Beloved Tyrant 6

2630 Words
RALD JAMES GONZALVO "Anong tingin niyo sa babaeng yun?" Kasalukuyan kami ng mga tauhan ko sa loob ng control room, nasa underground gateway papunta sa kabilang resort. Hindi ako umalis ng bahay kanina hanggat hindi sinisimulang labhan ni El Salvador ang mga bedsheets. Galing iyon sa stockroom sa hotel sa kabila. Mga luma na at hindi na ginagamit. I deliberately tormented her para siya na mismo itong kusang sumuko at umamin ng krimen na ginawa niya pero bukod sa todo na nga siyang tanggi, nakukuha pa akong bwesitin at bara-barahin. Nakakapang-init ng ulo--t'ngna! Napapaisip tuloy ako kung may kinalaman ba talaga siya sa pagkamatay ng mga magulang at kapatid ko or wala? Pero imposible... "Magaling, may ibubuga," wika ni Jem. "Ang bilis ng kilos niya." segunda ni Rob. "Yung moves niya kakaiba." wika naman ni Spyke. "True, iba yung mga atake niya." sang-ayon ni Craig. "Tapos yung mga mata niya subrang bilis din." wika ni Code. "Hindi ko akalain na may tinatago pa siyang armas sa katawan." ani ni Drake. "Mabilis ang utak niya." "Gulat nga din ako e," nakatawang wika ni Stone saka nilingon si Cyrus. "Akala ko ba pinalitan mo yung suot niyang four pair earings, bracelet at singsing? Diba pinadouble check mo pa yung singsing niya kay Clayde?" "Iba yung singsing na suot niya kanina. Lahat ng accessories sa katawan niya kinuha ko at pinalitan ng bago no'ng nasa Italy pa lang kami't wala siyang malay." "So, where did she get that ring with tranquilizer?" "I have no idea." binalingan ako ni Cyrus. "She's an expert based on her fighting skills. Her moves, her stance, her speed, and her techniques are different. Pakiramdam ko warm up pa lang yung pinakita niya sa atin e." "Pansin ko rin." segunda ni Drake. "The way na gumalaw yung mga mata niya parang alam niyang sinusubukan lang natin siya." "Ba't kasi hindi niyo pa tinodo?" "E, diba sabi mo Boss titingnan lang natin yung moves niya para e-compare dun sa--" "Sabi ko kahit balatan niyo siya ng buhay wala akong pakialam." sabad ko kay Spyke. "Iba yung sinabi mo do'n sa kakahuyan sa napag-usapan natin dito boss." katwiran pa nito. "Sino ang Boss sa ating dalawa?" Natigilan ito sa tanong ko sabay kamot sa ulo. "Grabe Bro... kailangan pa bang e-memorize yan?" "So ba't di niyo sinunod yung sinabi ko?" Nagkatinginan silang walo sabay iling. "Seryoso ka talaga, Boss?" alanganin pang tanong sa akin ni Jem. "Mukha ba akong nagbibiro?" "Sabi ko nga seryoso ka." "Pareho sila ng katawan no'ng babaeng dumukot sa kapatid ko diba?" "Parang mas sexy tong si El Salvador--uhmmm," natigilan si Rob sabay ngisi. "Magka-iba ng hulma ng katawan. Yung ang ibig kong sabihin, Boss." "I don't need an explanation, Rob. Gusto ko yung totoong observation niyo sa kîller na yun ang sabihin niyo sa akin." "O e, she's so sexy." "Gorgeous and hot," segunda ni Stone. "Perfect yung katawan niya kaysa do'n sa kidnapper ng lil sister mo Boss." dagdag pa ni Spyke. "Laki ng cocomelon." naga-twinkle na wika ni Code. "Nice ass too." dagdag ni Drake. "Yeah, super curvy body." wika ni Craig. "I can tell, she's different." "Feeling safe?" chorus na tanong nila kay Cyrus. "She's different naman talaga. I mean," sinulyapan ako ni Cyrus sabay tikhim. "Iba yung vibration ko sa aura niya." "Wow, may pa vibration siya," wika nila sabay tawanan. Pailalim ko silang tinitigan lalo na si Cyrus. "Bakit pakiramdam ko attracted kayo sa babaing yun kaya hindi kayo makapag-focus sa pakikipaglaban sa kanya?" Tumikhim sila. Patay-malisya akong tiningnan. Nagkanya-kanyang talikod, naghanap ng mapupwestuhan malayo sa akin. "Honestly, maganda nga siya Boss." "She looks innocent, too, despite her profession." "Agree, parang--" "In short, attracted nga kayo." inis na sabad ko. "Baka nakakalimutan niyong looks can be deceiving. Ang spy agent na kagaya niya ginagamit ang taglay nilang ganda at alindog para mapabagsak ang kalaban. Alam niyo naman yun diba? Ba't ngayon para kayong mga asong naglalaway na putcha!" "Iba yung kilos niya Boss." "What do you mean, iba?" galit na tanong ko kay Cyrus. "She's not just a spy agent, assassin din siya sabi ni Darleen. Isa sa pinagkakatiwalaan nina Wrath at Joaquin!" "Pero diba sinabi din ni Darleen na parang may something na kakaiba kay El Salvador?" sabad ni Craig. "Matagal siyang nawala sa grupo, Boss. Nang bumalik hindi na kilala si Darleen na kung tutuusin nabuking ni El Salvador ang totoong pagkatao niya diba, na tauhan natin siya. Tapos ngayon naging magkaibigan pa sila." nakakibit ang mga balikat na inilahad nito ang dalawang kamay sa magkabilaan. "Something fishy, right? It's either pinapaikot niya lang tayo or else..." "Hindi kaya..." nagkatinginan sila. "...may amnesia siya--" "May amnesia siya kaya hindi niya makilala ang kapatid ko!" sabad ko sa kanila. "Hindi niya maalala yung karumal-dumal na krimen na ginawa niya. Yun yun!" "How much you sure na siya nga iyon sa video na nakuha sa hidden camera sa labas ng mansyon niyo na tumangay sa kapatid mo?" "Naka-black overall na damit yung kidnapper, Boss. Tanging yung kilos at hulma ng katawan lang yung binabasehan mo which is too shallow." "Agree. Tapos yung blood sample naman na nakuha noon sa kidnapper na yun at kay El Salvador hindi naman nag-match." "Weird diba?" Frustrated akong nagpakawala ng buntong hininga. "Kilala siya ni Darleen. Mas naniniwala ako sa kanya kaysa sa theory niyo. Si El Salvador na ang matagal ko ng hinahanap. Period." "What if it's not her?" "What if wala talaga siyang kinalaman?" "What if inosente siya?" "What if pinain lang siya ni Wrath--" "What if itikom niyo na lang lahat yang mga bibig niyo, pwede?" galit na sabad ko. Natahimik naman silang lahat. "Ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda?" "That's not the point--" "That's the point of this damn conversation!" nangangalaiting sigaw ko. "Gusto niyo siya kaya lumalambot ang puso niyo sa kriminal na yun!" "Akala ko ba gusto mong marinig mismo yung totoong obserbasyon namin sa kanya?" kunot-noong tanong ni Rob. "Bakit ngayon galit na galit ka?" I cursed multiple times. "Where's Wayne?" pag-iiba ko sa usapan. "Hindi pa ba tapos yung pinapaluto ko sa kanya?" "Nandun sa kitchen." sagot ni Cyrus. I storm out the door. Malalaking hakbang na tinungo ang kusina. Naabutan kong nagpiprito ang luko habang kumakain. "Sinong may sabing prituhin mo yang kamote?" Napaigtad ito sa gulat. Nabitawan yung sandok at hawak na pagkain. Napaso pa sa kawali. "Aww--t'ngna!" anito habang hinihipan ang kamay na napaso. "Akala ko ba pupunta ka sa kabila? Ba't nandito ka na agad? Nag-teleport ka ba?" "Anong teleport?" humakbang ako palapit sa mesa. Dumampot ng niluto niyang kamote cue at kinain. "Diba sinabi ko lagain mo lang tapos lagyan mo no'ng gamot na binigay ko sayo? Ba't prinito mo pa? Nag-aksaya ka pa ng asukal. Ibabawas ko to sa sweldo mo." He groaned in protest. "Sa pagkakatanda ko Manager ang inaplayan kong trabaho dito hindi chef cook, BOSS. Inalila mo na nga ako, babawasan mo pa ng sweldo. Ang lupit mo kaysa kay Dad." "Drama. Nasaan na yung--" "Ayon." turo nito sa isang mangkok na binalatan nang nilagang kamote sabay dampot ng nahulog na sandok, hinugasan sa gripo. "Kanino mo ba ipapakain yan?" "Kanino pa ba?" "Tss, parang ang harsh mo naman--" "Anong harsh?" sabad ko. "Kita niyo naman sa CCTV yung mga pinaggagagawa niya diba? Palaban ang babaeng yun! Bakit ngayon lahat kayo naaawa sa kanya--t'ngna! Nakakalimutan niyo yata na naghahanap akong hustisya sa pagkamatay ng mga magulang at kapatid ko." "Oo na. Lahat nilagyan ko yan ng gamot maliban do'n sa isa as you instructed." sabay bato sa akin ng maliit na bagay na nasa loob ng naka-sealed na maliit na plastik. "Ipainom mo yan in case hindi niya na makayanan." "Ano 'to... para saan 'to?" "Para sa sakit ng tiyan at Diatabs." Binato ko iyon pabalik sa kanya. Dinampot ko ang dalawang mangkok na may laman ng nilagang kamote at kamote cue. "Bumalik ka na sa Hotel." sabay hakbang palabas. "Pwede ko bang makita ang itsura ng bihag mo? Curious--" Pabagsak kong isinara ang pinto. Narinig ko pa ang malutong na mura nito pero 'di ko na ito pinansin pa. Malalaking hakbang na tinungo ko ang daan pauwi sa rest house. "Bwesit! Bwesit! Bwesit!" nangangalaiting boses niya pagpasok ko pa lang sa kusina. "Anong akala niya sa sarili niya, HARI? Hah, mukha siyang halimaw! Dugyot! Parang 'di naliligo! Pagkahaba-haba ng buhok--kadiri!" Sumunod na narinig ko parang nagwawala na siya habang paulit-ulit akong minumura. Nakangising inilapag ko ang dalawang mangkok sa ibabaw ng mesa saka pinuntahan siya sa laundry area. There; I saw her inside the basin. Nanggigigil na tinatapakan ang mga bedsheets. Yung iba parang sinadyang pinunit or ginupit niya at nagkalat sa lapag. Pinagkrus ko ang mga braso sa harapan ng dibdib ko. Isinandal ang likod sa hamba ng pintuan. Pinanood ang kanyang ginagawa. Lumabas siya ng palanggana, dinampot yung gunting sa lapag saka muling pinaggugupit iyon. "Sa susunod yung dila niya ang gugupitin--ah hindi... yung mukha niya mismo ang gugupitin ko ng pinong-pino--" "Talaga?" sabad ko. Napaigtad siya sa gulat. Marahas akong nilingon. Namilog ang mga mata pero saglit lang, matamis akong nginitian. Pinakita pa sa akin ang ginupit na bedsheets. "Hi Love. May sewing machine ka ba?" "Sewing machine?" kunot-noong tanong ko. "Anong gagawin mo?" "Ang ganda ng bedsheets mo. Mukhang mamahalin. Gagawan sana kita ng balabal." "Oh, talaga? How sweet naman." napaatras siya ng maglakad ako palapit sa kanya. Ngising aso ko siyang tinitigan, inilang hakbang sabay haklit sa kanyang bewang. Malakas siyang napasinghap. Lalo akong napangisi. "Are you afraid of me, my Lady?" Tumawa siya. Idiniin pa lalo ang katawan sa akin, hinaplos ang dibdib ko paakyat sa aking leeg, pinulupot ang mga braso doon. Bigla akong pinangapusan ng hininga sa ginawa niya. "Ba't naman ako matatakot sayo, Love? Ang gwapo-gwapo mo kaya." nilapit niya ang mukha sa aking tainga, pinatakan ng halik doon. "Gusto ko ngang magpalahi sayo e." mapang-akit ang boses na inamoy-amoy ako sa aking leeg. "Hmmm ang bango-bango. Alam mo bang mas magaling ako sa kama kaysa do'n sa Cherry mo?" Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Hinapit ko lalo palapit ang kanyang bewang sa akin. "Talaga?" Bumaba ang mga kamay ko sa kanyang pang-upo at walang kahirap-hirap siyang binuhat. Nakita ko ang bumalandrang takot sa kanyang mukha ng ipulupot ko ang kanyang mga hita sa bewang ko pero kaagad din iyon napalitan ng mapang-akit na ngiti. Akala niya maiisahan niya ako ngayon? I scoffed. Wait for my sweet revenge, Lady. Hinatak ko ang batok niya saka ginawaran siya ng mababaw na halik sa labi. "Malakas ang stamina ko sa kama, Rash." anas ko. "Baka hindi mo ako kayanin. Gusto mong kumain muna tayo bago kita papakin?" "H-Ha? W-Wala akong nilutong--" "I already prepared food for us, my Lady." agap ko sa kanya. "Pinaghanda kita ng paborito mo." "Ano? Anong paborito ko?" I sexily chuckled then carry her out of the laundry area. Huminto ako sa mahabang mesa sa kusina saka pinaupo siya sa ibabaw no'n. Inabot ko ang nilagang kamote saka inilapit sa kanyang bibig. "Open your mouth, My Lady." Umiwas siya saka tinitigan iyon. "Ano yan?" "Vegetable." "Vegetable?" "OO." "Anong klaseng vegetable yan?" "Sweet potato." "Oh--kamote." she giggle. "Gulay pala ang kamote?" "Hindi mo alam?" Nilingon niya ang kamote cue at iyon ang nilantakan. Pero bago pa iyon sumayad sa labi niya kaagad kong hinawakan ang kanyang kamay at sa bibig ko iyon isinubo. "That's mine." nilagay ko sa kamay niya ang nilagang kamote. "You're already so sweet kaya boiled lang sayo baka kasi masubrahan ka sa tamis." I kissed her lips again. "Kain na." Kumuha akong kamote cue at kinain. Nakasunod sa akin ang diskompyado niyang mga mata. Very observant, attentive. I noted. Inamoy-amoy niya iyon. "Baka naman may lason 'to kaya pinagpipilitan mong kainin ko?" Nakangising pinisil ko ang kanyang pisngi sabay kagat sa kamoteng hawak niya. "Ako ang unang mamamatay kung sakaling may lason nga." Hindi pa rin kumbinsidong tinitigan niya ako. Shet! Bumaba ang kamay ko sa ibabaw ng kanyang hita. "OK lang kung ayaw mong kumain." pinisil ko iyon, humaplos papunta sa kanyang gitna. Mabilis ang kamay na pinigilan niya ang kamay ko. I grinned. "Will eat you--" Natigilan ako ng bigla niyang isinubo sa bibig ko ang hawak niyang kamote. "Yan... yan ang kainin mo." napaatras ako ng itulak niya ako sa dibdib. "Hindi ko kakainin yan!" I evily smirked. Hinatak ko ang upuan sa tabi niya saka naupo doon at nilantakan ang kamote cue habang nakatitig sa kanya. "Lets eat." "NO." Mabilis kong pinigilan ang braso niya ng akma siyang bababa ng