THIRD PERSON's POV
CYRUS
"Anong gagawin natin?" tanong ko kay Boss Wayne. "Pa'no kung mabuko tayo ni Boss James?"
We were inside his office up here in the hotel: Boss Wayne, Spyke, Craig, Jed, and Drake.
"No worry, pinatago ko kay Clayde yung positive result ng DNA na nag-match kay El Salvador." tumayo siya bitbit ang basong may lamang alak, sumimsim doon habang nakatanaw sa labas ng glass wall. "Gusto kong imbestigahan niyo si Darleen, discreetly. She's having an affair with the other guy. Niluluko niya ang kaibigan natin."
"TheFuck?!"
"Seryoso ka?"
"Totoo ba yan?"
"How could she do that to him?"
Humakbang siya pabalik sa mesa niya dinampot ang cellphone doon, saglit na kinalikot at inabot sa'kin.
"Tingnan niyo."
Napaahon ang apat sa kanilang kinauupuan at lumapit saamin. Kinuha ko naman ang aparato, kunot-noong napatitig sa screen niyon then played the video.
Naka-disguised si Darleen. Wearing a red sexy dress, naka-blonde curly wig with bangs, and high heels. Nagpapalinga-linga muna sa paligid bago pumasok sa loob ng club.
Paglabas may kaakbayan ng ibang lalaki. Mukhang bangag ang dalawa. Tila tambutso pa ang bunganga sa lakas ng usok na ibinubuga ng dalawa.
Kailan pa natutong manigarilyo si Darleen?
Sakay ng itim na Mercedes dumeritso ang mga ito sa isang high-end condominium, West Park Tower.
"Ito lang?" tanong ko kay Boss Wayne. "Wala namang--"
"Watch the second video." agap niya. "Actually, lima yan. Panoorin niyo lahat. Kayo na humusga at sumasakit na ang ulo ko sa mga pinapadalang email sa'kin ni Suarez."
The next video was unexpected and gross. Lalo na yung pangatlo, pang-apat at panghuli.
"The guy had a red dragon tattoo on his back." wika ni Craig. "Either nag-iespiya si Darleen or tinatraydor niya tayo."
"Tingin ko may tinatago siya sa'tin." segunda naman ni Drake. "New York 'to diba?"
"Yes," sagot ni Boss Wayne.
"Walang assignment na binibigay sa kanya sa bansang yun or kahit saan mang bansa. Tanging kay Wrath lang dahil nandun si El Salvador. Yun naman talaga ang purpose niya kaya nagprisinta siyang mag-espiya kahit tutol pa si Boss diba?"
"Agree." sang-ayon ko kay Drake. "Masyadong malaking question mark 'to sa'kin na video na 'to."
"Ang tanda ko one week din hindi nagparamdam si Darleen bago siya nakapag-report kay James na nawawala si El Salvador." wika ni Boss Wayne. "Sugatan pa nga siya no'ng naabutan namin sa loob ng condo ni James e."
"Kung ganun anong ginagawa niya sa New York e kay El Salvador siya nakatuka sa Italy?" salubong ang mga kilay na tanong ni Spyke. "Hindi kaya planado ang lahat ng pagkawala noon ni El Salvador?"
"Same question." wika ni Jed. "When did this vedio taken? And what's the guy name?"
"Hugo Mancini Fontana." sagot ni Boss Wayne. "He's an Italian. The only son and heir of the high and mighty Universal Tecs Corp. That video took exactly one week before Darleen reported to James that El Salvador left the country and was missing."
"Ang sabi niya noon byaheng papunta dito sa Pilipinas ang kinalulunaran na eroplano ni El Salvador." naguguluhan na sabi ko. "Papanong napunta sa New York si Darleen e magkasama silang dalawa ni El Salvador sa--"
"Naguguluhan din ako," sabad niya sa akin. "Pero ang private investigator ni James na si Curtis mismo ang nagbigay niyang video kay Suarez."
"Hindi kaya..." nagkatinginan kaming lima sa sinabi niya. "May kinalaman si Darleen sa pagkawala ni El Salvador no'ng panahon na yun?"
"I'm not sure." wika ni Boss Wayne. "Will investigate pero make sure na walang makakaalam muna. Tayo-tayo lang na nandito. Keep it private lahat ng nakita niyo at napag-usapan natin dito ngayon. Kilala niyo naman si James. Hindi yun maniniwala sa'tin kahit makita niya pa 'tong video. We need to gather a solid proof. Yung hindi makakayang malusutan pa ni Darleen."
"COPY that." chorus namin.
"Ako ng bahala sa imbestigasyon." sabad ni Jed.
"Ikaw lang mag-isa?" tanong ko.
"Will accompany Nixon and Jorge."
"Ba't yung tauhan pa ni Boss Ryan ang isasama mo e pwede naman kami?" reklamo ni Craig.
"Ayaw mo na sa'min?" segunda ni Spyke. "Alien ka na?"
Jed clicked his tongue. "Maghihinala si Boss James kapag nagbago kayo ng ruta. Dito kayo nakatuka sa resort dahil nandito si El Salvador. Ako all around, diba? Lagi kong kasama yung dalawa kaya kami na lang ang bahala. Wala kaming pagsasabihan."
"May punto siya." wika ni Boss Wayne. "Will intrust you about this secret mission, Jed. Kalkalin niyo ang baho nina Hugo at Darleen. Sa'kin niyo ederitso."
"Imposibleng hindi malalaman ni Boss Ryan e loyal yung dalawang yun sa Boss nila."
"It's fine, laging naka-zipper ang bibig ni Ry. Hindi yun problema. Anyways," binalingan niya ako. "Kumusta pala si El Salvador? Ininom niya ba yung dala mong gamot?"
"Yeah..."
"Nakausap mo ba?"
I sighed. "Wala akong nakuhang anumang info. She was consistent at what she said that she had nothing to do with the dëath of James family."
"Sa ngayon paniniwalaan natin siya. Kaya kailangan niyo siyang bantayan ng maigi kay James. Baka sumpungin yun magilitan ng leeg si El Salvador. Hindi natin siya matutulungan mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang at kapatid niya. El Salvador is the only key."
"As if mapipigilan namin si Boss sa pagpapahirap niya kay El Salvador." wika ni Drake.
"Kami ang matutudas kapag sinalungat namin siya." segunda ni Spyke.
"Basta bantayan niyo!" asik niya saamin. "Pag umalis si James, tumalilis kayo. E-check niyo."
Nagkatinginan kami, nag-usap-usap sa mata saka binalingan siya.
"Ikaw na lang kaya mag-check kay El Salvador. Tutal bff naman kayo ni Boss."
"Magalit man siya, magbabati din naman kayo no'n ulit."
"True, unlike us. Kapag nagalit yun sa'min tapos na ang maliligayang araw naming lahat."
"Lupit ni Boss, kala mo lang. Triple suspension agad with six months salary deduction ang ipapataw no'n na parusa."
"Depende kamo sa sumanib."
Then we all bark a laughter.
*****
RALD JAMES GONZALVO
Gigil na binalibag ko ang tasa sa lapag. Lumikha iyon ng ingay kasabay ng pagkabasag at talsikan ng mga bubog. Hindi ako nakuntento itinaob ko na ang mesa. Pati mga upuan pinagbabalibag ko, pinagtatadyakan sa subrang galit na lumukob sa buong katawan ko.
Kay tagal na panahon ang ginugol ko sa paghahanap ng hustisya sa pagkamatay ng mga magulang ko at kapatid ko. Ngunit ngayon na natagpuan ko na ang salarin bakit parang kay labo pa rin ng katotohanan?
Bakit parang may mali kay El Salvador?
Bakit nakakaya niyang tumitig ng deritso sa aking mga mata habang tumatanggi sa karumal-dumal na krîmen na ginawa niya?
Bakit parang wala akong makitang ano mang konsensya sa kanyang mga mata?
Hindi kaya sanay lang siya pumatay or sadyang wala talaga siyang alam?
Pero sabi ni Darleen siya ang kanang kamay ni Wrath; siya ang pinagkakatiwalaan, siya ang pinakamagaling sa grupo, siya ang inuutusan sa lahat ng mahihirap na misyon. Bukod tanging siya. Siya ang killer!
Pero bakit hindi nagtutugma ang lahat ng sinabi ni Darleen sa nakikita ko maliban sa galing niya sa pakikipaglaban?
LUMABAS ako ng kusina. Hinanap ko si El Salvador pero hindi ko makita. Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ko saka kinalikot at tiningnan ang footage. Maliban sa mga CCTV na ikinabit ng mga tauhan ko, I installed also a hidden camera in and out of this house, pati sa kabila ng resort. Ako lang ang nakakaalam.
Napakunot-noo ako ng makita ko si El Salvador sa tabi ng pool. Nakalusong ang dalawang binti sa tubig. Nagpapalinga-linga siya sa paligid habang nakangiti. Seems like she's enjoying the view around her.
Bakit tuwang-tuwa pa ang hinayupak?
Nagngitngit ang kalooban ko ng maalala ko ang ginawa niya kani-kanina lang. Hindi ko akalain na maiisahan niya na naman ako. Pinagpalit ko na nga ang laman na asukal at asin sa dalawang garapon tapos sa huli ako ang nadali--punyeta siya!
Malalaking hakbang akong lumabas ng bahay. Tahimik ko siyang nilapitan sa pool.
"Enjoying the view?"
Nakangiting nilingon niya ako. "Yeah... ang ganda ng lugar na 'to. Parang nagdadalawang isip na tuloy akong umalis pa dito."
Nag-isang linya ang mga kilay ko sa sinabi niya. Tumayo siya saka hinarap ako. Kaagad ko naman siyang itinulak sa pool. Halos lumuwa ang nanlalaki niyang mga mata sa gulat sabay tili...
"Aaaah!"
I evily smirked. Pinagkrus ko ang dalawang braso sa harapan ng dibdib.
"Feel at home ka masyado. Baka nakakalimutan mong bihag kita dito?"
Hindi siya magkandaugaga sa paghawi sa sumabog niyang buhok sa mukha habang sunod-sunod na umubo, nakainom siya ng tubig sa pool. Nakita ko ang subrang inis sa kanyang mukha pero saglit lang iyon nakiraan. Malakas siyang humagalpak ng tawa sabay hubad ng damit. Buong lakas na ibinato iyon sa akin. Mabilis naman akong umilag.
"Hindi ko maramdaman ang pagiging bihag ko dito, Love." aniya saka lumangoy papunta sa gilid at umahon.
Sinamaan ko siya ng tingin ng hubarin niya mismo sa harapan ko ang cotton short niya, leaving her bikini and brasserie. Nakangising humakbang siya palapit sa akin at walang hiyang pinulupot ang mga braso sa leeg ko, hinaplos iyon papunta sa pisngi ko.
"Masyado ka namang hot. Grabe El Niño ba sa loob ng bahay mo?" hinatak niya ako papunta sa pool. "Halika, samahan mo akong mag-swimming para malamigan ka."
Malakas kong piniksi ang braso ko ng maramdaman ko ulit ang pagdaloy ng kuryente sa buong katawan ko sanhi ng pagdidikit ng aming mga balat.
"Pumasok ka doon sa loob. Linisin mo yung kalat sa kusina."
"Nang naka-two piece lang?"
"So? Ginusto mong maghubad kaya wala akong pakialam."
"You're not affected with my almost naked body?"
"Ba't naman ako maaapektuhan? Kaakit-akit ba yang katawan mo?"
"Ow..." muli niyang inilapit ang katawan sa akin, ipinagduldulan ang malulusog na dibdib niya sa dibdib ko. Humaplos ang kanyang kamay sa balikat ko, paakyat sa aking leeg, huminto mismo sa aking mga labi. "Hindi ba? Iba yung ningning na nakikita ko sayong mga mata habang naglalakbay iyon sa katawan ko."
I tilted my head then evily smirked at her. Malakas siyang napasinghap ng hapitin ko ang kanyang bewang, hinatak palapit sa akin.
"Is this what you really want?" I felt her shiver when I caressed her shoulder. Lumapad lalo ang ngisi ko. Inilapit ko ang mukha sa kanya, pinaraanan ng labi ang kanyang leeg. "You like it when I touch you, baby, hmm? You've been offering your body to me since day one. Tingin mo maaakit mo ako niyan?"
"Sa higpit ng pagkakahapit mo sa akin hindi pa ba?"
Hinawakan ko ang kanyang panga. "I wanted to squeeze you to death." mabangis na anas ko sa kanya. "Gusto kong iparanas sayo ang subrang sakit na ginawa niyo sa mga magulang at kapatid ko."
"Go on. Kung tingin mo ako nga pumatay sa mga magulang at kapatid mo then kîll me. Gawin mo na sa akin ngayon. Tatanggapin ko lahat. Hindi ako lalaban sayo."
Natigilan ako, mapaklang tumawa, hanggang sa nauwi iyon sa malakas na halakhak. Hinigpitan ko lalo ang pagkakahawak sa kanyang panga. She winched in pain. Great.
"Tingin mo gago ako? Hindi lang ikaw ang kailangan ko kundi ang buong grupo mo. Now tell me, saan ang main den ni Wrath?"
"Fiancee mo si Darleen diba? Ba't 'di sya ang tanungin mo?"
"Si Joaquin Steves, magkasangga silang dalawa ni Wrath diba?"
"Wala akong--"
"Aminin mo!" dumadagundong na sigaw ko sa mukha niya. "Umamin ka na hanggat kaya ko pang kontrolin ang galit ko!"
"Wala akong gaanong maalala sa nakaraan ko!" binaklas niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang panga, pati ang brasong nakapulupot sa bewang niya pero 'di ko siya pinakawalan. "Bitawan mo ako."
"Why? You've been aching for me to touch you, right? Why a sudden change of mind?"
Malakas niya akong tinulak sa dibdib. Hinapit ko naman siya lalo. Muli kong inilapit ang mukha sa kanya pero pinagsasapak niya ako. Sinabunutan ko siya. Napaigik siya sa sakit.
Nginisian ko siya. "Kung wala kang gaanong maalala sa nakaraan mo meaning may amnesia ka? Naaksidente ka ba?"
"Hindi ko alam!"
"Pero kilala mo sina Wrath at Steves diba?"
"Kung sasabihin ko sayo ang lahat ng nalalaman ko tungkol sa kanila palalayain mo na ba ako?"
"Depende sa mga sasabihin mo sa'kin na info."
"Will tell you everything."
"Then, simulan mo na."
"Ayoko dito. Gusto ko nasa syudad tayo."
I chuckled. "You think I'm stupid?"
"Tingin mo stupid din ako para sabihin sayo ang lahat ng walang kasiguraduhan na palalayain mo nga ako?"
"May isa akong salita El Salvador."
"Oh no, tingin ko sayo hindi ka yung tipo ng tao na maniniwala na lang ng basta-basta sa mga sabi-sabi ng walang solidong ebidensya."
"Natumbok mo."
"So nagsasayang lang pala tayo ng laway at oras dito. Bitawan mo na ako."
"Nagmamadali ka naman yata? Hindi mo pa nga nakukuha yung gusto mo sa akin diba?"
"Anong gusto sayo?"
"Here,"
At walang babalang kinabig ang kanyang batok at siniil ng marahas na halik sa labi. Mapagparusa ang halik na iyon. Gusto ko siyang turuan ng leksiyon. Gusto kong ipadama sa kanya sa pamamagitan ng halik kung gaano ako nasusuklam sa kanya sa tuwing nakikita ko siya.
Ngunit kabaliktaran ang nangyari. Hindi ko napigilan ang sarili kong palalimin ang halik ng buong alab niya akong tinugon. Pumulupot ang kanyang mga braso sa leeg ko. Wala sa sariling naglakbay naman ang aking mga kamay sa katawan niya. I lost control when I heard her soft moan. I scoop her up and deepen the kiss, trailed down my lips to her throat, down to her neck.
"Rald..." she whispered.
Tila binuhusan naman ako ng yelo sabay bitaw sa kanya. Pareho kaming hinihingal. Maang at awang ang nangingintab na mga labing napatitig naman siya sa akin.
"What? You want more?" nang-uuyam ko siyang nginisian. "Sorry pero yun lang ang kaya kong ibigay sayo. Sa susunod na aakitin mo ako galingan mo ha. But, a cheap like you, I don't think you'll ever turn me on."
She playfully grinned. "Ang yabang mo e hindi ka naman masarap humalik." niyuko niya ang akin. "Tsaka yung naramdaman kong tumusok sa akin parang sing laki lang ng kamias, juts."
Sumulak ang dugo ko sa sinabi niya. Kaagad ko siyang binuhat at malakas na ibinalibag sa pool. Malakas siyang tumili pero pag-ahon sa tubig halos mamatay kakatawa sa akin na para bang may nakakatawa sa ginawa ko--damn... I hate her!
Malalaking hakbang na iniwanan ko siya na patuloy akong pinagkakantiyawan. Dumeritso ako sa underground gateway papunta sa kabilang resort. Pabalya kong binuksan ang pinto sa control room. Napatutok sa akin ang gulat na mga mata ng mga tao sa loob niyon.
"Where's Cyrus?"
"Nasa Hotel--"
"I'm here," sabad ng boses ni Cyrus. Marahas ko siyang nilingon sa likuran ko. "What's the fuss?"
"Ready the chopper." aniko saka nilampasan siya. Sumunod naman siya sa akin. "May pupuntahan tayo."
"Where to?"
"We're going to Italia."
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023