paanan nito. Napatalon ito paatras.
“Putangina--James! Are you out of your fücking mind?!” galit na sigaw nito. “Ano bang nangyayari sayo?”
“I should be the one who ask you that, Clayde.” binato ko ang baril sa lapag. Marahas na nagpakawala ng sunod-sunod na malalalim na buntong-hininga. “Tell me, anong nangyari sayo? Ba't ka pumalpak? Alam mo bang muntik-muntikan na akong mamatay doon sa loob ng building ni Wrath? Sinadya mo ba yun or--”
“Seriously?” bulalas nito. “Dahil do'n kaya nagkakaganyan ka?”
“OO! Dahil do'n kaya nagkakaganito ako. Dahil ipinagkatiwala ko sayo ang buhay ko tapos--”
“Bro, tingin mo hahayaan ka naming basta na lang mamatay doon?”
“Then why?! What happened? Bakit ganun ang nangyari Clayde? Bakiiiit?!”
Nagkatingin muna sila bago ako sinagot ni Clayde. “I told you already, right? Na reverse nila yung--”
“Putangina naman Clayde!!” sigaw ko. “Sa tagal ng pagkakaibigan natin ngayon ka pa talaga magsisinungaling sa akin? Why don't you just tell me the fücking truth?!” muli ko silang tiningnang isa-isa. “May tinatago kayo sa akin... Alam ko. Nakikita ko. Nararamdaman ko na may tinatago kayo sa'kin! Sabihin niyo. Sabihin niyo na bago ko pa isipin na may kinalaman kayong lahat sa pagkamatay ng pamilya ko at gusto niyo din akong itumba!!”
“Fück--”
“Ipakita mo na sa kanya.” siko ni Cyrus kay Wayne.
Nalipat naman ang tingin ko dito.
He cursed. Marahas na bumuga ng hangin. “It's not the right time but fück--! Nakakatakot ka pala kapag sinasapian. I wonder how Rashmin--” tumigil ito ng paningkitan ko lalo ng aking mga mata. “Oh... me and my big mouth.” mariin na ipininid ang mga labi sabay ngisi. “Will talk inside the control room.” sabay hakbang papasok sa kwartong nilabasan nila kanina.
Nagsipagsunuran naman kami sa kanya. Pagpasok ko sa loob napatutok kaagad ang tingin ko sa mga monitor. Iba-iba ang footage na nakadisplay pero pare-pareho ang mukha maliban sa dalawang monitor na nasa pinakadulong gilid. Nagwawalang El Salvador ang nakita ko doon.
“Ano 'yan?” turo ko sa mga video ni Darleen kasama si Hugo.
“Panoorin mo nang maintindihan mo kung bakit ganun nila kabilis na reverse yung pag-hacked ko sa server ng security system nila.”
Naguguluhan na nilingon ko si Clayde. “You mean may kinalaman si Darleen sa nangyari? Kaya ba lihim niyo siyang pinapaimbestigahan kay Curtis?”
“Si Curtis?” tanong ni Wayne. “Sino nagsabi sayong si Curtis ang nag-iimbestiga?”
“Si Darleen. Kaya nga siya napasunod sa'kin sa Italy e.”
“Naniwala ka naman?”
I confusedly shook my head. “Honestly, she's acting wierd simula ng mapunta sa poder ko si El Salvador.”
“What do you mean she's acting weird?”
“Basta bigla siyang umiba. Tapos nag-e-insist na siya ng kasal sa'kin ngayon.”
“O e balak mo naman talaga siyang pakasalan diba?” sabad ni Cyrus. “Ba't 'di mo pa ituloy? Invited pa rin kami sa kasal mo, right?”
“Shut up!” angil ko dito. “Tumahimik ka kung ayaw mong mabaling sayo ang galit ko.”
Nakatawang nagtaas ito ng dalawang kamay.
Muli kong binalingan si Wayne. “May nakalap na ba kayong info sa ginawa niyong imbestigasyon?”
“Sina Jed, Nixon and Jorge ang nag-iimbestiga hindi si Curtis.” tinuro nito ang monitor. “Pero yang video na yan si Curtis ang nagbigay kay Suarez. Yung bagong video ni Darleen na lumuwas ng bansa galing yan kay Santos.”
Curtis, Suarez and Santos; our three Bud Brothers private investigator.
