Beloved Tyrant 13

2999 Words
RASHMIN EL SALVADOR KINABUKASAN maaga akong nagising. Syempre masaya yung gising ko. Subrang sarap ng tulog ko kagabi dahil this morning is a... New day. New mission. New pakulo ng dugo. New sigaw-sigaw beast mood si Rald. Kung sakaling hindi siya maakit sa'kin, at least makaganti man lang ako sa pananakit niya. Sisiguraduhin kong hindi niya ako makakalimutan. Habambuhay siyang babangungutin sa subrang galit. Hanggang sa isumpa niya ako. Kusang palayasin dito. Then boom..! Rashmin El Salvador is finally free, hahaha! Mabilisan akong naligo at nilinis ang sarili. Paglabas ko ng banyo nagulat pa ako ng makita ko si Rald na inip na inip na nakasandal sa hamba ng pintuan ng kwarto ko. Natigilan din siya pagkakita sa'kin. Nagtama ang mata naming dalawa. Matagal iyon naghinang. Tumambling-tumbling yung puso ko sa loob. His deep gazed sent electrifying chills into my nerves. Nanonoot sa aking balat. Tagos sa aking kaluluwa. Hanggang sa makita kong naglalakbay na ang kanyang madilim na mga mata sa--shît... Nakalimutan kong wala pala akong saplot! Hindi ako magkandaugaga sa pagtakip ng kamay sa nakalantad na mga dibdib at baba ko. Paatras na bumalik sa loob ng CR. Pabalyang naisara ang pinto. Mabilis na tinanggal ko ang tuwalyang nakapulupot sa ulo ko at ipinulupot iyon sa katawan ko saka muling lumabas. “Who the hëll gave you permission to get in here in my room without my consent?” sita ko sa kanya. “Hindi mo ba alam yung salitang PRIVACY?” Tumaas ang gilid ng kanyang labi habang pinapasadahan ng kanyang mga mata ang kabuuan ko. Nagtagal iyon sa gitna ng aking mga hita saka umakyat sa dibdib ko bago sinalubong ang aking mga mata. Tinitigan ko siya ng masama. Nginisian niya naman ako. “Baka nakakalimutan mong pamamahay ko 'to. Bihag ka lang dito. 'Wag feeling owner ha. Pasalamat ka nga maluwag ako sayo e. Dahil kung iba-iba baka nakagapos 'yang mga kamay at paa mo pati yang bibig mong subrang tabil.” “Ayy.... oo nga pala,” sabay tawa. “Sorry naman. Nakalimutan ko agad. Akala ko kasi bodyguard lang kita. Bantay sarado mo 'ko e.” Pinanliitan niya ako ng kanyang mga mata sabay ngisi. “Naligo ka hindi ka man lang nag-shave? Kaya pala nangangamoy 'yan kasi jungle.” then laughed. Uminit ang mukha ko sa hiya pero taas noo ko pa rin siyang nginitian. “Ayy... ayaw mo pala ng ganun? Okie... wait lang ha. Lalagyan ko lang ng design. Bababa ako pagkatapos sa sala nakahübo--” “Subukan mo lang--t'ngna!” “Gagawin ko talaga--” “RASHMIN!!” dumadagundong na sigaw niya. Humagalpak ako ng tawa. “Wow, nag improve siya. Rashmin na ang tawag niya sa'kin. Ano nga ulit tagalog ng expensive?” “Bakit--I mean...” pinamewangan niya ako. “Ba't kaya hindi ka pa magbihis nang makababa ka na doon sa kusina at lutuan ako ng pagkain? Anong oras na o. Ang dami mo pang trabahong gagawin.” “Ano nga muna yung tagalog ng expensive?” “Bakit ba?” “Ano nga tagalog no'n?” “Mahal,” Kinikilig na nginitian ko siya ng matamis habang pumapalakpak. “Ayiii, lalong nag-improve. Mahal na tawag sa'kin ni Rald. I love you too... todo-todo, sagad.” Napatitig ako sa mamula-mula niyang mga labing may sinusupil na ngiti pero kaagad din iyon nawala, nawalan ng ekspresyon ang kanyang mukha. “Ang dami mong nalalaman. Para kang may aning. Bilisan mo na nga diyan.” sabay talikod. “Yes MAHAL!” “Dalian mo na! Sumunod ka na