RASHMIN EL SALVADOR
Para akong nabingi sa sinabi nito. Napaawang ang labi sa gulat. Hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. Nakatitig din ito sa akin sa rearview mirror na tila bang inaanalisa ang reaksyon ko.
Yung puso ko unti-unting niyayamukos sa sakit. Sa subrang sakit halos hindi ako makahinga. Bumuga ako ng hangin kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng luha sa aking mga mata. Mabilis ko iyon pinalis.
Napaayos pa ako ng upo ng mahagip ng paningin ko sa labas ng bintana sina Darleen at Monaliza. Inaayos yung silencer sa dulo ng baril no'ng huli saka sinuksok sa loob ng bulsa ng suot na black jacket. Ibinaba din nito sa mata ang itim na salamin na nakalagay sa ibabaw ng kanyang ulo.
“Pwede ka ng umalis kung gusto mo. Hindi kita pipigilan.” boses ni Cyrus pero hindi ko ito pinansin.
Nanatili akong nakatanaw sa labas. Hindi ko nilubayan ng tingin ang dalawa na tila nag-uusap, may tinuturo pang daan. Daan papunta sa loob ng Mall, papunta sa likod at kinapaparadahan ng motorbike nila.
“Here's your passport--”
“Pwede ba?!” angil ko sa kanya. “'Wag mo akong demônyohin dahil hindi lang passport ang kailangan ko!”
“Nandito na rin yung visa at ticket--”
“YOU--shut up!”
“Ayaw mo pa rin?”
“'Wag mo akong susubukan Cyrus. Hindi ka mananalo sa'kin.”
“I'm not tempting you. I'm helping you, Miss El Salvador.”
Nagulat ito ng mabilis kong hinablot ang passport ko sa kamay nito sabay labas ng kotse.
“Fück--Gandaraaa!!”
Pabagsak kong isinara ang pinto ng kotse. Nagpalinga-linga sa paligid. Hinanap ang dalawa. Malutong akong napamura ng matanaw kong tinatahak ni Darleen ang daan papasok ng Mall. Sinundan ko si Monaliza na paliko na, papunta naman sa likod.
Mabilis akong tumakbo. Sa subrang bilis halos pangapusan ako ng hininga. Narinig ko pang tinawag ako ni Cyrus pero... bahala siya sa buhay niyang t'ngna niya!
Monaliza's nowhere to be found when I get there. Sinalakay din ako ng kakaibang kaba sa dinatnan ko. Walang mga malay ang mga guwardiya. Pati yung ibang staff tulog habang nakayukyok sa mesa.
Sunod-sunod kong pinindot ng madiin ang button ng elevator. Nang bumukas iyon dali-dali akong pumasok. Halos manginig pa ang daliri sa kamay ko sa pagmamadaling pindutin pasara ang button niyon. Hindi rin ako mapakali kakaparoo't parito sa loob habang umaandar iyon pataas at hinihintay muling bumukas.
When the elevators door finally swung open, dali-dali akong lumabas pero kaagad din akong napaatras sabay sangga sa paang lumipad papunta sa mukha ko. Namilog ang aking mga mata ng makilala ko ang mukha ni...
“Irine--!” bulalas ko.
Hanggang sa namalayan ko na lang na sunod-sunod ako nitong pinaulanan ng sipa. Lahat ko iyon nasangga at nailagan pero na-corner ako nito sa loob ng elevator, mahigpit na nahawakan ng kamay ang leeg ko.
Hinatak ako nito palabas, pabalyang isinandal sa dingding.
“So, buhay ka pa palang hayuf ka.” she evily smirked at me. “Pinagtatakpan ka pa ni Gonzalvo. Pinaniwala kaming tigok ka na. Magkasabwat na ba kayong dalawa?”
“NO--accch--”
Pinangapusan ako ng hininga, napanganga ng idiin lalo nito ang kamay sa aking lalamunan.
“Hawak niya na ba sina RS at Mhariss?” pinagsusuntok ko ang kanyang braso pero lalo lamang humigpit ang pagkakasakal nito sa akin. Nilapit pa ang nakakasuka nitong mukha. “Ikaw pala yung babaeng sinasabi ni Cherry na ka-live in ni Gonzalvo. Saang Resort kayo tumutuloy ha?”
Kinalmot ko ang kanyang mukha. Pinisil naman nito ang aking lalamunan. Umalpas ang luha sa aking mata sa subrang sakit.
“Will tell Darleen that you're still alive. Hindi na rin kailangan pang paikutin si Gonzalvo. Dapat do'n tudasin na agad. Tutal papunta na din naman do'n yung dalawa--bang... magkita na lang kayo ng lóver boy mo sa impyérno, amnesia girl.”
Bago pa nito mapindot ang side button ng kanyang relo, mabilis kong nahugot yung Passport sa bulsa ko sabay bigwas no'n sa kanyang mata.
“Aw--fück--!”
Hindi ako nag-aksaya ng segundo ng lumuwag ang pagkakasakal nito sa akin. Binaklas ko ang kanyang kamay, binali iyon. Napahiyaw ito sa sakit. Malakas ko itong tinuhod sa sikmura sabay tuhod sa kanyang mukha. Nakangiwing bumagsak ito sa lapag. Pinagtatadyakan ko ang buong katawan nito kagaya ng ginawa nila ni Katniss sa akin noon. Hinigitan ko pa, pati mukha tinadyakan ko ng todo. Pagkatapos tumayo ako sa magkabilaan ng leeg nito at buong lakas iyon binali.
Then, I took her phone, wristwatch, ring, and earrings. Sinuksok ko lahat sa bulsa ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid. The CCTV seems like not working. Tiyak napasok nila yung--shît si Rald!
Mabilis akong kumaripas ng takbo. Binaybay ang makitid na pasikot-sikot na pasilyo. May nadaanan pa akong mga guwardiya at staff na nakaupo sa gilid, magkayakap na nakasandal sa pader, walang malay.
Paglabas ko sa pinto sa pinakadulo niyon muli akong nagpalinga-linga sa paligid. Subrang daming tao.
Lakad takbo ang ginawa ko. Nagtanong-tanong sa mga nakakasalubong ko.
“Kuya, saan po ba banda yung supermarket?”
“Sa ground floor, Sexy. Pagbaba mo ng escalator turn right. Deritso ka lang makikita mo din yun doon.”
Kaagad akong tumakbo matapos magpasalamat. Pati umaandar na escalator halos lundagin ko na sa subrang pagmamadali. Wala akong pakialam kung naka-heels ako at pinatitinginan ng mga tao. Kailangan kong maabutan si Rald! Abot-abot ang pinaghalong kaba at takot maisip ko pa lang yung silencer gun na hawak kanina ni Monaliza.
Pagdating ko doon na-stress ako sa aking nakita. Busy masyado yung supermarket. Ang daming namimili. Ang haba pa ng pila sa bawat cashier. Hindi ko maaninag kung nasaan si Rald. Pumasok ako sa loob. Nakipagsiksikan sa mga tao pero kaagad din ako napaatras sabay labas ng makita ko si Darleen. Humalo ako sa mga tao habang nagpapalinga-linga sa paligid, hinanap si Monaliza.
There, I spotted her buying a milk tea drink. Busy din sa pagkalikot sa cellphone habang palinga-linga sa paligid. Makailang ulit pang nilagay ang aparato sa tainga na tila ba may tinatawagan.
Naghanap akong pwestong pagtataguan at patuloy itong minamatyagan.
Maya-maya nagbayad na ito. Tumanaw pa sa loob ng supermarket habang sumisipsip sa inumin. Sinundan ko ng tingin ang sinisenyasan nito. Tila kabayong natutulog na biglang kumaripas ng takbo ang puso ko ng makita ko ang nakangiting mukha ni Rald kasabay ng pagkirot niyon ng dumako ang paningin ko sa babaeng tila sawang nakapulupot sa braso niya. None other than... Darleen, the traitor. Nakapila na sila sa cashier. Puno ng pinamili yung food cart na tulak-tulak ni Rald.
Paulit-ulit rin umalingaw-ngaw sa aking utak yung sinabi ni Cyrus...
He's married with Darleen.
He's married with Darleen.
Kailan pa?
No'ng araw na 'di siya nagpakita sa'kin nagpakasal ba sila?
Nasa honeymoon sila kaya ilang linggo siya 'di umuwi?
Pero bakit pagdating niya sugatan siya tapos no'ng inangkin niya ako sa kusina... pati do'n sa sala, sa banyo, magdamag nagniig sa kama... bakit parang. . .
Ano yun? Palabas lang ba yun lahat? Parte ng plano niyang paibigin ako?
Is this his way to take revenge on me?
Lalong nadurog ang puso ko.
Yung plano ko nag-backfire sa akin. Ako yung nahulog.
Mabilis kong pinalis ang tumulong luha sa aking mga mata sabay iwas ng tingin. Nataranta pa ako at nagsumiksik sa pinagtataguan ko ng makita kong naglalakad na papunta dito sa gawi ko si Monaliza.
Nanuyo ang lalamunan ko. Na triple yata yung takot ko. Sinalakay ako ng nerbiyos ng matanaw kong dumako ang kamay nito sa bulsa ng jacket kung saan sinuksok yung silencer gun. Bahagya lang iyon umangat. Nakatutok kay...
“Raaaald!” malakas sigaw ko.
Napalinga siya sa paligid. Napatingin din ako sa sexy'ng babae na tumawag sa pangalan niya.
“NO--James!!” sigaw din ni Darleen sabay tulak sa kanya.
Sinalo nito ang bala. Tinamaan sa tagiliran. Duguan itong nasalo naman ni James. Nagsigawan ang mga tao; nagkagulo, nagtakbuhan.
Akma kong sasalubungin si Monaliza ng may humatak sa'kin kasabay ng pagtakip ng malaking kamay sa bibig ko. Nagpumiglas ako pero 'di ako nito pinakawalan.
I saw Monaliza run past us. Nagulat pa ako sabay takbo ng hatakin ako ng malaking lalaking nantakip ng bibig ko palabas. Pag-angat ko ng tingin...
“Cyrus..? What are you doing--puntahan mo si Rald!”
Hindi ako nito pinansin. Nakatutok lang ang kanyang mga mata sa unahan. Kung saan-saan pa sumusuot na para bang may sinusundan...
Natigilan ako sabay baling sa unahan pero kaagad din akong napaangat ng tingin sa kanya ng bahagya ako nitong itulak.
“Follow her, doon ako sa kabila. Aabangan ko kayo.” binitawan ako nito saka patakbong umalis nakipagsiksikan sa agos ng mga tao.
Mabilis din akong kumilos. Hinabol ko si Monalisa. Palinga-linga ito sa paligid habang paulit-ulit na nilalagay ang phone sa tainga.
I took the phone out of my pocket. May password kaya hindi ko mabuksan ang phone ni Irine, but I can see the hundred missed calls and couples of messages popped up on the screen.
ONA calling...
Nakangising tinanaw ko si Monaliza then press the answer button right away, put it into loud speaker saka naglakad palapit sa kanya.
“Where the hell have you been?!” bungad nito. “Why you're not answering my damn calls?”
“Hi ONA...”
She paused. Salubong pa ang mga kilay na tiningnan ang phone. “Irine..?”
“MONALIZA...”
“Who's this?”
“Your beastie,”
Bigla itong namutla. “R-Rashmin...”
“Glad you recognized me, traditrice.”
“B-Buhay ka pa?” nagpalinga-linga ito sa paligid. “How come? We saw your name written on the tombstone on the grave!”
“Looking for me, stupid bîtch? Turn around. I'm right behind you.” marahas ako nitong nilingon. Halos lumuwa ang namimilog nitong mga mata. Umawang ang labi sa gulat. Hindi makapaniwalang tinitigan ako. I evily smirked then wave my fingers on her. “Hi. Para kang nakakita ng multo ah. Kalma ka lang, drawing lang 'to...” then laughed.
Minura ako nito sabay karipas ng takbo. Hindi na ako nag-aksaya pang habulin ito nang matanaw ko si Cyrus na humarang sa daraanan nito. Hinablot sa braso sabay pilipit niyon. Humiyaw ito sa sakit, nakangiwing basta na lang kinaladkad ni Cyrus papunta sa kinaroroonn ng van.
Nilingon ko ang nagsidatingan na police mobile at ambulansya. Natanaw ko pang buhat-buhat ni Rald ang duguang si Darleen. Sinalubong ng medic at inihiga sa stretcher. Worries and fears written on his face. Dali-daling dinukot ang phone sa bulsa, kinalikot iyon saka nilagay sa tapat ng tainga. Frustrated na napasabunot pa ng kamay sa buhok habang nagpapalinga-linga sa paligid.
Then suddenly our eyes met. Lumiwanag ang kanyang mukha pagkakita sa'kin. Binalingan yung sexy'ng babaeng tumawag din sa kanya kanina at iyon ang pinapasok sa loob ng ambulansya. Naghurumintado yung babae pero wala na itong nagawa pa ng basta na lang isara ni Rald ang pinto niyon sabay takbo palapit sa'kin.
Naestatwa ako sa aking kinatatayuan ng bigla niya akong niyapos ng mahigpit pagkahinto sa harapan ko.
“Gosh--I was so worried.” sinapo niya ang mukha ko. “Alam kong ikaw yung tumawag sa pangalan ko e. Boses mo yun e. Ba't ka sumunod sa'kin? Diba sinabi kong--”
“I'm fine.” sabad ko sa kanya. “Kumusta yung lagay ni Darleen?”
Hindi niya ako sinagot. Inakbayan niya ako sabay hatak papunta sa van. Kinatok niya ang bintana sa driver seat. Bumukas iyon. Sumungaw ang seryosong mukha ni Cyrus.
“Bakit hinayaan mo siyang lumabas?”
Pasimple ako nitong tiningnan ng masama bago nag-angat ng tingin kay Rald. “May sinundan siyang babae, kasamahan siguro no'ng nagtangkang bumaril sayo.”
“Sino?”
“Will tell you later. Sundan mo na yun bago pa maghinala sayo.”
He cursed. “Take her home safely,”
Tumango si Cyrus. Muli akong hinatak ni Rald papunta sa kabila ng kotse. Binuksan niya ang pinto sa unahan niyon. Muli niya akong niyakap. Sinapo ng dalawang kamay ang mukha ko sabay sakop ng aking mga labi.
“Aalis lang ako saglit. Uuwi din ako kaagad. Hintayin mo 'ko ha. 'Wag ka nang magtangkang umalis pa, please?”
Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Muli niya namang sinakop ang labi ko, again and again. I wonder why he's acting weird. Lalo akong natigilan ng gagapin niya ang kamay ko at inilagay doon ang phone niya.
“Will call you kung sakaling ma-late na ako ng uwi, ok?” hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang thumb niya ng hindi pa rin ako magsalita. “Rash... are you with me?”
I blinked my eyes many times then look away. Pero kaagad niya rin hinuli ang aking mga mata.
“Ba't natutulala ka? You ok, honey bunch?”
Sunod-sunod akong tumango sabay tanggal ng mga kamay niya sa mukha ko. Binalik ko rin sa kanya ang phone.
“Sige na. Sundan mo na siya--”
He sighed. “Take that. Will call you, ok?”
Pinapasok niya ako sa loob. He captured my lips again, closed the door, then left. Naiwan akong gulong-gulo sa aking kinauupuan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung isipin. Kung ano ang dapat na maramdaman.
Napabaling ako kay Cyrus ng malutong itong magmura habang pumapalatak saka pinaandar ang sasakyan paalis sa lugar.
“Akala ko kanina tatakas ka talaga e.”
Nakaingos ko itong inirapan. “Sabi ko nga ogag ka.”
He barked a laughter. “I'm just testing you kung mahal mo ba talaga si Boss.” sumeryoso ang mukha nito. “Yung audio device nakalagay sa edge sa ilalim ng salamin sa sala kaya dinig namin yung plano mong pagpapaibig kay Boss.” sinulyapan ako nito saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Mabait naman yun e. Pinasama lang ng nangyari sa pamilya niya. Kahit naman sino diba?”
“Wala akong pakialam kung mabait siya o hindi. Tsaka hindi mo ako kailangan testingin--”
“Niluluko lang ni Darleen si Boss,” madiin na sabad nito. “Kaya kung lulukuhin mo lang din siya--”
“Pwede ba?” inis na sabad ko. “Babae ako. Kung sakali ako ang mawawalan hindi ang boss mo.”
“Mahal ka niya.”
Umawang ang labi ko sa sinabi nito saka mapaklang tumawa. “Naririnig mo ba yang sinasabi mo?”
“Ngayon ko lang nakita ulit si Boss mag-aalala ng todo sa isang babae. Take note, sayo pa na pinaghihinalaan niyang pümatay sa kapatid niya.”
“What are you implying to say?”
“That you are special to him.”
“Special,” sabay tawa. “Kaya pala kay Darleen siya nagpakasal--oh by the way, kailan sila ikinasal? Kailan ko lang nalaman na engaged sila tapos ngayon kasal agad?”
“Matagal na silang nagpaplanong magpakasal. Hindi lang matuloy-tuloy. Anyways, last week lang pala sila ikinasal.”
Hindi ko napigilan ang pagdaloy ng masaganang luha sa aking mga mata habang mapaklang tumatawa. “Last week lang? Ano yun? Kay Darleen siya nagpakasal tapos sa akin siya nag-honeymoon?”
Biglang naapakan ni Cyrus ang preno. Sunod-sunod pang napaubo. Matagal akong tinitigan ng nanlalaking mga mata. Nahimasmasan lang sabay paandar muli ng sasakyan ng businahan kami ng mga nasa likuran. Mabilis iyon pinasibad. Sing bilis ng pagtusok ng malalaking karayom sa aking puso. Palalim ng palalim. Pasakit ng pasakit.
Kuntodo ako sa pagpigil ng emosyon pero umalpas pa rin. Hindi ko na kinaya pa. Napahagulhol ako ng malakas.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023