“Ibig sabihin hindi dahil sa'kin kaya siya napabalik muli sa Italia?”
“That's for sure.” chorus nila.
“Tapos bigla pa kamo nag-e-insist ng kasal sayo e diba piece of paper lang yun sa kanya?” wika ni Craig. “Why a sudden changed of mind?”
Suminghot-singhot sa hangin lahat ng tauhan ko.
“Smell like dalag na bilasa.” chorus ulit nila.
Mapaklang tumawa sina Wayne, Clayde and Cyrus. Tinapunan ko sila ng nakamamatay na tingin sabay hakbang palabas ng control room.
“Saan ka pupunta?”
“Will check El Salvador--”
“May importante pa kaming sasabihin sayo.”
Binuksan ko ang pinto saka nilingon sila.
“Ano yun?”
“Nahanap na namin ang nawawalang anak ni Tito Crisanto--”
“Wala akong pakialam diyan.” sabad ko. “Subrang dami ko ng problemang inaasikaso dinadagdagan mo pa talaga. Ayoko ng ma-involve diyan. Kaya niyo na 'yan.” saka tuluyang lumabas.
“Teka bro--sandali lang!”
“Hindi ako interisado! Sabihan niyo si Luke--”
“Kaibigan ng mga magulang mo ang mga Ledesma--”
“I said I don't care! 'Wag niyo na akong idamay diyan!”
Malutong na nagmura si Wayne pero 'di ko na ito pinansin pa. Malalaking hakbang na nilisan ko ang lugar.
Pagdating ko sa bahay naabutan ko si El Salvador na nagwawala pa din. Lalong ikinalat ang mga kalat--t'ngna.
“Wala ka ba talagang balak linisin yan?”
Napatalon siya sa gulat pagkarinig sa boses ko sabay ngiti ng matamis sa akin. I mentally cursed.
May saltik ba 'tong babae na 'to? Umuusok na ako sa galit pero nakukuha niya pa rin akong ngitian. Hindi man lang kinikilabutan sa'kin!
“Hi Love. Oh--what happened to your lips?” turo niya sa pumutok kong labi gawa ni Wayne. “May nakalips to lips ka bang tiyanak?”
“Ba't 'di mo pa nililinis ang t'ngnang mga 'yan?”
“Ito naman, ang bilis mo naman kasi bumalik.” aniya sabay dampot ng mga kalat. May mga bubog pa akong nakita sa lapag. Iginala ko ang paningin sa buong paligid. Lalong kumulo ang dugo ko ng makita kong halos lahat ng gamit ko binasag niya. Hindi ko yun gaanong napagtuunan ng pansin pagdating ko kanina. “Hindi pa nga ako tapos maglinis e. Alis ka na muna or baka pwede mo akong tulungan?”
“Wala ka bang ibang ginawa dito buong linggo kundi sirain ang mga gamit sa loob ng pamamahay ko?!” dumadagundong na sigaw ko sa kanya. “Ganun ba katigas ang ulo mo--shît. Nakakagigil ka naaa!”
Natigilan siya. Parang tangang nilinga pa ang buong paligid sabay turo sa built-in na salamin.
“May tinira pa akong salamin o. Sinadya ko talagang 'di sirain 'yan para makita mo ang itsura mo. Mukha kang si Kingkong kapag nagagalit. Kulang na lang tubuan ng bolbol 'yang buong katawan mo, halimaw ka na talaga.”
“El Salvador..,”
“Yes Love?” nag-beautiful eyes pang tanong niya.
Sunod-sunod akong napamura sa isip. Tinuro ko ang mga kalat.
“Linisin mo na ang mga 'yan. Bilisan mo!”
“OO na! Galit ka naman agad.”
Kaagad itong pumasok sa kusina. Pagbalik may hatak-hatak ng malaking timba.
“Anong gagawin mo diyan?”
“Lalagyan nitong mga basura.”
“May basurahan doon sa--”
“Subrang liit ng basurahan mo.” sabad niya. “Itong timba na lang para mas mabilis pero kung ayaw mo ikaw na lang maglinis.”
I scoffed. “Style mo bulok.” nilapitan ko ang sofa na naka-tumbling sa gilid. Inayos ko iyon, pinagpagan saka nahiga doon paharap sa kanya. “Ano pang tinitingin-tingin mo diyan? Linis na!”