mesa. "Kakainin mo yan or ako mismo ang didikdik ng mga yan sa lalamunan mo?" "Pwersahan? Hindi ka yata na-inform na hindi ako kumakain ng gulay, mahal na Hari." "O kaya pala halos lahat ng gulay na naka-stock sa loob ng ref ko nabawasan." tinuro ko ang mangkok. "Kainin mo yan." "Pa'no kung ayoko?" "Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." "Oh really? Lahat naman ng ginagawa mo nagugustuhan ko e. May bago ka bang pasabog ngayon?" "Sasabog yang nguso mo kapag 'di mo yan kinain." Inabot niya ang mangkok saka nilapag sa harapan ko. "O... ikaw na lang kumain tutal patay-gutom ka naman." Uminit ang ulo ko sa galit. Malakas kong hinampas ang mesa. Napapitlag siya sa gulat sabay subo ng kamote sa bibig. "Ito naman war freak." "Kakain ka naman pala nag-iinarte ka pa. Ubusin mo lahat yan!" "OO na--t'ngna mo." "Good. Simula ngayon yan lang ang kakainin mo." "Ano?" bulalas niya. "Subrang daming pagkain sa loob ng ref mo tapos pagdadamutan mo ako? Pauwiin mo na lang ako saamin kung hindi mo naman pala ako kayang pakainin." "In your dreams." "Siguro may gusto ka talaga sa akin kaya ayaw mo akong pauwiin? Ano ha? Aminin mo na." "Gustong patayin YES, gustong-gusto. At sa ating dalawa ikaw dapat itong umaamin e. Aminin mo sa akin kung sino nag-utos sayo at palalayain kita." "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang at kapatid--" "LIAR!" dumadagundong na sigaw ko. "E di 'wag kang maniwala!" "Hindi talaga ako naniniwala sa mamamatay tao na kagaya mo!" "O e di wow!" Nagliyab ang buong katawan ko sa subrang galit. Pero kaagad din akong napangisi ng makita ko ang reaksyon sa kanyang mukha. Nalukot iyon. Umawang ang mga labi habang nakahawak ang dalawang kamay sa tiyan niya. "Aww--may nilagay ka ba sa pagkain?" "WALA." "Shet ka!" sigaw niya sabay takbo papunta sa CR. Malakas akong napahagalpak ng tawa. 'Kala niya ah. Inubos ko ang kinakain ko saka tumayo. Hinugasan ko ang dalawang mangkok. Nagpupunas ako ng kamay sa basahan ng malingunan ko ang garapon ng puting asukal. Tiningala ko ang kabinet sa itaas. Napangisi ako ng makita ko ang iodized salt. Isinalin ko ang white sugar sa malinis na mangkok, ganun din ang ginawa ko sa iodized salt. Pagkatapos pinagpalit ko ng lagayan at muling isinalin. "Rald..." mahinang boses niya. Nakangisi ko siyang hinarap. "Masakit ba?" "Hindi." I blinked back my eyes twice. "Hindi masakit ang tiyan mo?" Muli siyang umiling. "Ang sarap sa pakiramdam. Grabe, daig ko pa yung uminom ng biofit tea. Very satisfying yung pinalamon mo sa akin ha. The best ka talaga Gonzalvo. Walang katulad. I love you na talaga." aniya. Pero yung itsura niya namumutla na. Butil-butil din ang pawis sa noo. Halatang hinang-hina habang nakahawak ang kamay sa tiyan tapos... matigas talaga ha. "Hindi halatang hindi ka nahihirapan ah. Nagdedeliryo ka pa." "Hindi talaga. Meron ka pa bang iba no'n? Pahinge pa. Nasarapan ako, promise." "Akala ko ba hindi ka kumakain ng vegetable?" "Vegetable ba yun?" "OO diba." "E bakit no'ng kumain ako tapos umutot sabi fruit? Yawa, scammer ka!" Malakas akong napahagalpak ng tawa ng muli siyang tumakbo pabalik sa CR. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD