RASHMIN EL SALVADOR
“Good morning, Love.”
Naalimpungatan akong may matunog na humahalik saan mang parte ng aking mukha. Nanoot sa ilong ko ang humahalimuyak na aftershave at pabango ni Rald. Amoy bagong ligo lang. His fresh breath fan on my face.
“Hmmm,”
Kumilos ako, hinatak ang comforter saka pumihit patalikod sa kanya pero hinatak niya rin ako paharap sa kanya. Iminulat ko ang aking mga mata. Nakangiting mukha naman ni Rald ang sumalubong sa akin. Mamasa-masa pa ang nangingintab na buhok.
Matunog niya akong hinalikan sa labi. “Bangon na. Nakahanda na ang breakfast.”
I closed my eyes again, saka muli hinatak ang kumot at tinalikuran siya.
“Antok na antok pa ako, Rald.” I drowsily mumbled. “Anong oras mo na ako pinatulog tapos ngayon nanggigising ka.”
Niyakap niya ako mula sa likuran. Hinawi ang buhok na tumabing sa aking pisngi saka matunog na hinalikan doon. He even rested his chin at the crook of my neck.
“Aalis ako, ayaw mo bang sumama?”
“Saan ka naman pupunta?”
“Sa memorial park. Will visit my family and maggo-grocery na din.”
“Saan yun?”
“In Manila--”
Napabalikwas ako ng bangon. Bigla akong tinakasan ng antok. Gulat at salubong naman ang mga kilay niya akong tiningnan.
“Luluwas tayo ng syudad?!” excited ko pang tanong sa kanya.
Pinagtaasan niya ako ng kilay. “Akala ko ba inaantok ka pa? Excited ka naman yata masyado?”
“Ah... hindi. Gising na pala ako,”
Nagmamadali akong bumaba ng kama pero kaagad din akong natigilan ng makita kong wala akong anumang saplöt. Pagtingin ko kay Rald naglalakbay na sa kabuuan ko ang naga-twinkle niyang mga mata. Huminto iyon sa gitna ng aking mga hita. He even playfully smirked while staring at it intently, then pouted his reddish lips.
“Nice view...”
Tila sinabuyan naman ako ng baga sa subrang hiya na lumukob sa akin. Hinatak ko ang kumot para ipantakip ko sana pero hinatak niya rin iyon.
“Rald--ano ba!”
Nakangising itinukod niya ang siko sa kama saka ipinatong ang ulo sa ibabaw ng kamay niya. Mabilis ko namang hinablot ang malaking unan at iyon ang ipinantakip sa hubád na katawan. Nakangisi pa ring nag-angat siya ng tingin sa akin.
“Kung binabalak mong tumakas 'wag mo ng ituloy.”
“Sino namang may sabi sayong tatakas ako?”
“Kakasabi ko lang diba?”
“Nagha-hallucinate ka lang--”
“Nababasa ko ang tinatakbo ng utak mo, my wife.”
Tumalon yung puso ko sa tinawag niya sa akin pero kaagad ko rin kinastigo ang sarili. Tinawanan ko siya.
“Grabe... dati pakawala ka lang sa mental tapos ngayon psychiatrist ka na? Laking improvement no'n ah.”
“Don't me.”
“Anong don't me? Parang yung... Don't cha wish your girlfriend was hot like me?” kanta ko sa kanya with action. “Don't cha wish your wife pala was a freak like me? Don't cha baby? Don't cha?”
Kinusot-kusot niya ang mga mata habang tumatawa. “May sayad ka ba talaga?”
“Gusto mong patungan kita diyan para 'di ako sumayad?”
He laughed again. “'Wag mo akong daanin sa mga banat mo, Rash. I'm telling you, you'll never get away from me.”
“E bakit sino ba naman kasi nagsabi sayong gusto kong umalis sa tabi mo?”
“Alam kong gusto mo silang balikan.”
“Bukod tanging ikaw lang ang aking babalik-balikan, my beloved.”
“Tss..,” tinuro niya ang banyo. “Maligo ka na nga doon.”
“Paliguan mo 'ko?”
“Sasama ka ba talaga o hindi?”
“Sasama.”
Naupo siya sa kama. “Bilisan mo na bago pa magbago ang utak ko.”
Binato ko siya ng hawak kong unan saka patakbong tinungo ang banyo. Mabilis din akong naligo at nag-toothbrush. Hindi yata umabot ng ten minutes kaagad din akong lumabas. Nagulat pa siya pagkakita sa'kin. Napahinto sa kausap sa cellphone. Matamis ko siyang nginitian sabay takbo papunta sa walk-in closet. I took the black fitted crop top and brown high-waisted miniskirt and wear it, matching with my black leather pumps.
Paglabas ko nagtama ang mata namin ni Rald na tila ba hinihintay niya talaga akong lumabas doon. Umiwas ako ng tingin pero ramdam ko ang init ng titig niyang nakasunod sa akin hanggang sa huminto ako sa tapat ng oval shaped built-in mirror. Mabilisan ding sinuklay ang buhok. Nag-spray akong kunting pabango. I put some nude lipstick, too.
Kahit nakita ko siyang humakbang palapit sa'kin napapitlag pa rin ako ng pumulupot ang kanyang mga braso sa bewang ko. He sniffed my skin at my nape down to the crook of my neck.
“Smells good as always, baby...” tinitigan niya ako sa salamin. “...and looks so lovely.”
“Ha?”
“You look ravishing.”
“What?”
“You're gorgeous.”
“Ehh?”
He kissed me in my cheeks. “You look so beautiful and so sexy in my eyes.”
“Oh?”
Tiningnan niya ako ng masama. “Wala ka bang ibang sasabihin kundi ahh-ehh ahh-ehh oh-oh? I'm giving you a compliment, and yet you just--”
Malakas akong napahagalpak ng tawa na ikinalukot ng mukha niya.
Binitawan niya ako. “Bahala ka nga sa buhay mo.” sabay layas.
Nakatawang hinabol ko naman siya sabay pulupot ng mga braso sa kanyang braso. Piniksi niya iyon pero lalo kong hinigpitan ang pagkapit. Idinikit ko pa ang mukha doon.
“You changed your mind, do you?”
“Changed my mind what?”
“Na you eventually love me na.”
“Love doesn't exist. It was just an illusion.”
“Uh...” tumango-tango ako. “Parang kagaya no'ng papuri mo sa'kin. Labas sa ilong.”
He sighed. “Whatever. Gusto mong kumain--”
“Sa labas na lang tayo kumain tapos libre mo ha. Yung niluto mo iinitin ko na lang mamayang hapunan.”
Dumeritso kami sa rooftop. Naabutan namin doon si Cyrus. Nakatayo sa tabi ng chopper.
Basta niya na lang din akong binuhat at ipinasok sa loob niyon.
ILANG SAGLIT pa'y nasa himpapawid na kami.
Ang layo ni Rald sa akin. Halos nakasiksik na siya sa pintuan. Nakakrus ang mga braso sa harapan ng dibdib. Nakapikit ang mga mata.
Umusod ako palapit sa kanya. Nilusot ko ang kamay sa nakatiklop niyang braso, ikinawit doon saka sumandal sa kanyang balikat. Ipinikit ang aking mga mata pero kaagad din akong napadilat ng maramdaman kong madiin akong pinatakan ng halik ni Rald sa tuktok ng aking ulo. Tiningala ko siya. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Tinitigan ko siya ng matagal hanggang sa dumilat siya.
“What?”
“Alam ba ni Darleen na... magkasama tayo?”
“Bakit?”
“Wala lang. Curious lang ako.”
“Ang alam niya pàtay ka na.”
“A-Ano?”
“Hinanap ka niya sa'kin. She was furious about you. Nagtataka ako sa mga ikinikilos niya, and there is a strong force bracing me to not spill the truth, so I lied instead.”
“Tingin mo naniwala kaya siya sayo?”
“NO. I know her. Hindi yun maniniwala ng walang pruweba. Kaya gumawa ako ng paraan para mapaniwala sila.”
“Anong paraan?”
“You'll find out later.”
“Siya ba yung kasama mo sa nakalipas na ilang linggo?”
“Why are you asking?”
“Masama bang magtanong?”
“Nagseselos ka?”
“Kapag nagtanong selos na agad?”
“Hindi ka magtatanong kung hindi ka nagseselos.”
“Curious lang ako--”
“Curious ka kung may ginawa kaming milagro?”
“Pakialam ko naman kung maglampungan kayong dalawa.”
“Hindi ka halatang selosa. I loved it.”
Inirapan ko siya sabay layo sa kanya pero kaagad niya rin akong kinabig palapit sa kanya. Ikinulong sa kanyang mga bisig.
“Sinabi ko naman sayo... ikaw lang sapat na. Sayo ako umuuwi kaya ako'y sayo at ikaw akin lamang. Only mine. Walang kahati. Ako lang.”
“Pa'no kung... totoo nga yung binibintang nila sa'kin na gumawa no'n sa kapatid mo? Matatanggap mo pa ba ako, Rald?”
Marahas siyang nagpakawala ng malalalim na bungtong-hininga. Hindi nakaimik. Bumitaw siya sa akin. Tumingin sa labas ng bintana. Kita ko ang pag-igting ng kanyang panga.
Parang may mabigat na bakal din na dumagan sa dibdib ko. Unti-unti iyon dinudurog. Inabot ko ang mukha ni Rald. Ibinaling ko paharap sa akin. Pinaghalong pait, galit sakit at lungkot ang naaninag ko sa kanyang mga mata.
“P-Pa'no kung--”
“Lets not talk about, ok?” sabad niya. “I don't want to talk about it. Hanggat wala akong nahahawakan na solidong ebidensya na magpapatunay na ikaw nga ang may gawa no'n wala akong paniniwalaan sa kanila. Ikaw lang ang paniniwalaan ko, Rash.”
Sunod-sunod pumatak ang luha sa aking mga mata sa sinabi niya. Mabilis ko iyon pinalis.
“S-Salamat. Maraming salamat.”
He shook his head, then cursed.
Tuluyan akong napahikbi ng hatakin niya ako. Napasubsob ako sa kanyang dibdib. Ikinulong muli sa loob ng kanyang mga bisig, niyakap ng mahigpit. Ipinulupot ko naman ang aking mga braso sa kanyang bewang. Paulit-ulit niya akong pinatakan ng halik sa aking ulo.
Nanatili kami sa ganung posisyon hanggang sa lumapag ang chopper.
Nagpalinga-linga ako sa paligid habang inaalalayan niya ako pababa.
“Did you own this airfield?”
“Not just me. We were six Bud Brothers.”
“Alam din ba ni Darleen ang lugar na 'to?”
“Yes.”
“Pati yung RJ Surf Camp Resort?”
“Yes but not the place where I brought you. That's exclusively mine. Walang makakapasok doon ng walang pahintulot ko. Tanging ang mga kaibigan ko at pamilya lang nila ang may access doon.”
“Si... Cherry--”
“She's dèad.” agap niya. Umawang ang labi ko sa gulat. “No'ng araw na umalis ako nakatanggap ako ng balitang nilooban ang unit niya. Wala na siyang buhay ng dumating ako doon. Sabi no'ng witness na nakakita limang babae daw ang nanloob. Wala namang nawala kahit isang gamit ni Cherry so malamang iba ang motibo nila.”
“You think... my kinalaman sayo yung nangyari sa kanya?”
“Maybe. I'm not sure. Sinira nila yung mga CCTV kaya walang mahanap na lead ang mga pulis kung sino talaga ang mga yun.”
Sakay ng itim na van, bumili muna si Rald ng bulaklak saka dumeritso sa memorial park kung saan nakahimlay ang kanyang pamilya. Palinga-linga ako sa paligid habang sumasabay sa lakad niya ng matigilan ako sa aking natanaw. Sina Darleen at Monaliza!
Napaatras ako. Napahinto naman sa paghakbang si Rald at niyuko ako.
“What's wrong--”
Tinuro ko ang dalawa. Sinundan niya naman iyon ng tingin sabay kaladkad sa akin pabalik ng van. Halos itulak niya ako papasok sa loob niyon.
“I didn't know she's here. Sabi niya bukas pa siya uuwi dito.”
“Well she's expert in lying! Kilala mo ba yung kasama niya?”
“Yeah. Si Ona, best friend yun ni Darleen way back college--”
“FYI, spy siya ni Wrath!”
“What?”
“Ona--Monaliza,” I scoffed. “That bîtch--”
“You know her?”
“Ofcourse! I don't want to say anything against her. Isama mo na lang siya sa imbestigasyon mo ng malaman mo ang totoo..”
Tinanaw namin sa labas ng bintana ang dalawa. Nagpapalinga-linga ang mga ito sa paligid. Tinungo ang kinapaparadahan ng dalawang malaking motorbike saka pinaharurot paalis.
Ilang minuto kaming nanatili muna sa loob bago muling lumabas. Hindi ako magkandaugaga sa pagsunod sa malalaking hakbang ni Rald.
Hanggang sa napamulagat ako sa nakitang pangalan na nakasulat sa lapida ng hinintuang nitso ni Rald. May itim na kandilang nakatirik doon. Meron ding palumpon ng bulaklak pero bulok na. Awang ang mga labi, nagtatanong ang mga matang nag-angat ako ng tingin sa kanya.
“B-Bakit pangalan ko ang nakasulat diyan?”
“'Yan yung sinasabi ko sayo para mapaniwala sila.”
“Sinong nilibing mo diyan?”
“Malamang wala. Gusto mong ikaw--”
“Rald..!” inis na sabad ko.
Tinawanan niya lang ako saka hinatak paalis. Dinala sa kînalilibingan ng pamilya niya.
He cursed almost inaudible. Halos hindi ko marinig sa subrang hina pero alam kong nagmura siya habang nakatanaw sa puntod ng mga magulang at kapatid niya. Walang anumang kandilang nakatirik doon o bulaklak. Which means yung pekeng puntod ko lang talaga yung sinadya ni Darleen.
Binalingan ni Rald si Cyrus. “Ilagay mo na 'yan doon. Pakisindihan na lang ng kandila. Sumunod ka kaagad dito. We need to leave. Hurry!”
Kaagad tumalima si Cyrus. Mahigpit namang hinawakan ni Rald ang kamay ko saka malalaking hakbang na hinatak pabalik sa van. Pinapasok niya ako sa loob pero nanatili siya sa labas. Dinukot ang cellphone sa bulsa, mabilis ang mga daliring kinalikot iyon saka tinapat sa kanyang tainga.
“Curtis...” narinig ko pang wika niya bago isinarado ang pinto.
Saglit lang siyang nanatili sa labas. Kaagad din pumasok kasabay ni Cyrus at nilisan ang lugar. Inabot ako ni Rald at muling ikinulong sa kanyang mga bisig.
“You ok?”
Tumango ako. “Yeah.”
He kissed me on top of my head. “'Wag ka ng bumaba ng sasakyan pagdating sa Mall. Ako na lang maggo-grocery. Mabilis lang ako.” tumango lang ako. “Mag-take out na lang din ako ng food. Anong gusto mong kainin?”
“Yung niluto mo na lang--”
“Itlog lang yun, sausage, ham and cheese bread--”
“Kung anong sayo ganun na lang din sa'kin.” sabad ko. Muli niya na naman akong hinalikan sa tuktok ng aking ulo. Kunot-noong tiningala ko siya. “Ba't panay ka ba halik ng halik diyan sa ulo ko?”
“To make you calm--”
“I'm not threatened with Darleen and Monaliza's presence para kabahan ako.”
“I know. I know how brave you are, honey bunch. I hugged and kissed you for you to know that I'm here beside you... for you to know that I'm worried about you too. Hindi pa kita lubusang kilala but deep in my heart I want you to know that I care about you.” mariin niya akong hinalikan sa aking noo. “I care about you, Rash.” ulit niya sabay yakap sa'kin ng mahigpit. “You're my baby. And will always protect my baby Rashmin.”
“Totoo ba 'yan?”
“Yun ang nararamdaman ko ngayon. You need protection so I obliged myself as your protector.”
“Thank you so much, Rald.”
“It won't settle just a simple thank you, baby.”
“Ha--uhmm”
A loud gasp muffled inside my throat when he abruptly sealed my lips with his.
PAGKALIPAS ng mahabang byahe inihinto ni Cyrus ang kotse sa basement.
“Dito ka lang. 'Wag kang lalabas.”
I nodded.
“Hindi ka aalis. 'Wag kang tumakas ha. Hintayin mo 'ko dito.”
Muli akong tumango.
“Kapag tumakas ka tatamaan ka sa'kin--”
“Hindi nga!” angil ko. “'Wag mong isama si Cyrus para makasiguro kang hindi talaga ako aalis.”
“Good,” he gave me a quick kiss in my lips. Nakangiting pinisil pa ang chin ko. Nahihiwagaan tuloy ako sa mga ikinikilos niya. Hindi ko matukoy kung pinapasakay niya pa rin ba ako or talagang totoo na 'tong pinapakita niya. “Mabilis lang ako. Wait for me here, ok?”
“Oo nga, kulit nito.”
“Hintayin mo 'ko ha?”
“Oo sabi e. Lumayas ka na nga!”
Nakatawang bumaba siya ng kotse. Sinundan ko siya ng tingin sa bintana. Hinatid ng tanaw hanggang sa mawala sa paningin ko.
“You loved him, don't you?” tanong ni Cyrus.
Sinulyapan ko ito sa rearview mirror. He was staring at me there intently. Umiwas ako ng tingin ng hindi ko na makayanan ang mapanuring titig nito saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
“Kasalanan bang umibig sa kanya?”
“Hindi naman, but he's married with Darleen.”
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023