Inirapan niya ako. “Pangit!” sigaw niya pa bago dinampot ang dustpan at walis tambo sa lapag saka sinimulang maglinis.
“Pangit ka rin!”
“Mamaw!”
“Anong mamaw?”
“Mabantot na halimaw!”
I laughed. “Sus, sarili mo lang naamoy mo e.”
Binato niya ako ng dustpan. Nasalo ko iyon sabay bato pabalik sa kanya. Mabilis naman siyang nakailag. Nang-iinis pa akong nginisian saka ipinakita ang kapirasong bahagi ng basag na base. Dinuro ko siya.
“Kapag ako natamaan niyan makikita mo.”
She chuckled. “Takot ka naman pala.” aniya saka binilisan na ang ginagawa.
Dinukot ko ang phone sa bulsa saka tinawagan si Wayne.
“What..?” bungad nito. “Busy ako.”
“Paki padalhan naman ako ng pagkain dito. Paki damihan na rin, please.”
He laughed next line. “Naks, pinapagod mo si Rash--”
“Magkakaroon ng rash 'yang mukha mo kapag 'di mo ako sinunod!” he laughed even more. Uminit naman bigla ang ulo ko. “Make it fast Santiago or else you'll be--t'ngna..,” tiningnan ko ang phone ng bigla itong nawala sa kabilang linya. Pinatayan ako ng tawag. “SonOfABitch--!”
Nag-type ako ng message pero kaagad din akong natigilan ng mahagip ng paningin ko si El Salvador.
Marahas akong napabaling sa kanya. Wala na siyang pang itaas na damit. Nakaitim na bra na lang...
“Anong ginagawa mo?”
“Anong ginagawa ko e 'di naglilinis. Ano pa ba sa tingin mo?”
“Ba't naghubad ka ng damit?”
“O bakit may problema ka? Kung may problema ka e 'di ikaw na maglinis.”
“Sus, nagdadahilan ka lang.” tinuro ko ang mga basura sa harapan ko. “Unahin mo na dito. Nagugutom na ako. Kakain ako.”
“Hindi pa nga ako tapos maglinis uutusan mo na naman ako magluto--”
“Hindi kita inuutusan magluto. Ang sabi ko linisan mo dito. Nag-order akong pagkain ko.” tinitigan niya ako ng masama. “Ano? Tumutunganga ka pa talaga. Bilisan mo na! Ang kupad-kupad.”
Binitbit niya ang timbang puno ng kalat niya. Inirapan niya ako sabay talikod. Nakangising sinundan ko naman siya ng tingin saka binalingan ang hawak na cellphone.
Pinagpatuloy ko ang tinatype na mensahe saka sinend kay Wayne.
Pag-angat ko ng tingin bigla akong napabangon sa aking nakita. Si El Salvador naka bra't pänty na lang...
“What the fück--!” bulalas ko ng pakending-kending pa siyang naglakad palapit sa'kin bitbit ang timba, dustpan at walis tambo. “May sapi ka ba?”
“Oo, Love.” nag model-model siya sa harapan ko. Hindi lang yun, parang shungang nag sexy dance pa siya sa harapan ko. “Sinapian ako bigla ni Catriona Gray. Pakiramdam ko nanalo ako sa Miss U.”
“Sa pangit mong 'yan? Binabangungot ka lang ng gising.” tumayo ako saka tinungo ang hagdanan.
“Teka--saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang show! Kokoronahan pa ako!”
“Bilisan mo na diyan! Maliligo lang ako. Dapat pagbaba ko malinis na diyan sa sala.”
“Parang gusto ko din maligo. Sabay na lang tayo!”
Hindi ko siya pinansin. Deritso lang ako. But Rashmin El Salvador is Rashmin El Salvador. Walang kapaguran magsalita.
“Sabay tayong kakain? Isang plato't isang kutsara na lang gamitin natin para tipid hugasan. Susubuan na rin kita baby ko.”
Huminto ako saka nilingon siya. “Sinong may sabi sayong kasama ka sa inorder kong pagkain? Akin lang yun oy. Magluto ka ng sayo.”
“Napakasama mo talaga. Ang sama na nga ng itsura mo pati ugali mo dumagdag pa. Sinalo mo naman lahat ng kasamaan ng sumabog sa kalawakan.”
“Sasamain ka talaga sa'kin kapag inabutan ko pa 'yang mga kalat na 'yan pagbaba ko.”