dito! Nagugutom na ako!” “Coming Mahal!” saka umismid. “Siraulo, jungle daw.” sinilip ko ang akin. “Ang cute naman ah. Nahiya ako ng very very light pero ba't naman ako mahihiya e siya 'tong basta na lang pumasok dito sa kwarto at sinilipan pa ako. Dapat siya ang mahiya hindi ako--bwesit siya, pinintasan pa. Malagyan nga ng design.” Humanap akong gunting sa banyo saka trinim iyon. Ginawa kong Mr. Suave. Pagkatapos dumeritso ako sa walk-in closet. Kumuha akong croptop at apat na panty, yung isa t-back. Sinuot ko iyon lahat. Tapos yung bedsheet ang ibinalabal ko sa buong katawan, mata lang ang labas at dulo ng aking mga kamay. Nang masiyahan sa itsura ko, lumabas ako ng kwarto. Pababa ako sa hagdanan ng matanaw ko sa sala si Rald, may kausap sa cellphone. Sinulyapan niya lang ako saka tumanaw sa labas ng bintana pero kaagad din napatingala pabalik sa hagdanan, natigilan pagkakita sa'kin. Walang kurap-kurap na tinitigan ako. Napahinto sa pagsasalita. Nagdugtungan ang mga kilay. Pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, pabalik-balik saka tinitigan ako sa aking mga mata. “Anong lulutuin ko, Love?” untag ko pagkahinto sa harapan niya. Tatlong beses siyang napakurap-kurap. “Will talk later, Curtis.” aniya habang nakatitig pa rin sa'kin. Hindi ako nilulubayan ng mata. “Bye.” saka pinatay ang tawag. “Ano 'yang suot mo?” Umikot ako sa harapan niya. “Hindi mo ba nagustuhan? Sabi mo kagabi balutin ko buong katawan ko. So, here I am. Most obedient din ako no'ng high school, you know.” “Baliw ka na ba talaga?” “Ganito talaga ang epekto ng mga pinanggagagawa mo sa'kin. Habang tumatagal, lalong lumalala.” “Tss. Para kang my sayad.” “Sayad?” “Oo.” “Ako?” “Mismo.” Nakasunod ang tingin niya sa'kin ng humakbang ako palapit sa kanya. Mahigpit na ipinulupot ang kamay sa kanyang braso at lumambitin doon. “TheFuck--anong ginagawa mo?” “Ayan, hindi na ako nakasayad.” Minura niya ako. Pinagtawanan ko naman siya. Binaklas niya ang mga kamay ko pero hinigpitan ko lalo iyon. Ipinulupot ko din ang mga binti ko sa katawan niya. Para akong lilitsoning baboy na nakalambitin sa kanya. Ang sarap sa feeling. Satisfying yung buset na buset na mukha ni Rald at nangangalaiting boses. “Ano ba El Salvador!” I laughed even more. “Lakad na papunta sa kusina, dali!” “T'ngna--hindi ka ba talaga bibitaw?” “Dali na. Buhatin mo na ako papunta sa kusina. Ipagluluto kita ng masarap.” Winagwag niya ako. Pakiramdam ko para niya akong dinuduyan. Nag-enjoy ako lalo. Patuloy siyang pinagtatawanan na ikinainis niya naman lalo. Binaklas niya ang bedsheet na balabal ko. Saka lang ako bumitaw sa kanya. Still laughing at him. “Grabe--ang arte-arte mo talaga.” “Ano 'yang suot mo?” Niyuko ko ang sarili. “O galit ka pa rin? Ayaw mo kong nakabalabal tapos ayaw mo din akong nakaganito? Saan ako lulugar? Puro ka na lang ayaw,” makahulugan ko siyang nginitian. “Or baka naman mas prefer mo yung wala akong kahit anong saplot? Na twinkle pa yang mga mata mo kanina ah. Hindi ka man lang nahiya sa'kin. Kalalaki mong tao nambubuso ka.” Inis na tinuro niya ang hagdanan. “Magpalit--” “Ayoko nga,” mabilis na sabad ko sa kanya. “Nilagyan ko na pala ng design si Inday ko, hindi na jungle. Gusto mong makita?” Frustrated na napahilamos siya ng kamay sa mukha. “Pwede ba kahit isang araw patahimikin mo naman ako?” “Ito naman, ipapakita ko lang