RASHMIN EL SALVADOR
Nakatitig ako kay Rald habang naglalakad kami palabas ng bahay. Napapantastikuhan sa biglang pagbabago niya ng pakikitungo sa'kin. Biglang nawala yung apat na sungay niya. Napalitan ng limang halo.
Natakot kaya siya kanina?
Pero diba gusto niya akong patayin?
Ba't bigla-bigla naman yata nagbago yung utak niya?
Ano kaya nangyari do'n sa pinuntahan niya kagabi?
Sinabi kaya sa kanya ni Wayne yung kweninto kong panaginip ko?
“Why are you looking at me like that?”
Mabilis akong umiwas ng tingin ng yukuin niya ako. Tumingin sa malayo. Pinagkrus ko ang mga braso sa likod.
“Wala lang. Curious lang ako ba't bigla ka naman yata naging Anghel dela guardia today.” nakangiting tiningala ko siya ulit. “Akalain ko yun, pati yung dagat nagiging Holy water. Lakas ng epekto sayo, grabe no?”
Hindi siya umimik. Nanatiling nakatitig lang sa'kin. Nanonoot iyon sa kaibuturan ko. Hindi ko matagalan kaya muli akong nag-iwas ng tingin.
“Kanina... I know you were just pretending to be drowning. Pero no'ng makita kitang humawak na sa ulo mo... alam kong may nangyayari sayo.”
Inirapan ko siya. “Kung hindi pa pala ako humawak sa ulo ko hindi mo pa iisipin na nalulunod nga ako.”
“May... naalala--”
“Kiniliti mo 'ko.” sabad ko sa kanya. “Nakainom akong tubig. Pinangapusan ako ng hininga kaya ayon... nalunod si ganda. Buti pag ahon mo sa'kin hindi ako naging serena. Nahimatay ka din siguro kung nagkataon.”
“Hindi ka ba marunong ng seryosong usapan?”
“Sayo lang naman uso yun. Comedy sa'kin.”
Huminto siya sa paghakbang, hinarap ako. Kaya napahinto rin ako.
“I changed my mind. Bumalik ka na lang doon--”
“Sus naman,” napapadyak pang wika ko sabay yapos sa mamasel niyang braso. “Wala ng bawian. Nangako ka ng ipapasyal mo 'ko.” niyugyog ko siya ng manatiling nakatitig lang siya sa mukha ko. “Sige na. Naiinip na 'ko dito. Nakakasawa na rin 'yang pagmumukha mo. Kailangan ko ng vitamins sa mata. Tiyak marami no'ng sa kabilang resort na sinasabi mo.”
“Para sa kaalaman mo nag-iimbestiga pa rin ako, El Salvador.”
“I know.”
“Hindi ka ba makikipag-cooperate sa'kin?”
“Wala akong tiwala sayo, lalo na sa fincee mo. Ba't ako makikipag-cooperate?”
“Labas dito si Darleen sa usapan natin.”
“Kailan man hindi nagigiging labas sa usapan ang mga taong involve sa isang krimen.”
“What do you mean by that?”
Tiningala ko siya, tinitigan sa kanyang mga mata. “Gaano mo kakilala ang fiancee mo?”
He stared back at me suspiciously. “You mean may kinalaman siya sa nangyari sayo kaya ka nagka-amnesia?”
Mapakla akong tumawa. “Akala ko ba gusto mo ng seryosong usapan? Bakit ngayon hindi mo masagot ang deritsahan kong tanong? Bakit kailangan tanong din ang isagot mo sa tanong ko?”
“Kababata ko si Darleen--”
“Meaning buo ang tiwala mo sa kanya.” sabad ko. “Wala akong laban. But how about her? Buo din kaya ang tiwala niya sayo? Yung loyalty niya, buo din kaya kagaya ng loyalty mo sa kanya?”
“Ang dami mo pang paligoy-ligoy, ba't 'di mo pa ako deritsahin?”
“Alam mo Rald, sa sitwasyon mo ngayon dapat tuso ka. Even when you fully trust someone, don't tell them everything. 'Cause every decision you make in your life, every step you take, it will always has its cause. It will always cause a huge damage na magwawasak sayo. Not just you but also to those important person in your life, those who close to you. Everyone that surrounds around you. Lahat damay.” tipid ko siyang nginitian. “We were both seeking justice to our loved ones' death. And I'm telling you... wala akong kinalaman sa pagkamatay ng mga mahal mo sa buhay.”
“I won't believe you not until you prove yourself innocent.”
Pinanliitan ko siya ng aking mga mata. “Paano ko mapapatunayan na inosente ako kung mananatili ako ditong bihag mo?”
“It's just simple, my dear,” naipako ako sa kinatatayuan ko ng ilapit niya ang mukha sa aking tainga. “Ako na mismo ang gagawa no'n para sayo. Mag-iimbestiga ako para sayo. Ako din ang papatay sayo kapag napatunayan kong may kinalaman ka nga.”
“Pa'no kung wala? Anong balak mong gawin sa'kin?”
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Tinitigan niya ako sa aking mga mata, bumaba sa aking mga labi saka muling bumalik sa aking mga mata.
“Will think about it kung paaalisin kita o hindi.” umayos siya ng tayo saka tinalikuran ako.
Nanatili lang ako sa aking kinatatayuan. Nakasunod sa kanya ang natitigilan kong mga mata. Nang malayo-layo na ang nilakad niya, nilingon niya ako.
“Ayaw mo na bang sumama?”
“Seryoso ba yung huling sinabi mo?”
“Sinabi mo ngang seryoso ako diba?”
Naglakad ako palapit sa kanya. Nakasunod naman ang tingin niya sa akin. Huminto ako sa gilid niya. Tumingkayad para halikan sa kanyang pisngi sabay pulupot ng mga braso sa mamasel niyang braso. Inihilig ko pa doon ang aking ulo at nakangiting tiningala siya. Confusion were visible on his eyes.
“Kung seryoso ka nga sa sinabi mo... piliin mo yung HINDI ah. Wala na din kasi akong balak umalis e. Gusto ko na lang manatili dito sa tabi mo. Ako na lang ang baby mo ha.”
Pinanliitan niya ako ng kanyang mga mata sabay baklas ng mga braso ko. Natanggal iyon pero ipinulupot ko naman sa bewang niya. Muli niya iyon binaklas. Muli ko ring niyapos ang braso niya. Nagpaulit-ulit lang iyon. Kapag tinanggal niya ang mga braso kong nakayapos sa braso niya, nililipat ko naman sa bewang niya.
Hanggang sa nabwesit siya.
“Ano ba, Rashmin!”
Malakas akong humagalpak ng tawa sabay takbo palayo sa kanya.
“Tindi talaga ng saltik mo e no.”
“Mas matindi yung temper mo. Bagay nga kayo ni Darleen.”
Nakangiting tumingin ako sa malayo saka naglakad paatras ng maglakad na siya. Naharap ako sa kanya, sinusundan ang kanyang paghakbang.
“Alam mo mukhang bagay din kami ni Wayne. Subrang cool ng isang yun.” dumilim kaagad ang mukha niya pagkabanggit ko pa lang ng pangalan ng kaibigan niya kaya ginatungan ko lalo. “Yung Cyrus, bet ko din. Pati yung walong tauhan mong nakalaban ko no'ng unang dating ko dito. Grabe, makalaglag pänty ang karisma nila. Lakas ng sëx appeal. Nakapasa silang lahat sa panlasa ko; tall, dark, and ruggedly handsome. Unlike you. Long hair--yück! And dugyot mong tingnan. Subrang layo sa ideal man ko. Pero papasa yang long hair mo as mommy ko. Kaya ako pa rin ang baby mo.”
Tinapunan niya ako ng nakamamatay na tingin saka malalaking hakbang na nilampasan ako. Kaagad ko naman siyang hinabol. Hinuli ang braso niya at iniakbay sa akin. Inis na piniksi niya iyon pero ibinalik ko rin sa ibabaw ng balikat ko. Ipinulupot ko rin yung kaliwang braso ko sa bewang niya. Tinabig niya iyon pero ibinalik ko rin ulit.
Niyuko niya ako. Nang tingalain ko siya, namumulang mga mata sa galit ang sumalubong sa akin. Matamis ko naman siyang nginitian.
“Nagseselos ka ba?”
“Bakit girlfriend ba kita para magselos ako?”
“Weee, yung totoo? Hindi mo nga din ako girlfriend pero hinalikan mo 'ko e.”
“Don't flattered yourself, El Salvador. You're still my prisoner.”
“Prisoner tapos may paganito?” itinaas ko ang braso niya. “May payakap-yakap, pahalik-halik. Tapos kanina no'ng malunod ako super worried ka sa'kin. Love mo na ako no? Umamin ka na para kiligin naman ako, dali.”
“Pwede ba--”
“Pwedeng-pwede--”
“Oh--shut up!” angil niya. “Hindi mo ba talaga alam kung pa'no itikom 'yang bibig mo? Rinding-rindi na ako sa boses mo. Kapag nagulat 'tong kamay ko sinasabi ko sayo, baka malagyan ko 'yan ng glue.”
Nakabusangot ang mukhang inirapan ko siya. “Akala mo naman gustong-gusto kong kausap ka. Wala lang akong choice no. Tayong dalawa lang ang nandito kaya sayo ako nagpapapansin. Kung may iba lang na tao dito naku... hinding-hindi kita papansinin no.” nagpalinga-linga ako sa paligid. Nasa gitna na yata kami ng kakahuyan. “Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo naglalakad pero...” tiningala ko siya. “May daan ba dito papunta sa kabilang resort na sinasabi mo?”
Napatingin ako sa Rolex na relong suot niya. May pinindot siya doon kasabay ng pagbukas ng lupa sa paanan ko.
Napatalon ako sa gulat. Napakapit sa damit niya. Namilog din ang aking mga mata ng makita ko ang hagdanan papunta sa ilalim niyon.
“Wow...” anas ko. “Kaya pala hindi ko mahanap yung daan palabas dito. Underground yung gateway.”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Natigilan pa ako sa kakaibang ngisi na nakita ko sa kanyang mga labi. Pagtingin ko sa kanyang mga mata pumitlag yung puso ko ng pagkabilis-bilis. My heart almost skipped a beat, melted like an ice cream while holding gaze at his dilated eyes.
He cleared his throat. Napakurap-kurap naman ako sabay hatak sa kanya pababa sa hagdanan.
Lalo akong namangha sa sumalubong sa akin. The place was huge and wrapped with luxury. Parang kagaya no'ng building niya sa Italia. Ang kaibahan lang...
Iginala ko ang paningin sa buong paligid. Nagkalat ang mga kalalakihan na pare-pareho ang mga damit. Namukhaan ko pa yung ilan. Lahat ng mga mata nakatutok saamin... literal sa akin.
Kaagad akong lumayo kay Rald. Matamis silang nginitian at kinawayan.
“Hi guys..! Remember me? Rashmin 'Ganda' El Salvador--ayy t'ngna... SANDALI!!” sigaw ko kay Rald na bigla na lang hinatak ang kamay ko.
Hindi ako magkandaugaga sa paghabol sa mabilis at malalaki niyang hakbang.
“Rald--”
“Tumahimik ka!”
Narinig ko ang mga tauhan niyang tumawa.
“Tingin niyo do'n?”
“Nag U-turn ang Lolo niyo.”
“True... bumaliktad na.”
“Wierd,”
“Suspicious movement,”
“Nangangamoy hiwalayan.”
“That's good news.”
“Oh my, I didn't want to hurt you,” kanta pa ng boses ni Cyrus. “I'm just a jealous guy.”
Then they all whistling.
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Rald sa kamay ko. Bumilis pa ang paghakbang niya. Sa haba ng kanyang mga biyas, yung isang hakbang niya katumbas ng tatlong hakbang ko!
“Aww--Rald! Ang sakit na ng kamay ko!”
Hindi niya ako pinansin.
Paglabas namin sa kabilang dulo ng gateway saka niya lang pabalang na binitawan ang kamay ko.
“Problema mo?”
“Dito ka lang.” gigil na dinuro niya ako. “Kapag umalis ka, makikita mo.” saka humakbang pabalik sa loob.
Nakangiting sinundan ko siya ng tingin. “As if natatakot naman ako sa kanya. Yung mga bata nga kapag sinabihan ng matatanda 'wag umalis e umaalis pa rin ako pa kaya? Hmp, wrong move ka Love. Ako yung tipong kapag iniwanan, wala ka ng babalikan. See you na lang sa next life, Gonzalvo!”
Nakatawang kumaripas ako ng takbo paalis. Daig ko pa ang nakawala sa hawla.
Paglabas ko sa kakahuyan, napanganga ako sa tumambad sa akin. Namangha sa aking nakita.
“Wow...” hindi makapaniwalang iginala ko ang paningin sa buong paligid. “So, this is the RJ Surf Camp Resort.”
It looks like a tropical paradise in my eyes! With stunning white sand beaches. Nagkalat ang iba't ibang lahi ng turista; maputi, maitim, kayumanggi, mga bata, matatanda.
“El Salvadooor!”
Muli akong napakaripas ng takbo ng marinig ko ang malakas na boses ni Rald. Hinahanap ako. Humalo ako sa mga tao.
Lakad takbo ng walang direksyon. Iwan kung saan ako pupunta. Ang laki kong tanga! Hindi ko naman alam kung saan ang daan paalis dito. Wala akong makitang sasakyang pandagat maliban sa mga natatanaw ko na nasa gitna ng laot.
Hanggang sa may nabangga akong malaking tao.
“Sorry--”
“Rashmin?”
Marahas akong napaangat ng tingin sabay atras ng makilala ko ang boses ni Wayne. Gulat na gulat itong nakatunghay sa akin. Nagpalinga-linga pa ito sa paligid na para bang may hinahanap saka salubong ang mga kilay na niyuko akong muli.
“Why are you here? Kasama mo ba si--”
“Yeah... hinahanap ko siya--”
“Hinahanap or tinakasan?”
“Syempre hinaha--”
Natigilan ako ng lumampas ang tingin ko sa kanyang likuran. I saw a very familiar face. Feslak ni betlog na kailan man hinding-hindi ko makakalimutan. Nakalingkis ito sa lalaking tadtad ng tattoo ang katawan. Abot langit ang ngiti na kaagad nalusaw ng malingunan din ako. Halos lumuwa ang mga mata nito pagkakita sa'kin. Kinusot-kusot pa ang mga mata. Napatakip ng kamay sa bibig sabay atras. Nagpalinga-linga din ang lalaki saka niyuko si RS na matamis naman nitong nginitian iyon at mabilis na nagpaalam. Nagmamadali ang lakad nito. Palingon-lingon pa sa akin habang paulit-ulit pinipindot ang suot nitong relo.
“Nandito ba si Darleen?” tanong ko sabay hakbang para sundan si RS.
“Wala, nasa Italia--”
“Shît...” mura ko sabay takbo ng kumaripas na ng takbo palayo si RS.
“Hey--Rash..!” sigaw ni Wayne. “Saan ka pupunta?!”
Hindi ko ito pinansin. Binilisan ko lalo ang pagtakbo. Binaybay ang kahabaan ng dalampasigan.
Hanggang sa pumasok ito sa loob ng Hotel. Humahangos na dumeritso din ako doon pero hinarang ako ng dalawang guwardiyang kinausap ni RS bago pumasok sa loob niyon.
“Ba't hindi pwede?” tinuro ko ang loob. “Yung kriminal na babeng yun pinapasok niyo tapos ako--”
“'Wag kayong gumawa ng iskandalo dito, Ma'am.”
“Hindi ako nag-e-eskandalo t'ngna--”
Pinilipit ko ang kamay ng guwardiya na nakahawak sa braso ko sabay sipa sa gitna naman no'ng isa. Kaagad akong pumasok sa loob.
“Arrggh--putangina... hulihin niyo ang babaeng yan!”
“Tol, may babaeng nag-eeskandalo dito sa lobby. May hinahabol na guest. Pakiabangan na bago pa makaakyat sa second floor.”
Dinuro ko yung lalaking nagsalita sa walkie-talkie radio. Pati yung tatlo pang lalaking tumakbo palapit sa akin.
“T'ngna--lumayo kayo kung ayaw niyong masaktan!” sigaw ko sabay ilag sa akmang pagdaklot nila sa'kin.
Nagbanggaan sila, lahat bumagsak sa lapag. Nagpalinga-linga ako sa paligid, hinanap kung nasaan ang elevator sabay takbo papunta doon.
“Stop that girl!!”
Nagsipaglingunan sa akin ang mga tao. Pati yung dalawang bell boy umabang na sa akin.
“Fück--!” mura ko sabay split sa gitna nila bago pa ako mahawakan. Saka pinatid ng legs ko, pareho silang bumagsak sa lapag.
Kaagad akong tumayo. Sunod-sunod na pinindot ang button ng elevator. Dali-dali akong pumasok pagkabukas no'n para lang magulat ng daklutin ng dalawang lalaki na nasa loob no'n ang magkabilaan na braso ko. Pinagtulungan nila akong bitbitin palabas. Nagwala ako. Nagsisigaw. Malaking tao sila, malakas kaya hindi ako nakapalag.
“Walanghiya--pakawalan niyo akoooo!”
“Tumahimik ka! 'Wag ka manggulo dito!”
Dinala nila ako hanggang sa dalampasigan at basta na lang binalibag doon. Buti mabilis ang reflexes ko. Kung nagkataon baka gumulong-gulong pa ako sa lakas ng paghagis nila sa'kin. Hingal na sumalampak ako sa buhanginan.
“Isusumbong ko kayo sa asawa ko!”
“E 'di magsumbong ka!” singhal sa'kin no'ng sinipa ko sa baba saka binalingan ang kasama. “Tawagan niyo si Clayde. Ipa-ban niyo ang babaeng 'yan.”
“Magsusumbong talaga ako!” tinuro ko sila. “At ipapatanggal ko kayong lahat kay Rald!”
“Rald? Sinong Rald?”
“Si Rald James Gonzalvo--”
“Rashmin!” humahangos na sumulpot si Wayne. “Anong nangyayari dito?”
“Nanggugulo--”
“Hindi ako nanggugulo!” mabilis akong bumalikwas ng tayo. “May hinahabol lang--”
“Sabi no'ng babae hina-harrass daw siya. Tsaka baliw siguro ang babaeng 'yan. Asawa niya daw si Boss James.”
Napangiwi ako sa sinabi ng lalaki. “Sinungaling. Wala akong sinasabing ganyan no.” binalingan ko si Wayne na pinagtaasan ako ng kilay. “Wag kang maniwala sa mga 'yan--”
“Kita mo na, ginagawa pa tayong sinungaling--”
“Shut up! Tumahimik ka!” singhal ko sa lalaki saka muling binalingan si Wayne. “Nakita ko si RS.”
“Sinong RS?”
“Kaibigan ni Darleen. Kailangan natin siyang mahuli. Magsusumbong yun kay Wrath kung nasaan ako.”
“Yung babaeng hinabol mo kanina?”
“OO. Pumasok siya doon sa hotel.”
“Nakabangga ko siya--Fück..! Papunta siya sa likod!”
“Ha? Papano e..,” tinuro ko ang hotel. “Pumasok siya--”
“Malamang sa fire exit siya dumaan!”
“Shît--she's getting away!” sabay takbo papunta sa likod ng hotel.
Marami akong nakasalubong na tao. Pinagtitinginan nila ako pero wala akong pakialam.
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Pero ni gahibla ng buhok ng babaeng yun hindi ko makita. Saan na pumunta yun?
Lakad takbo ang ginawa ko. Sinuyod ko ang dalampasigan. Hanggang sa matigilan ako sa nalingunan kong babaeng gulat na nakatanaw din sa akin.
“Mhariss...”
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023