Binilisan ko na ang pag-akyat sa hagdanan. Tinungo ang banyo sa kwarto ko't naligo. I felt refresh pero yung utak ko naguguluhan pa rin.
May kinalaman kaya si Darleen sa pagkamatay ng pamilya ko?
How about kay El Salvador, may kinalaman din kaya siya kaya nagka-amnesia ang babaeng yun?
Kung OO, bakit ginawa yun ni Darleen? May relasyon ba sila ni Hugo?
Parang ang hirap naman paniwalaan yung mga nakita ko. Pero maraming video na yun. Imposibleng tampered! Hindi naman siguro ako tatraydorin ng mga kaibigan ko. Imposible yun. Napaparanoid lang yata ako.
Hindi na ako nagbihis ng damit. Sinuot ko lang ang gray jogger pants saka lumabas ng kwarto.
Dinatnan kong malinis na ang sala. Saktong papasok din si Cyrus bitbit ang dalawang stainless na malaking kaldero.
“Ano 'yan?”
“Pagkain mo daw sabi ni boss Wayne.”
“Ba't dalawang kaldero?”
“Sabi mo damihan?”
Kinuha ko iyon sa kamay nito.
“Thanks.”
“Yung isa para kay--”
“Lumayas ka na.”
Tinungo ko ang kusina. Naabutan ko doon si El Salvador na nagluluto. Still wearing on her undergarments.
“Init na init ka ba?” tanong ko sa kanya habang nilalapag ang mga bitbit ko sa ibabaw ng mesa. Nilingon niya naman ako at matamis na nginitian. Pinasadahan pa ko ng tingin. “Or you're just trying to seduce me kaya naka ganyan ka ngayon sa harapan ko?”
“Lah, asa ka naman na aakitin kita.” tinuro niya ako. “'Yang mukha mong 'yan? Wala sa dulo ng kuko ni Wayne.”
“G-Gusto mo yung kaibigan ko kaya nakikipaglandian ka sa kanya or kinukuha mo lang ang loob niya para makatakas dito?”
“Hmmm,” tumingala siya sa kisame saka tumango. “Pwede both?”
“Tingin mo magugustuhan ka niya?”
“Oh--he said he likes me so... oo naman and yes na yes.”
“Babaero yun.” tinungo ko ang lalagyanan ng mga plato, kutsara't tinidor. Kumuha din akong baso at isang pitsel na orange juice sa loob ng ref. “Paglalaruan ka lang no'n.”
“Ano naman ngayon? Babaero siya, pökpok naman ako. So, we're compatible. Tsaka ba't bigla ka naman yata bumait sa'kin ngayon? Holy water ba yung lumabas sa shower sa banyo?”
Nilagyan ko ng pagkain ang plato ko. “Gusto ko lang makipagkwentuhan sayo--”
“Weee? Kanina galit na galit ka tapos ngayon makikipagkwentuhan ka sa'kin? Hah, utot mo green.”
“Pwede ba..?”
“Malamang hindi pwede--”
“Will you just keep your mouth shut? Naiirita na nga ako sa itsura mo dumagdag pa yang nakakarindi mong boses.”
“Ayaw mo sa bagong outfit ko?”
“Stop playing mind games on me El Salvador, will you? I know you're a tricky bîtch. Sinabi ko na sayo noon diba? Kahit maghubad ka pa sa harapan ko--”
“Hindi ka maaakit sa'kin.” nakangiting dugtong niya. “Hindi naman talaga ikaw yung inaakit ko e kundi si Wayne. Sabi niya nanonood sila ng mga kaibigan niya sa control room--”
“You filty slüt--!”
“You ugly ogre!” balik sigaw niya.
I gritted my teeth. Tinuro ko ang labas ng kusina. “Magbihis ka doon.”
“Ayoko nga--”
“Magbihis ka doon!”
“Hala. Subrang possessive mo naman pala Love--”
“Magbihis kaaa! Balutin mo yang buong katawan mo!” gigil na dinuro ko siya. “Sa susunod na ulitin mo pa 'yang ginagawa mo sa harapan ko, may kalalagyanan ka na sa'kin.” sabay labas ng kusina.
“Wow, saan mo ako ilalagay, Love? Sa puso mo?” habol niya pang tanong sa'kin sabay hagalpak ng tawa.
Fück... malapit na talaga akong masiraan ng ulo sa kanya!
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023