RASHMIN EL SALVADOR
Humakbang ako papunta kay Mhariss. She didn't budge. She stayed still. Pinagkrus pa nito ang mga braso sa harapan ng dibdib, nakataas ang isang kilay na sinusundan ng tingin ang bawat paghakbang ko.
“Nandito ka lang pala, pinahirapan mo pa kami kakahanap sayo.” inis na wika nito pagkahinto ko sa kanyang harapan. “Kung saan-saan ka na namin hinanap. Hindi ka man lang nagpaabeso na pupunta ka dito sa Pinas.”
Pinagtaasan ko din ito ng kilay. “Oh--ba't niyo naman ako hinahanap? Miss niyo 'ko?”
“Hinahanap ka na ni Capo. Kailangan mo ng bumalik sa Italia.”
“Oh--miss niya din ako? Pakisabi miss ko na din siya.”
Pinaningkitan ako nito ng kanyang mga mata. “Hindi ako nakikipaglukuhan sayo, Rashmin.”
“Bakit? Mukha ba akong nakikipaglukuhan din sayo ha, Mhariss?”
Natigilan ito. Tinitigan akong matagal. Unti-unti ng humuhulas ang kulay ng kanyang mukha. Sunod-sunod pang napalunok. Pasimple umatras sabay linga-linga sa paligid.
“Kidding aside!” marahas itong muling napabaling sa'kin saka umiling-iling. I mentally grinned. “Na touched ako sa sinabi mo ha. Hindi ko in-expect na mag-aalala kayo sa'kin. Ang sweet niyo naman.”
“We're friends. Malamang mag-aalala talaga kami sayo.”
“Talaga ba?”
She rolled her eyes and then looked around again. “Nakita mo ba si RS? Kanina ko pa siya hinahanap.”
“Oh--kasama mo siya. Kayong dalawa lang?” patay-malisya kong tanong. “Hindi niyo kasama yung iba?”
“H-Hindi. Hinahanap nila yung asawa ni Raymond Aragon.”
“Si Joeveline Aragon?” tumango ito. “Alam ko na kung nasaan siya.” pagsisinungaling ko.
Muli niya akong tinitigan ng matagal sabay ngisi. “Good. Let's find RS para mapuntahan na natin ang kinaroroonan ng asawa ni Aragon. Tiyak matutuwa nito si Capo sa magandang pasalubong natin.”
“Natin? Hindi ah. Pasalubong KO lang.” matamis ko itong nginitian. “AKO lang. Dahil AKO lang mag-isa ang nakakita sa kanya.”
Pinanliitan ako nito ng kanyang mga mata. “Grupo tayo tapos susolohin mo lang? Ganun ka na ba ka-selfish? Nagpapalakas ka kay Capo? Gusto mo din ma-promote?”
“Yeah right. Ang SELFISH KO NAMAN kung susolohin ko nga. Anyways, saan ang meeting place niyong dalawa? Doon na lang natin hintayin.”
“Doon sa daungan ng mga lantsa.”
“Oh--may daungan ng mga lantsa pala. That's great. Tara lets!”
Patakbo ko itong nilapitan sabay akbay. Ramdam ko ang panlalamig ng kanyang katawan. Pilit na tinatago ang panginginig niyon.
“Nanlalamig ka. Nininerbiyos ka ba?”
“Ha? Hindi ah.” sabay tawa.
Tunog pilit na pilit. Umiikot pa rin ang mga mata sa paligid. Mukhang naghahanap ng kakampi. Kawawang Mhariss.
I chuckled. “Natatakot ka ba sa'kin, Mhariss?”
“Ba't naman ako matatakot sayo? Kay Capo nga hindi ako natatakot sayo pa kaya?”
“Oh--hindi ka natatakot kina Wrath and Steves? Kaya pala namumutla ka at nangangatog 'yang katawan mo.”
“Pwede ba--”
Malakas akong napahagalpak ng tawa. Inis na tinabig naman nito ang braso kong nakaakbay sa kanyang balikat. Tinitigan ako ng masama.
“Alam mo kung hindi lang nag-aalala sayo si Wrath hinding-hindi ako mag-aaksaya ng panahon para hanapin ka.”
“Ows--talaga? Seryosong pinapahanap niya talaga ako dahil nag-aalala siya sa'kin?”
“Ano pa ba sa tingin mo?”
Muli ako nitong inirapan. Patuloy na gumagala ang mga mata sa paligid. Impatient and feared were visible on her eyes, which she tried her very best to hide it from me. Pero hindi iyon nakaligtas sa aking paningin. Lalong sumulak ang dugo ko sa subrang galit na lumulukob sa aking buong katawan.
“Ba't hindi mo kontakin si RS gamit 'yang relo mo para makaalis na tayo?”
Niyuko nito iyon saka pinagpatuloy ang paggala ng mga mata sa malayo, searching for RS. Iwan kung saan na sumuot. Hindi ko rin makita kung nasaan na si Wayne.
“I don't know what's wrong with this watch. Bigla na lang hindi gumana. Ngayon lang 'to nangyari. Nahihiwagaan din ako sa resort na 'to.”
“Wala man lang bang binanggit sainyo si Darleen tungkol sa resort na 'to?”
“She's nowhere to be found. Baka kasama niya na naman yung boylet niya.”
Nakahinga akong maluwag sa sinabi nito. Darleen must be with Hugo. And this resort... malamang kontrolado lahat ni Rald. A very clever man, huh? Mahihirapan akong makatakas kung ganun. Tiyak umuusok na din ang ilong no'n kakahanap sa'kin. Will use RS and Mhariss as my alibis then. Also, Wayne and the guards... makakalusot pa rin ako. Tsk... malas!
“Didn't he order you to find me dead or alive?”
Huminto ito sa paghakbang saka nilingon ako.
“Ha?”
“Si Wrath... didn't he order you to find me dead or alive?” ulit ko.
Umawang ang mga labi nito sa tanong ko. Umilap din ang mga mata. Saka mapaklang tumawa.
“Tanga ka ba--”
“No. YOU are.” pinagdiinan ko yung YOU saka nakakaluko itong nginisian. “Kayong dalawa ni RS. Akala ko pa naman subrang talino niyong dalawa yun pala ubod din ng tanga. Kayo na ang pinakatanga sa lahat ng tanga.”
Nalukot ang mukha nito sa sinabi ko. “Ayusin mo 'yang mga salitang lumalabas diyan sa bibig--”
“Oh--hindi mo nagustuhan yung sinabi ko?” nang-iinsulto ko itong tinawanan na ikinadilim ng mukha nito. “BFF kayo ni Darleen diba? Hindi niya man lang ba sinabi sainyo na pag-aari ni Rald James Gonzalvo ang resort na 'to?”
“Ano?”
“Base sa reaksyon mo malamang hindi.”
She chuckled. “Kung mapurol yang utak mo 'wag mo akong itulad sayo ha. Hindi ko kailangan magtanong. Kaya ko naman mangalap ng info. At kung sino ang tanga sa ating dalawa... ikaw yun,” tinuro pa ako nito. “Tingin mo makakapasok tayo dito kung si Gonzalvo nga ang may-ari? Hindi diba?”
“Makakapasok yes, pero makakalabas ng buhay malamang hindi na. Tsaka hindi ka talaga naniniwala sa'kin na si Gonzalvo ang may-ari--”
“It's Mr. Brown, FYI!” inis na sabad nito. “Nag-investigate si RS at si Mr. Brown ang may-ari, hindi si Gonzalvo. Half-half ang lalaking yun... fil-am businessman.”
“Mr. Brown muka mo. Talaga ba? Sure kang tama nga at binusisi niya ng maige yung info na nakalap niya? Malamang hindi. BOBA. Pareho kayong boba. Malamang hindi niyo rin alam na fiancee ni Darleen si Gonzalvo.” natigilan ito sa sinabi ko. “Oh--ano? Hindi, no? Hindi niyo alam na tinatraydor din kayo ng bff niyo. Ang hina niyo pala mag-imbestiga. Ito kayo o, hahh...” ngumanga ako sabay muwestra ng kamay sa loob ng bibig ko. “Nga-nga. TANGA...” then laughed wholeheartedly.
Malakas ako nitong itinulak. Paupo akong bumagsak sa buhanginan. Patuloy na tumatawa.
Akma itong tatakbo paalis nang mabilis kong pinatid ang kanyang paa ng aking paa. Padapa itong bumagsak sa buhangin sabay balikwas ng bangon pero muli ring bumagsak matapos kong tadyakan sa likod ng tuhod.
“Tatakas ka pa talaga ah.” madilim ang mukhang nilingon ako nito. “Don't push your luck, baby girl. Will never give you any chance to escape here.” I saw her gulped. I evily smirked. “Are you ready with my sweetest revenge?”
“Bîtćh..!!” nangangalit ang ngipin na sigaw nito sabay saboy sa'kin ng hawak na buhangin.
Kaagad kong ipinikit ang aking mga mata. Ramdam ko ang pagtama ng mga buhangin sa mukha at leeg ko. Pinunasan ko iyon sabay habol kay Mhariss na tumatakbo na palayo.
Nang maabutan ko, malakas ko itong itinulak sa likod. Padapa itong sumubsob sa buhangin pero kaagad din bumalikwas at sinipa ako. Hinuli ko ang kanyang paa at nakakalukong nginisian. Namilog ang kanyang mga mata ng akma kong pipilipitin iyon sabay gulong; pinipilipit ko ang kanyang isang paa, yung isa nakatukod sa lupa ginagamit nito paggulong, pati yung dalawang kamay.
Sa pang-apat na gulong nito, binitawan ko na ang kanyang paa sabay sipa sa kanyang mukha. Sumubsob ito sa buhangin pero kaagad bumangon. Kumuyom ang mga kamao, sinuntok ang buhangin, nanlilisik ang mga matang binalingan ako sabay atake sa'kin.
Tatlong magkakasunod na suntok ang pinakawalan nito sa akin. Lahat ko iyon nasangga. Pati ang umiikot nitong mga sipa. Yumuko ako, nag-bend ng katawan para maiwasan iyon.
Nagsuntukan kaming dalawa, nagsipaan, walang gustong magpatalo. Bawat atake ko nasasangga nito, ganun din ako sa kanya.
Hanggang sa muli ako nitong sinabuyan ng buhangin. Mabilis akong nakaiwas, nag bend ng katawan sabay dakot ng buhangin. Pag-ayos ko ng tayo malakas ko iyon isinaboy dito, sapol ang kanyang mukha.
“Aww--fück..!” daing nito. Nakahawak ang dalawang kamay sa napuwing na mga mata. “FückYou ka, Rashmin--arrrgh--!”
Malakas ko itong pinitserahan sa sikmura sabay sabunot sa kanyang buhok. Ipinulupot ko iyon sa kamay ko saka kinaladkad papunta sa kinaroroonan ni Wayne na natatanaw kong nakikipagpambuno kay RS. Wala akong pakialam kung naghuhumiyaw ito sa sakit.
Namilog ang mga mata ni RS ng mapabaling sa gawi namin. Tinangka nitong tusukin si Wayne ng karayom sa suot na singsing pero nakaiwas ito ngunit hindi sa sipa sa kanyang baba. Napaaringking ito sa sakit. Kumaripas naman ng takbo palayo si RS.
“Bantayan mo siya! Hahabulin ko!” sigaw ko sabay bitaw sa buhok ni Mhariss pero mahigpit nitong hinawakan ang braso ko.
Nakipaghilahan ako sa kanya pero ayaw ako nitong bitawan. Mabilis kong inikot ang singsing ko at tinusok ito sa batok ng karayom na may tranquilizer. Walang malay itong bumagsak sa buhangin.
Tila naputulan naman ako ng buntot na hinabol si RS. Hingal na hingal habang nagpapalinga-linga sa paligid. Natanaw ko itong tinatahak ang kinaroroonan ng speedboat.
Malutong akong napamura. Mabilis na tumakbo ng tumakbo. Halos pangapusan ako ng hininga sa tulin ng takbo ko. Daig ko pa ang nakipagkarera.
Pasakay na ito sa speedboat ng maabutan ko. Kaagad kong dinaklot ang kanyang damit sa likod. Nilingon niya ako sabay sipa sa akin. Sapol ako sa dibdib. Nabitawan ko ito kasabay ng pagbagsak ko sa tubig dagat. Mabilis din akong bumangon at sumampa sa loob ng speedboat. Umaandar na ang makina.
Pagbaling nito sa akin kaagad akong sinipa. Sinangga ko iyon sabay sipa din sa kanya. Sumadsad ito sa gunwale. Dinaklot ko ang kanyang buhok, ipinulupot sa kamay ko at gigil na inuntog doon ng paulit-ulit ang kanyang ulo.
“Fück--tama na Rashmin!”
“Tama na? Anong tama na? Anong ibig sabihin no'n ha?” hinatak ko pataas ang kanyang buhok.
Napahiyaw ito sa sakit. Malakas naman akong humalakhak at hinigpitan lalo ang pagkakasabunot sa kanya. Bumaba ako ng speedboat. Hinatak ito pababa. Patuloy itong nagsisigaw, paulit-ulit akong minura. I tightened my grip on her hair even more.
“Tayo!” sigaw ko. “Tumayo ka sabi!!” sinipa ko ito ng makita kong inikot ang suot na singsing. “Subukan mo lang tusukin ako niyan, siguradong bali 'yang leeg mo.”
“Damn it--let me go, Rashmin!”
“Bakit? Para makapagsumbong ka kay Wrath kung nasaan ako?”
“NO--I mean pinapahanap ka talaga niya saamin--”
“Dead or alive?”
“Anong klaseng tanong yan? Malamang buhay--aaaah!”
“Dead or alive, diba? Dibaaaaa!”
“OO! Oo..! Sumugod si Gonzalvo sa Re Drago Edificio, hinahanap ka. Kaya nag-alala sayo si Capo--aaaah!”
“Magsisinungaling ka pa talaga--t'ngna mo!”
“That's the truth--aaw!” hiyaw nito matapos kong hampasin ang kanyang ulo.
“Rashmin!” humahangos na lumapit sa akin si Wayne. May mga kasama pang tauhan. “OK ka lang ba?”
“Yeah... where's Mhariss?”
“Kinuha na ng mga tauhan ni James.” binalingan nito ang mga kasamang maskuladong lalaki. “Dalhin niyo na ang babaeng 'yan doon.”
“Wait--!” pigil ko sa kanila. “I'm not done yet with this bîtčh,”
Dumakot akong buhangin at sinaboy sa mukha ni RS. Malutong ako nitong minura. I just laughed. Binitawan ko ang kanyang buhok. Umikot sa harapan, kinubabawan ito at sunod-sunod na pinaulanan ng suntok sa kanyang mukha. Pinigilan ako ni Wayne pero hindi ako tumigil hanggang sa mawalan ito ng malay.
Tumayo ako. Hinugasan ang duguang kamao sa dagat.
“Ikulong niyo sila. Will interrogate her after.” nag-angat akong tingin kay Wayne na hindi pa rin makapaniwalang nakatitig sa akin. “Kailangan nating mag-usap. May importante akong sasabihin sayo.”
Kumurap-kurap muna ito saka binalingan ang mga lalaki. “Dalhin niyo na 'yan. Kapag nakita niyo si James sabihan niyong kasama ko si Rash.”
He brought me to the nearest cabin where he stayed. Pinagpalit ng basang damit. Kahit anong pilit nito ayokong suotin yung bagong damit nitong binibigay sa akin. Hindi ko rin hinubad yung mga panloob ko kahit basa. Pinatungan ko lang iyon ng roba.
“Grabe--”
“Green minded si Rald.” sabad ko. “Baka kung ano-ano na naman sabihin no'n sa'kin. Alam mo naman ang tabas ng dila no'n.”
He laughed, then shrugged his shoulder. “Sabagay. Ano nga pala yung importante--”
“Sina Darleen, RS, Mhariss, Monaliza, Juliet, Rochelle, Katniss, Irine, Capo, dalawang piloto... sila ang mga naalala ko. We were inside the private plane na pag-aari ni Wrath. They tried to get rid of us; me and my best friend Naomi. Siya yung tumulong sa'kin kaya nakaligtas ako sa pagsabog ng eroplano pero hindi ko alam kung nasaan siya or kung buhay pa ba siya. Ngayon ko lang siya naalala. Tapos may nakita pa akong matandang babae.”
“Anong pangalan?”
“Hindi ko alam.” sunod-sunod akong umiling. Kumirot ang ulo ko, ang puso ko, kasabay ng pagtulo ng luha ko. Kaagad ko iyon pinalis. Nagsusumamo ang mga matang tinitigan si Wayne. “Please, hanapin niyo ang kaibigan ko. Hanapin niyo si Naomi. Pati yung matandang babae.”
“Yeah, that's for sure.” humakbang ito palapit sa akin. Nginitian ako saka tinapik-tapik sa balikat. “Next time 'wag mo ng tangkain pang tumakas. Mapapahamak ka lang--”
Sabay kaming napalingon sa biglang pabalyang bumukas na pinto. Madilim na mukha, umiigting na panga, nanlilisik na mga mata ni Rald ang sumalubong sa akin.
“Apatay...” anas ko.
Malalaking hakbang niya akong nilapitan. Hinablot ang braso ko. Basta na lang kinaladkad palabas ng cabin.
“Aw--Rald--”
“Teka, James--”
“'Wag kang makialam dito!” dinuro niya si Wayne. “Mag-uusap tayo, saglit lang.”
Kung hindi mahigpit ang pagkakahawak ni Rald sa braso ko baka sumubsob na ako sa lapag sa bilis at laki ng hakbang niya. Pabalang pa akong binitawan pagkalabas sa pinto. Dinuro pa ako. Inis na tinabig ko naman iyon.
“'Wag mo akong maduro--”
“Dito ka lang,” sabad niya. “Kapag umalis ka--”
“Hindi po ako aalis, Daddy ko. Masaya ka na? Daig mo pa yung Tatay ko e.”
Tinalikuran niya ako. Pabagsak pang isinara ang pinto.
Sumunod na narinig ko mga kalabog sa loob. Mga boses na nagsasagutan. Kaagad ko naman pinihit pabukas ang pinto. Nahigit ko ang aking hininga ng makita kong duguan at putok ang mga labi ni Wayne. Mahigpit pang hawak ni Rald sa kuwelyo nito. Akma akong papasok sa loob ng matigilan sa sinabi niya.
“She's mine!” dumadagundong na sigaw niya sa mukha ni Wayne. “And what is mine, is mine alone!” pabalang niyang binitawan si Wayne. “Ayoko ng makita pa 'yang pagmumukha mo dito sa resort.”
Pagharap niya sa pinto, nagtama kaagad ang mata naming dalawa. Natigilan din siya pagkakita sa'kin pero saglit lang. Kaagad din iyon dumilim.
“Seriously, bro? Wala kaming ginagawang masama ni Rash. We're just friends!”
“You're financially stable. Hindi mo na kailangan pang magtrabaho dito.” aniya saka malalaking hakbang na nilapitan ako.
Tila robot na sumunod ako sa kanya ng muli niya akong kinaladkad paalis. Dumeritso kami sa underground gateway. Umawang pa ang labi ko sa gulat sa nakita kong itsura ng mga tauhan niya doon; bukod sa may blackeye at pasa sa mukha yung iba putok ang mga labi.
Pagdating sa bahay, basta niya na lang ako iniwan sa gitna ng sala. Nagtataka sa mga ikinikilos niya.
Inabot yata ako ng oras na nanatili lang sa aking kinatatayuan.
Speechless.
Clueless.
Wondering.
Confused.
Nang hindi makatiis, sinundan ko siya sa itaas. Nilapitan ko ang kwarto niya. Pinihit ang seradura pero naka-locked iyon. Ilang beses kong kinatok pero hindi naman ako pinagbuksan. Wala din akong marinig sa loob na ano mang ingay. Nagkibit balikat na lang ako.
Muli akong lumabas ng bahay. Dumeritso ako sa pool. Hinubad ko ang roba, ipinatong lang sa lapag saka nag-dive. Sumisid ako sa ilalim. Nagpabalik-balik ng langoy hanggang sa mapagod. Pag-ahon ko, guminhawa na ang pakiramdam ko. But I felt someone watching at me. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala naman akong makitang tao. Pag-angat ko ng tingin... malakas akong napasinghap.
There; I saw Rald watching at me intently. Nakadungaw sa balcony. May hawak na bote ng alak. Doon mismo tumutungga.
Matagal naghinang ang aming mga mata.
Hanggang sa umalis na siya pero nanatili pa rin akong nakatanaw doon. Yung puso ko para ng tinatambol sa loob. Kinakabahan ako na iwan sa uri ng titig na pinupukol niya sa akin. Ipinilig ko ang ulo saka muling sumisid sa ilalim.
Pag-ahon ko sa kabilang dulo ganun na lamang ang gulat ko ng mabungaran ko doon si...
“Rald..!” bulalas ko.
Nakalusong siya sa tubig. Nakatayo sa harapan ko. Namumungay ang mga matang nakatunghay sa akin.
Bumagsak ang dalawang kamay ko sa matigas, namumutok niyang muscle at mabalahibong dibdib ng hapitin niya ang bewang ko. Saka walang babalang siniil ng mapusok na halik ang nakaawang kong mga labi.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023