saglit yung design kong Mr. Suave,” sabay hubad ng pänty ko. “Rashmin..!” sigaw niya, akma pa akong tatakbuhin pero kaagad din natigilan ng makitang may isa pa akong suot. “T'ngna..!” Malakas akong napahagalpak ng tawa. Dinuro niya ako. “Tumigil ka na kung ayaw mong ibalibag kita diyan sa labas.” “Sus nabitin ka lang uminit naman kaagad 'yang ulo mo.” “El Salvador--” “Sandali, ito na,” sabay hatak ng isa ko pang pänty. Pag-angat ko ng tingin sa kanya, awang ang mga labing nakatitig siya doon. “Oyy umasa siya.” nakatawang tukso ko sa kanya. He clicked his tongue. “Pwede ba tigilan mo na 'yang kabaliwan mo?” “Weee? Yung totoo? Gusto mo 'kong tumigil or--” “Ilan bang pänty ang pinagpatung-patong mo?” “Naks, biglang nagtanong. Excited yaarn?” Marahas siyang nagbuga ng hininga at muli akong dinuro. “Ako, pikon na pikon na talaga ako sayo. Kapag 'di mo 'ko tinigilan ikukulong na talaga kita sa bodega.” “Basta ba kasama kita oks lang syempre.” nakangiting kinindatan ko pa siya. Hindi ko ma-explain ang nakikita kong reaksyon niya, yung mukha niya pikon na pikon na pero yung labi niya parang kanina pa siya nagpipigil tumawa. Hinawakan ko ang waistband ng pänty ko. “Last na 'to. Ready ka na bang makita--Ayy diyan ka lang!” napatakbo ako palayo sa kanya sabay bato ng mga pänty na hawak ko nang humakbang siya palapit sa'kin. Nalukot ang kanyang mukha ng masapol iyon. Malakas naman akong napahagalpak ng tawa sabay hubad pa ng isang suot ko, naiwan yung t-back na pinakailalim. “O, ayan pa! Sayo na lahat 'yan!” Nasalo niya iyon bago pa tumama sa kanyang mukha saka nandidiring ibinato palabas ng bahay. Yung mga nasa lapag pinagsisipa niya. Halos gumulong naman ako kakatawa sa kanya. Tinakbo ko yung ibinato niya sa labas para sana pulutin pero kaagad din akong napatakbo pabalik sa kusina ng akma niya akong huhulihin. Nalingunan ko pa siyang nakatitig sa wetpu ko. Tila hindi makapaniwala sa nakita. Naestatwa sa kanyang kinatatayuan. “Ano, tulo laway ka ngayon, Love.” Napakurap siya sabay pilig ng ulo. Pag-angat niya ng tingin sa akin, madilim na ang kanyang mukha. Malalaking hakbang na nilapitan ako. Nataranta naman ako, patakbong pumasok ng kusina. Umikot sa kabila ng mesa. “Tingin mo nakikipaglaro ako sayo ha, El Salvador?” Nakangiting umiling ako. “Pinangangalandakan mo 'yang katawan mo e mukha namang poste. Bukod sa ang itim-itim na ng pwet mo, burog-burog pa at madaming peklat.” “Luh, ang kinis kaya ng pwet ko. Pwede ka ngang manalamin e. Sadyang may sira lang 'yang mga mata mo. Patingin ka kaya sa EO baka sakaling makita mo ng malinaw ang daan papunta sa... puso ko.” Mariin niyang kinagat ang kanyang labi sabay baling ng mukha sa kaliwa. Nahagip pa ng aking mga mata ang sinusupil niyang ngisi sa mga labi. I mentally grinned. 'Yan, ganyan nga Gonzalvo. 'Wag mong rendahan ang puso mo para manakaw ko. Kunting push pa. Mahuhulog ka din sa'kin. “Rald...” pagbaling niya, wala ng ekspresyon ang mukha. “Can I ask you something... personal?” “NO.” Sinimangutan ko siya. “'Di 'wag. Si Wayne na lang ang--” “Magbihis ka, aalis tayo.” sabad niya. I was taken aback for a sec. “A-Aalis tayo?” tinuro ko ang sarili. “K-Kasama ako?” “Ayaw mo?” “Seryoso ka? Isasama mo 'ko?” “'Di wag kung ayaw mo.” aniya sabay talikod. “Teka--gusto ko! Kukuha lang akong shorts! Antayin mo 'ko!” patakbo akong pumasok sa laundry area. Basta na lang humugot ng nakahanger na Hawaiian short ni Rald doon saka isinuot. Hinabol ko siya. Nasa labas na siya ng bahay ng maabutan ko. Malakas akong napatili ng bigla siyang lumingon at mabilis ang brasong hinaklit ang bewang ko. Bumagsak ang dalawang kamay ko sa kanyang dibdib, napasubsob din doon ang mukha ko. Napamura ako sa isip. Buset, trap lang pala! Pag-angat ko ng tingin sa kanya, ngising asong mukha niya ang sumalubong sa'kin. “Ano? Akala mo lagi mo akong maiisahan, ha?” Nakangising ipinulupot ko naman ang mga braso ko sa kanyang leeg. Lumambitin doon sabay pulupot ng mga binti ko sa bewang niya. Nagulat siya sa ginawa ko lalo na ng higpitan ko ang braso ko sa leeg niya. Binaklas niya iyon pero lalo ko lamang hinigpitan. “Acccch--t'ngna--Rashmin!” “Ano?” I laughed. “'Di masakit? Higpitan ko pa?” nilapit ko ang mukha sa kanya. “Ang tangos pala ng ilong mo ah. Bawasan natin.” Kinagat-kagat ko iyon. Minura niya ako. Sinabunutan ko naman siya saka pinupog ng halik ang buong mukha. 'Di ako nakuntento, pinanggigilan ko siya. Kinagat ko ang bawat maraanan ng bibig ko. Tuwang-tuwa ako sa ginagawa ko sa kanya. Hindi ko namalayan na nasa dalampasigan na pala kami. Napalinga ako sa paligid ng mabasa ang mga paa ko. Hanggang bewang niya na ang tubig! Kaagad akong bumitaw sa kanya pero pinigilan niya ako. His evil smirked said it all na may binabalak siyang masama sa'kin. Nagpumiglas ako pero hindi niya ako pinakawalan. Nakulong ang malakas na tili ko sa lalamunan ng bigla siyang lumubog sa tubig dagat kasama ako. Lumangoy ng lumangoy. Sumisid sa kailaliman. Balak yata akong lunurin dahil pagdating doon saka lang ako pinakawalan. Kiniliti niya pa ako bago tuluyang iniwan. Lumangoy palayo sa akin. Tuloy nakainom akong tubig. Pinangapusan ako ng hininga. Mabilis din akong lumangoy hinabol siya. Pero ng makita kong lumingon siya sa gawi ko bago pa man siya makaibabaw sa tubig, nagkunwari akong nalulunod. Ngunit tila kidlat na gumuhit ang sakit sa ulo ko. Mariin akong napapikit sa sakit. I saw a couple of image flashes in front of me. Mga mukha na itinuring kong mga kaibigan. Mga taong akala ko kakampi ko. Mga tauhan nina Wrath at Steves na pinagkatiwalaan ko. Bumalandra sa harapan ko ang katotohanan ng nakaraan na aking nakalimutan. ME; inside the private AIRPLANE own by Wrath Marino Russo. Fighting with... “Will kill you bîtch--!” “Naomi!” sigaw ko sa kaibigan kong inundayan ng kütsilyo ni Darleen mula sa likuran. Nakailag ito pero dinaplisan pa rin sa tagiliran. “Aww--fück!” Pinilipit ko ang braso ni Mhariss. “Aaah!” hiyaw nito. Malakas kong siniko ang kanyang mukha sabay sipa din sa mukha ni RS na kakabangon pa lang, muli itong bumagsak sa lapag. Tinakbo ko si Naomi na pinagtutulungan na nina Katniss, Darleen, Irine at Monalisa. Umakyat ako sa upuan, tumalon doon at buong lakas na sinipa sa batok si Katniss. Sumubsob ito kay Irine, sabay bumagsak ang dalawa sa lapag. Binato ako ni Darleen ng kütsilyo, mabilis naman akong nakailag, tumama iyon sa sandalan ng upuan. Kinuha ko iyon saka binato pabalik sa kanya. Bumaon iyon sa kanyang tagiliran. Binalingan ko si Monalisa na sumasakal kay Naomi, hinatak ang kanyang buhok pero hindi pa rin nito binibitawan ang leeg ni Naomi na namumutla na, awang ang mga labi. May luha ng pumatak sa gilid ng kanyang mata. Ipinulupot ko ang braso sa leeg ni Monalisa, buong lakas na hinatak. Nabitawan nito si Naomi na sunod-sunod na napaubo habang hawak-hawak ang kanyang leeg. Then someone from behind strike my head. Nabitawan ko si Monalisa. Paglingon ko, nakangising asong mukha ni RS ang sumalubong sa'kin. May hawak na aircraft halon fire extinguisher. Lumampas ang tingin ko sa likuran nito, natanaw kong humahangos na sumulpot sina Juliet at Rochelle. Umikot ang paningin ko kasabay ng pagbagsak ko sa lapag. Hinawakan ko ang likod ng ulo ko, pagtingin ko sa kamay namula iyon sa dügo. “Lets move, girls!” boses ni Juliet. “This airplane is about to explode any minute!” segunda ni Rochelle. “Nasusunog na sa ilalim!” “Are we not going to finish this two?” tanong ni RS. “Capo will surely punish--” “Hayaan niyo na 'yan. Matutusta na din naman yang dalawang traydor na yan dito sa loob.” wika ni Darleen. “And the truth will bury forever together with them.” then they evily laughed. Gumiwang-giwang ang eroplano, umalog-alog. Para na kaming nililindol sa loob. “Take Darleen, hurry!” “Wait, we're not done yet with this bîtch.” “Arrgh--!” daing ko ng may sunod-sunod na tumadyak sa tagiliran ko. Pag-angat ko ng tingin...nakangising mukha nina Katniss at Irine ang nakita ko. Pinagtulungan nila akong tadyakan saan mang parte ng aking katawan pati ulo ko dinamay . “Aaaah--!” sabay pa naming hiyaw ni Naomi na pinagtatadyakan na din ng iba. Hindi nila ako tinigilan hanggang sa sumuka na ako ng dugo. “Lumabas na 'yung dalawang piloto! Tara na!” They left us almost breathless. Nanghihinang nilingon ko si Naomi. Gumapang siya papunta sa'kin. “Rash, we need to... get out of here.” Inabot niya sa'kin ang kamay niya pero hindi ko na iyon nahawakan pa ng tumagilid ng tuluyan ang eroplano. Muling nabagok ang ulo ko. Nagdilim ang paningin ko pero naaninag ko pa si Naomi na nagpupumilit tumayo, hinatak ako... Unti-unting pumikit ang aking mga mata kasabay ng pagbulusok namin sa ere at malakas na pagsabog. “RASHMIN..?” nag-aalalang boses ng lalaki habang tinatapik-tapik ang pisngi ko. Dinama pa ang pulso sa leeg ko sabay mura. “Rashmin, wake up!” Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. I saw an old Lady. She was smiling at me. Her voice were so soft like an angel. Subrang liwanag sa kanyang likuran. “Hey, Rash,” boses ni Rald. “Rashmin, are you ok?” tinapik-tapik niya ulit ang pisngi ko. “Can you hear me, Rash?” Mariin kong ipinikit muli ang aking mga mata. Pagmulat ko ulit, nanlaki ang aking mga mata ng makita kong bumababa na ang mukha ni Rald papunta sa'kin. Sasakupin yata ang labi-- Naibuga ko bigla sa kanya ang tubig dagat na nasa loob ng bibig ko sabay tulak ng mukha niya palayo. Dumaan pa ang ibang tubig sa ilong ko. Bumangon ako habang sunod-sunod na napaubo. Hinimas-himas niya naman ang likod ko. “OK ka lang ba, Rash?” Nilingon ko siya. Hindi ko inaasahan na ganun siya kalapit sa'kin kaya ayon... dumaiti ang labi naming dalawa. Pareho kaming natigilan, sabay ding inilayo ang mukha sa isa't isa. He licked his lips saka amused akong nginisian. Sinuntok ko ang kanyang dibdib. “Tuwang-tuwa ka pa e muntik na akong mamatay!” He chuckled. “Gusto mo bang mamasyal sa kabilang resort?” “Ha?” Hinawakan niya ang kamay ko. “C'mon, lets go get change our clothes and will tour you around.” ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD