Beloved Tyrant 7

2689 Words
RASHMIN Hindi ko alam kung ano ang inilagay ni Rald sa kamoteng yun, but I'm having... Belly cramps and pain. More-frequent bowel movement. Passing loose, watery stools. I felt weak and lethargic. Kung gaano kasama ng pakiramdam ko ganun din katindi ng gigil na nararamdaman ko para makabawi sa kanya. "Aww--sucks!" namimilipit sa sakit na daing ko habang nakaupo sa ibabaw ng bowl. "Rald!" Biglang bumukas ang pinto ng banyo. "Yes, my lady?" Napatutok ang mga mata ko sa kanyang mga paa na nasa gitna ng pintuan. Dahan-dahan na nag-angat ng tingin sa kanya. Kahit nanghihina na ako hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong matawa sa itsura niya. He's wearing a tear gas mask! "Anong masamang espiritu ang sumanib sayo at nakasuot ka ng ganyan?" "Boys scout ako. Lagi talaga akong handa sa lahat ng panganib. Lalo na ngayon." "Anong panganib ang pinagsasabi ko diyan?" Tinuro niya ako. "Mas matindi pa sa tear gas ang nilalabas mo. Mahirap na. Baka bigla akong mahimatay." "Gago--lumayas ka!" "Tinawag mo ako tapos ngayon pinapalayas mo ako?" "Sadyang nakabantay ka na talaga sa akin diyan sa labas ng--" "Syempre," sabad niya. "24/7 akong nakabantay sayo." "Ganun mo ako ka-love?" "Yucks--sa amoy mong 'yan? Sino magkakagusto sayo? Harap at likod na nasa baba mo umaalingasaw sa 'di kanais-nais na amoy." "Lumayas ka." turo ko sa likuran niya pero hindi siya natinag. "LUMAYAS KA!" He laughed. "Kawawang Rashmin." "You're pathetic, not me! I assure you that, Gonzalvo." I flushed the toilet. Inayos ang sarili, tinakpan ang bowl at naupo doon. Isinandal ko ang likod saka pumikit. "'Wag mo akong titigan Rald, baka ma-in love ka sa akin." "I'm engaged to be married with Darleen kaya malabong mangyari yang sinasabi mo." Nagmulat ako ng aking mga mata ng marinig ko ang papalayo niyang mga yabag. "Tama ba ang dinig ko? Engaged siya kay Darleen? Sinong Darleen ang tinutukoy niya?" MAGDAMAG akong nanatili sa banyo. Doon na ako nagpalipas ng gabi, nakapikit habang nakaupo sa ibabaw ng takip ng bowl. Nagpabalik-balik din ako sa kusina. Nagtimpla ng maiinom na mainit. Pabugso-bugso ang sakit ng tiyan ko, humihilab kaya saglit lang din akong nakakaidlip. Pero tiniis ko ang lahat kahit halos maglupaypay na ako sa subrang panghihina. "Good morning, Miss." Napaangat ako ng tingin sa lalaking nakatayo sa labas ng pintuan. Nang makilala ko ang mukha kaagad ko din ipinikit ang aking mga mata. "What do you want?" "Pinaghanda kita ng mainit na sabaw. Nandun na sa mesa." Muli ko itong tiningala. "Ano yan pa-round two ng Boss mong bugok?" "Anong round two?" "Alis! Never ever akong kakain ng niluto niyo." "Inumin mo 'to para--" "Para magpururot ako ulit?" sikmat ko habang nakatingin sa maliit na capsule na inaabot niya sa akin. Nakalagay sa maliit na sauce bowl. "Ipainom mo yan sa Boss mong sira ang utak. Baka sakaling maagapan pa." "Si Boss Wayne ang nagpapabigay nito sayo. Ipinuslit nga lang namin e. Patay kami kay Boss James kapag nalaman 'tong ginawa namin." "Sinong Boss Wayne?" "One of my Bud Brothers Bosses." "Ba't niyo ako tinutulungan?" "We just felt like you're innocent and wanted to save you from our Boss unstoppable wrath." "Inosente talaga ako! Wala akong kinalaman sa pagkamatay ng pamilya niya!" "Like I said; pakiramdam lang namin na inosente ka. We wouldn't believe you without proving to us that you are really innocent." "In short, you're just trying to fetch an info from me." "That's the only way for us to--" "Wala akong sasabihin at wala akong kinalaman!" angil ko sa kanya. "Ba't ipinagpipilitan niyo ang bagay na hindi ko naman ginawa?" "Nag-match yung blood sample na nakuha namin sa kidnapper ng kapatid ni Boss at yung sayo." Umawang ang labi ko sa gulat. Hindi makapaniwala sa narinig. "Can you explain that to me, how does that happen?" Sunod-sunod akong umiling. "Pa'no kayo nakakuha ng blood sample sa kidnapper ng kapatid ni Rald?" "Nakabarilan mismo ni Boss yung kidnapper sa bakuran ng mansyon nila. Tinamaan niya kaya nakakuha kami ng blood sample at nag-match yun sa dugo mo na nakuha namin doon sa kutsilyo na pinanghiwa ni Boss sa braso mo when we were in Italy." Mapakla akong tumawa. "So, he did that intentionally. Sinadya niyang sugatan ako para makakuha ng blood sample. Dapat sinabi niya na lang sa akin na yun ang gusto niya. Isang bag pa ang ibigay ko sa kanya." "May paliwanag ka ba sa result na lumabas?" "Nag-match na diba? Ba't pa ako magpapaliwanag? Malamang luto na sa utak ng Boss niyo na ako nga ang killer." "Hindi nga ba?" "Umamin man ako sa hindi ako pa rin naman ang pinagbibintangan ni Rald. Kaya nga dinala niyo ako dito sa private resort niya diba? He was so sure na ako talaga ang killer." "Only the evidence we gather will prove the truth, Miss." "Ang bobo niyo. Pakisabi sa Boss niyo super bobo niya. Siguraduhin mong makarating yan sa kanya ha." aniko sabay dakot ng tatlong capsule sa loob ng sauce bowl at nilunok iyon. Tinitigan ko ito sa kanyang mga mata. "Marami akong nalalaman sa grupo namin. Kapag pinahirapan niyo ako ng subra-subra dadalhin ko yun hanggang sa hukay. Mabobokya kayong lahat. Kaya easy-han niyo lang ang pagpapahirap sa'kin baka sakaling matuwa ako at maisipan kong bumaliktad. Ha. Sabihin mo yan sa Boss mong pinaglihi sa sama ng loob." Hindi ito umimik. Tiningnan lang ako saka tumalikod. Nakakailang hakbang pa lang ito ng maalala ko yung... "Engaged na pala ang Boss mo kay Darleen." wika ko pero deritso lang ito, hindi ako nilingon. Tumayo ako at sinundan ito. "Sinong Darleen yun? Yung spy agent bang kasama ko?" Tuluyan itong nakalabas ng bahay pero wala akong nakuhang sagot. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Napatingin sa kawalan. "Kung yung kaibigan ko mismong si Darleen ang fiancee niya ibig sabihin..." namimilog ang matang napatakip ako ng kamay sa bibig. "...trinaydor niya ang grupo namin? Pati ako niluko niya." naguguluhan na nagpabalik-balik ako ng lakad. "Akala ko kaibigan ko siya? Pero bakit nagawa niya yun sa'kin? Alam niya ang dahilan ko ba't pumasok ako sa grupo ni Wrath. Kilala niya ako pero bakit--ahw..." Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot iyon. Parang may ugat na pumipitik. Napasabunot ako ng dalawang kamay sa buhok ko ng patuloy iyong sumakit. Parang binibiyak na ang ulo ko. Napaluhod ako sa sahig, still enduring the searing pain inside my head. "Ahw--t'ngna!" naiiyak na itinukod ko ang noo sa sahig, idiniin lalo doon. "Aaaah! Hsssst! Aray ko--aaah!" Halos manginig ang mga braso ko sa subrang higpit ng sabunot ko sa aking mga buhok, malakas na napapasigaw sa subrang sakit. Hanggang sa mapahiga ako at unti-unti rin iyon nawala. Nanlalabo ang aking paningin. Mariin kong ipinikit lalo ang aking mga mata. Hinamig ang sarili. B-Bakit may nakikita akong mga malalabong anino? Bakit may naririnig akong mga sumisigaw na boses? Sino sila? "Kontrolin mo yang galit mo sa'kin." boses ni Rald. "Ikaw din, kapag pumitik yang ugat sa ulo mo baka 'di ka umabot sa susunod na araw." Hindi ko siya nilingon. Nanatili akong nakapikit. "Sa ating dalawa ikaw ang kabahan. Bukod sa high blood ka na, may sira pa sa utak. Kontrolin mo ang galit mo sa'kin. Ikaw din baka sa Mental Hospital ka pulutin." Malakas siyang napahagalpak ng tawa. Tumagilid ako ng higa sa sahig at tiningnan siya. He was leaning on the door frame. As usual, nakahubad baro siya pero nakashort shorts na. Pawisan din ang magulong buhok. May headset na suot sa kabilang tainga, yung isa nakalaylay lang. Nakakrus ang mga braso sa harapan ng dibdib. "Nakapasok ka na ba sa Mental Hospital?" nakakaluko ang ngising tanong niya. "Hindi ako baliw para pumasok doon." "But you look like one. Yung ibang mga baliw do'n ganun na ganun ang ginagawa kagaya ng ginawa mo kanina. Nagsasalita mag-isa, sumisigaw habang nakasabunot ang mga kamay sa sariling buhok, gumugulong sa sahig. Kulang na lang ang kumanta ka at sumayaw. Can't wait that to happen." I paused, then chuckled. "Oh, you mean nakapasok ka na pala ng mental kaya kita mo lahat ng ganap doon?" "Right." "Buti nakalabas ka pa. Sa nakikita ko kasi ngayon, you're mentally ill. Pa rehab ka kaya ulit." "Mukhang ok ka na nga." nakakagigil niya akong nginisian. "Linisin mo lahat ng banyo. Simulan mo doon sa tinulugan mo kagabi hanggang sa rooftop. Tapos balik ka doon sa laundry area. Tapusin mo yung nilalabhan mo doon. Then after that ipagluto mo ako ng makakain." "Ba't naman kita susundin?" "Susunod ka dahil alam mo naman siguro kung ano ang mangyayari sayo kapag 'di mo ako sinunod?" "Alam mo din naman siguro ang mangyayari sa lahat ng inutos mo sa'kin diba?" Walang kurap-kurap niya akong tinitigan ng nagbabaga niyang mga mata. Madilim ang mukha at umiigting ang mga panga. Saglit pa lang kami magkasama sa iisang bubong pero pakiramdam ko kabisadong-kabisado ko na ang ekspresyon na lalabas sa kanyang mukha. Kailan niya kaya ipapakita sa'kin ang totoong halimaw na nasa loob niya? Or baka ganyan lang siya magalit wala ng hihigit pa doon? Hindi naman siya nakakatakot kung ganun. Mukhang softhearted din siya. Lumalambot ang mukha niya kapag nakikita niya ang luha ko. Hmmm, another weapon. Pwede kong magamit laban sa kanya. Matamis ko siyang nginitian. "Fiancee mo pala si Darleen? Yung kasama ko yung mini-mean mong Darleen diba?" Hindi niya ako sinagot. Pinagtaasan lang ako ng kilay. "So, yung Cherry na dinala mo dito chepipay pala yun?" mapakla akong tumawa saka tumayo. "Ang arte-arte ng cheap na yun tapos parausan lang pala. Diring-diri ka sa'kin tapos pumapatol ka pala sa mga secondhand at overused na." umakto akong parang nasusuka. "Sa itsura ng Cherry na yun malamang yung kanya kulay ube halaya na. Mahilig ka pala sa ganun." "Dami mong satsat." umahon siya sa kinasasandalan saka tinungo ang hagdanan. "Kumilos ka na kung ayaw mong maging ube halaya yang mukha mo." "Gusto mo ipagluto na muna kita bago ko linisan ang banyo?" Huminto siya sa punong baitang ng hagdanan saka nilingon ako. "Magluluto ka sa harapan ko mismo." Napa-O shape ako ng walang sounds. "Takot kang gawin ko sayo yung ginawa mo sa'kin?" "I'm not afraid of anything, El Salvador. Hindi pa ipinapanganak ang taong magpaparamdam ng takot sa'kin." Tumango-tango ako. "Talaga ba?" Tinapunan niya ako ng nagbabantang tingin at ipinagpatuloy ang paghakbang sa hagdanan. "E yung taong magpapakulo ng dugo mo, hindi pa rin ba ipinapanganak?" Nasa kalagitnaan na siya ng hagdanan ng muli niya akong lingunin. "Yung taong papatay sayo kaharap mo na." "Kunwari na-shock ako whoa!" inilagay ko ang kamay sa tapat ng dibdib ko. "Grabe takot na takot ako. Binabagyo ang dibdib ko." "Mangyayari yan sayo soon. Maghintay ka, 'wag atat at darating tayo diyan." "Weeee? Tingin mo 'di ako makakatakas dito?" "Mahahanap at mahahanap pa rin kita kahit saang lupalop ng mundo ka pa magtago." "Ayy ganun mo ako ka-love? Ayiie nakakakilig ka naman. Susuyurin mo ang buong mundo mahanap lang ako." sabay tawa. "Hindi ka yata na inform na kung sakaling pagtatagpuin ulit tayo, liliko na ako." Napakunot-noo ako ng makita kong parang tumaas ang gilid ng kanyang labi... not sure though, bigla din kasi nawalan ng ekspresyon ang kanyang mukha. "Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" "You're hallucinating na makakaalis ka pa dito." aniya at muling humakbang paakyat. "Talaga!" "Gawin mo na ang inuutos ko!" balik sigaw niya. "Tumatakbo ang oras!" "Hmp!" inambaan ko ng kamao ang dinaanan niya. "Akala mo masisindak mo ako? Ha... akala mo lang yun! Pepestehin kita habambuhay! Tingin mo matutuloy din ang kasal niyo ng traydor na Darleen na yun? Akala mo lang 'din yun! Guguluhin ko kayo hanggang sa magsawa ka at itapon na ako paalis!" gigil na tinadyakan ko ang pader pero... "Aww--aroy aroy aroy," napaaringking ako sa subrang sakit. Pakiramdam ko natanggal yung kuko ko sa paa na namaling tumama sa pader--t'ngna. "Bwesit ka Rald! Bwesiiiiiiiit!" TINUNGO ko ang kusina. May kalahating kalderong chicken soup doon, tatlong malalaking hinog na saging, at isang basong apple juice. Nagdadalawang isip akong kainin iyon pero sa huli kinain ko pa rin. Naubos ko iyon lahat. Pinagpawisan ako at gumaan ang pakiramdam ko. Pagkatapos; sinimulan kong linisan ang banyong ginamit ko magdamag. Nilinis ko talaga iyon ng todo. Yung iba petiks-petiks lang, mabilisan kaya hindi ako inabot ng ilang oras. Then; back to laundry area. Na-stress ako sa nadatnan kong kalat na gawa ko din naman. Tamad na tamad ko iyon nilinis. "Hindi ka pa rin ba tapos?" Napapitlag ako sa boses ni Rald. Pagbaling ko bumangga ako sa kanyang dibdib. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko lang pala siya habang dini-drain ko yung tubig na nasa washing machine. Pabagsak na ako ng biglang pumulupot ang bisig niya sa bewang ko sabay hapit sa'kin palapit sa kanya. Namilog ang aking mga mata sa gulat. Sumalimbuyo ang puso ko ng magtama ang mata naming dalawa. He evily smirked. "Akala ko ba napapangitan ka sa'kin? Bakit kung makatitig ka ngayon sa mukha ko parang gwapong-gwapo ka at halos hindi mo maikurap yang mga mata mo?" "ASA KA," angil ko sa kanya. "Bitawan mo ako--aaah!" hiyaw ko ng bumagsak ako sa sahig. Tumama pa ang likod ko sa harapan ng washing machine. "T'ngna mo--ba't mo ako binitawan?!" Nakangusong ipinamulsa niya ang dalawang kamay sa suot na dark olive jaggers pants. "Sabi mo bitawan kita? So..." tinuro niya ako. "Wish granted. Most obedient ako dati sa school." tinalikuran niya ako. "Bitawan mo muna 'yan. Ipagtimpla mo ako ng kape." "Ba't 'di mo utusan yang sarili mo?" Huminto siya sa paghakbang saka nilingon ako. "Ikaw ang pakukuluan ko kapag 'di mo ako pinagtimpla. Sumunod ka dito." "Punyeta ka!" "I know! Bilisan mo diyan!" Nagdadabog ko siyang sinundan. Pagdating ko sa kusina may percolator na doon sa ibabaw ng lamesa. Binuksan ko iyon. "O, ready na pala, ba't 'di mo na lang timplahan--" "Ayoko niyan." sabad niya. "Baka kung anong nilagay mo diyan. Gawan mo ako ng bago. Yung makikita ko mismo." "Takot na takot sa sariling multo?" "Ikaw ang magiging multo kapag 'di ka pa kumilos." Inirapan ko siya. Inabot ko ang electric percolator. Itinapon ang laman niyon. Pinalitan ng bago mismo sa harapan niya pero hindi niya naman iyon tinitingnan kundi yung mukha ko. Walang ekspresyon ang kanyang mukha kaya hindi ko mahulaan kung ano ang tinatakbo ng utak niya habang nakatitig sa akin. Hindi niya ako nilulubayan ng kanyang mga mata. Pagkatapos sinalinan ko siya ng brewed coffee sa tasa niya. Ngali-ngaling ibuhos ko sa kanya ng kumukulong laman ng percolator. "Tingin-tingin mo diyan?" Nginisian niya lang ako. Inabot niya ang tasa pero nanatiling nakatitig sa akin ang hindi kumukurap niyang mga mata. Hinipan niya iyon saka humigop. "Subrang pait. Put some sugar." Kaagad akong tumalima. Kinuha ko ang garapon. "Hindi 'yan asukal." Nilingon ko siya. "Ha?" Tinuro niya ang sa garapon na nasa kabinet. Nagpalipat-lipat ang tingin ko doon at sa kanya. "Sure ka e iodized salt yan." "Basta kunin mo yun." Nagkibit-balikat lang ako, sabay ngisi ng lihim. Kinuha ko iyon saka ibinigay sa kanya. "Lagyan mo." "Ikaw na--" "Sabi ko lagyan mo." "Mamaya sisihin mo pa ako kapag umalat yang kape mo. Ikaw na maglagay." "Lagyan mo." "Ok. Ikaw bahala." Dinampot ko ang teaspoon at nilagyan ang kape niya. "Ok na ba?" "Kunti pa." Nilagyan ko iyon ulit. "Yan, ok na ba?" "Hindi ka ba marunong magtimpla ng kape?" "Syempre expert ako diyan." "Ba't tanong ka pa ng tanong kung ok na?" "Hindi ko kasi sure yung timpla mo." "Itapon mo ang laman niyan. Gawan mo ako ng bago, no'ng timpla mo mismo." "Sure ka?" He clicked his tongue. "Ang dami mong tanong. Ba't 'di ka na lang gumawa?" "As you wish." Itinapon ko iyon sa lababo saka muling tinimplahan siya ng kape. "Ba't parang subrang dami naman ng nilalagay mong asukal?" "Ang alat mo kasi. Need mo ng tamis sa katawan." "Akin na nga 'yan." aniya sabay agaw ng tasa sa kamay ko. "Siguraduhin mo lang na masarap 'to kung hindi..." Hinipan niya muna ang kape bago humigop sabay din ibinuga. "FÜCK--ang alat!" "Sabi ng asin yan ayaw mong maniwala." sabay karipas ng takbo palabas habang humahalakhak ng malakas. "El Salvadoooooooor!" ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD