RASHMIN EL SALVADOR
Pakiramdam ko humiwalay yung kaluluwa ko sa takot ng makita ko yung itsura ni Rald. He was out of control. Like a dragon who's about to blow a fire! Nagliliyab ang mga mata sa subrang galit. Umiigting ang mga pangang may bahid ng dugo. Kitang-kita ko ang litid ng mga ugat sa kanyang leeg pati sa brasong may hawak na baril.
“R-Rald--”
“Come here,” mautoridad niyang boses.
Naitulos naman ako sa aking kinatatayuan. Hindi ako nakakilos. I even saw RS and Mhariss evily smirked in my way while enduring the pain of their wounds.
I gulped. Muli kong tinitigan si Rald sa kanyang mga mata. Madilim pa rin ang kanyang mukha.
Habang tumatagal na nakakasama ko siya lalo kong nasisilayan ang halimaw na itinatago niya sa kabila ng maamo niyang mukha. Lalo ko rin naiintindihan kung bakit siya nagkakaganun. Kung bakit ganun na lamang ang pagkamuhi niya sa akin no'ng una naming pagkikita. Kung bakit galit na galit siya. Kung bakit nagsusumidhi ang pagnanais niyang makuha ang hustisya sa pagkawala ng mga mahal niya sa buhay. Naiintindihan ko siya dahil ganun din ako. Mas matindi yung sinapit ng kanyang pamilya pero pareho lang kami nawalan.
Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit ayaw sabihin nila kay Rald na anak ako ng kaibigan ng Daddy niya?
Akala ko ba tutulungan niya akong malinis ang pangalan ko?
Bakit ganun?
Bakit nagbago yung isip ni Wayne?
Anong pumipigil sa kanya para hindi sabihin iyon kay Rald?
May alam kaya ang mga magulang ko sa pagkamatay ng mga magulang niya?
Saka ano yung gamitan na mini-mean ni Cyrus?
May traydoran kaya na nangyari noon sa pagitan ng mga magkakaibigan doon sa sinasabi niyang mission?
Bigla kong naalala yung nagsususpetsang titig sa akin kanina ni Cyrus no'ng sumakit yung ulo ko.
Hindi kaya... iniisip nilang ako talaga ang pumatay sa kapatid ni Rald? Base sa kwento niya masyadong karumal-dumal yung krimén. Wala akong maalala pero hindi ko kayang gawin iyon. Hindi ako. Imposibleng ako!
Nanlilisik ang mga matang tinitigan kong masama sina RS at Mhariss. Kahit putok ang mga labi nakuha pa nilang ngisian ako. Yung drawing nilang kilay umarko pa.
Ano kayang mga kasinungalingan na naman ang sinabi nila kay Rald against me?
How about Darleen?
Nakipagkita kaya siya sa babaeng yun kaya ilang linggo siyang nawala?
Ano na naman kayang lason ang itinanim ng babaeng yun sa utak ni Rald para magalit na naman ang isang 'to sa akin ng todo--damn! Magigilitan ko yata sila ng leeg ng wala sa oras.
“Rashmin,” napapitlag ako ng muli niya akong tawagin. “I said come here!”
“Siya ang dumukot sa kapatid--”
“SHUT UP!” dumadagundong na sigaw ni Rald kay RS sabay tutok ng baril sa noo nito. “YOU FŬCKING SHUT UP KUNG GUSTO MO PANG MABUHAY!!”
Pero imbes na kilabutan pinagtawanan pa ni RS si Rald. Even Mhariss laughed like crazy. Natahimik lang ang mga ito ng paluin ni Rald ng baril sa ulo ang dalawa. Parehong nawalan ng malay.
Malalaking hakbang ko namang nilapitan si Rald. Nagulat pa ako ng salubungin niya ako ng mahigpit na yakap.
Lumampas ang tingin ko sa mga tauhan niya. Nakangising nagkatinginan ang mga ito saka nagkanya-kanyang alis. Meron pang sumipol habang naglalakad patungo sa bumukas na malaking pinto, may dalawang lalaking sumilip doon. Tinanaw kami ni Rald. Muli ring pumasok sa loob at isinarado iyon. Naiwan kaming dalawa sa labas. Hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Nagpumiglas ako pero 'di niya ako pinakawalan.
“Rald--I can't breathe.”
“Why can't you just hug me back? Hindi mo man lang ba ako hinanap-hanap?”
“Ha..?” I paused. Saglit 'di gumana ang utak ko. Hindi kaagad na proseso ang sinabi niya. Nagkamali lang yata ako ng dinig. “A-Anong sabi mo?”
The little hair on the back of my nape bristled when he inhaled my skin and kissed me at the crook of my neck, then heaved a heavy sigh.
“I'm tired. Very tired.” he lazily whispered.
“Kung pagod ka e bakit hindi ka pa magpahinga?”
“Emotionally and physically drained, honey bunch.” umayos siya ng tayo. Inakbayan niya ako saka hinatak palabas. “You looked pale when I pointed you the gun. Natakot ka ba kanina?”
“Sa baril hindi pero sa mukha mo OO.” ramdam kong niyuko niya ako pero nanatili lang akong nakatingin sa daan. “Nagulat lang ako sa dinatnan kong scene kaya ako namutla. Akala ko tutuluyan mo na yung dalawa. 'Wag muna, kakailanganin mo pa sila.”
“Ikaw lang ang kailangan ko.”
Marahas ko siyang tiningala. Namilog ang aking mga mata ng bigla niyang sakupin ang awang kong mga labi. Saglit lang iyon naghinang. Kaagad kong hinawakan ang kanyang mukha at inilayo sa akin.
“Ba't mo ako hinalikan?”
“Bakit? Bawal na ba?”
“Ha?”
“Na miss kita.”
“N-Na namiss mo 'ko?”
“Hindi mo man lang ba ako hinanap?”
“Ha? E,” nakangiwing napakamot ako sa ulo. “Buong bahay mo hinalughog ko kakahanap sayo e.”
Pailalim niya kong tinitigan. Matamis ko siyang nginitian sabay iwas ng tingin.
“Anong ibig mong sabihin pala na ako lang ang kailangan mo?”
“Ikaw lang sapat na.”
Marahas akong napaangat muli ng tingin sa kanya. Muli niya rin akong sinalubong ng halik sa labi.
“Shocks--kailan ka pa natutong lumandi, Rald James Gonzalvo?” bulalas ko. “Tsaka...” muli kong hinawakan ang kanyang mukha at sinipat-sipat iyon. “You've got a lot of bruises and wounds. Putok pa 'yang labi mo. Saan ka ba pumunta? Napalaban ka ba?”
Tumaas ang gilid ng kanyang labi. His eyes glint with mischief. “Hmmm, I smell something. Nag-aalala ka ba talaga ng subra sa'kin, Mahal?”
“Wow--! Iba-ibang endearment na ang tinatawag mo sa'kin ah. FYI hindi ako ganun karupok Rald. Tsaka, anong nag-aalala? Hindi ako nag-aalala sayo. Iba yung inaalala ko.”
“Yung totoo--”
“Yung totoo makikita mo sa loob ng pamamahay... NATIN.” sabay kindat sa kanya.
Nakakaluko niya naman akong nginisian.
“NATIN... I like it. Are you ready to be my... WIFE, Rashmin El Salvador Gonzalvo?”
“What? Are you drügs?”
He laughed wholeheartedly.
Inirapan ko naman siya, tinanggal ang braso niya na nakaakbay sa balikat ko saka malalaking hakbang na tinalikuran. Nakatawang hinabol niya naman ako. Natawa din ako sa isip.
Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ang ginawa kong kalat sa loob ng bahay niya?
Kala niya 'di ko alam na inuuto niya lang din ako? We're on the same boat, pero kainis... Yung puso ko masama ang lagay. Hindi mapalagay. Hindi man lang sumabay sa plano. Tinamaan ng lintik. Pumipitik-pitik--shet kalma ka lang diyan sa loob!
NASA GITNA NA AKO NG SALA ng abutan niya ako. Malakas akong napatili ng haklitin niya ang aking bewang. Sumabog ang buhok ko sa aking mukha. Napasubsob ako sa matigas niyang dibdib. I can hear the strong thud on his chest. Pati yung puso ko sumabay sa tîbök ng kanyang puso. Tila iyon nagkakarerahan na sa loob.
Naghinang ang mata naming dalawa pag-angat ko ng tingin sa kanya. Kumilos ang kamay niya, dumantay sa aking mukha. Hinawi ang hibla ng buhok na tumatabing doon saka inipit sa aking tainga.
“I'm starving. Can you cook for me, please?”
“Hindi ka pa... kumakain?”
Umiling siya.
“A-Anong gusto mong kainin? Wala ng laman yung ref e. Unti na lang.”
I unconsciously bit my lower lip when he just remained silent. Nanatiling nakatitig lang sa aking mukha. Napalunok ako ng wala sa oras ng lumipat doon ang mainit niyang kamay. His thumb caressed my lips gently.
“Don't bite your lips. It turns me on.”
“R-Rald uhm--”
Nakulong ang boses ko sa lalamunan ng mainit niya akong siniil ng halik sa labi. Magaan iyon at marahan. Puno ng paggalang. That's strange. Kanina mukha siyang halimaw sa subrang galit tapos... ano yun pagkakita niya sa'kin bigla siyang kumalma?
Lalo akong naguluhan ng hapitin niya pa lalo ang katawan ko palapit sa kanya. Nagbago ang paraan ng kanyang halik. Mapusok na iyon, tila sabik na sabik, uhaw na uhaw na linamukos ang aking labi. Nalasing ako sa sensasyon na pinapalasap niya sa akin. I loudly gasped when his hand traveled down to my butt, marahan iyon pinisil. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Kaagad ko siyang naitulak. Napaatras siya palayo ng dalawang beses. We were both panting. Nakaawang ang nangingintab niyang mga labi. Nagtatanong pa ang mga matang nakatitig sa akin. Lust, desire, and longing were visible on his eyes.
I gulped. “I---Ipagluluto lang kita ng makakain sa kusina.” sabay layas sa harapan niya.
Patakbo kong tinungo ang kusina. Napahawak ang isang kamay sa dibdib na para bang may nagrarambulan na mga daga sa loob niyon. Wala din sa sariling hinawakan ko ang nangangapal kong labi. It is moist, and...
“Rash...”
Marahas ko siyang nilingon. Nakatayo siya sa gitna ng b****a ng pintuan. Walang kurap-kurap na nakatitig sa akin.
“B-Bakit..? May request ka bang--”
“Kahit ano basta luto mo kakainin ko lahat.” sabad niya.
Alanganin naman akong tumango. “Ok--”
“Maliligo lang ako saglit sa taas.” muling sabad niya.
Muli rin akong tumango. Umiwas na ako ng tingin ng lumalim lalo ang pagtitig niya sa akin. Hindi ko na kinayang salubungin pa. Parang nanlalambot ang mga tuhod ko.
Narinig kong nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga saka pumihit paalis.
“Rald..!” tawag ko sa kanya ng maalala ko yung ginawa ko sa kwarto niya. Napahinto siya sa paghakbang saka nilingon ako. “A... ano kasi... yung kwarto mo dinaanan ng bagyo.”
Nag-isang linya ang mga kilay niya. “Pa'nong dinaanan ng bagyo?”
I unconsciously bit my fingernails. “Sorry na po agad. Si bagyong Rashmin kasi umatake kagabi. May aftermath pa kanina. Huminto lang no'ng dumating si Cyrus.”
“What are you talking about?”
Hindi na ako sumagot. Patakbong lumabas ako ng kusina. Nilampasan ko siya. Halos tagdadalawang baitang ang hakbang ko sa pagmamadaling makarating agad sa kwarto niya.
Mabilis ang kilos ko. Hindi magkandaugaga sa pagdampot ng mga pinagbabato kong gamit niya sa lapag kakahanap ko ng passport kanina. Ibinalik ang mga iyon sa lalagyanan. Yung iba hindi ko alam kung saan ko na ilalagay.
“Jesus Christ!”
Mariin akong napapikit ng marinig ko ang boses ni Rald sa b****a ng pintuan.
“Nag sorry na ako agad diba?”
Wala na akong narinig pa sa kanya. Namayani ang katahimikan sa paligid. Unti-unti kong iminulat ang mga mata at nilingon siya. Natigilan pa ako sa aking nakita. Si Rald pinupulot ang mga libro, sari-saring papel, mga folder at ballpen sa lapag.
“Hindi ka galit?”
“Nakangiti ka pa talaga.”
Lumapad lalo ang ngiti ko. “Himala hindi ka na nangangalaiti sa'kin ngayon. Unlike before. Sinabihan mo akong burara at nagkakalat ng pollution.”
“Gusto mong pinagbubuhatan ka ng kamay?”
“Syempre hindi. Naninibago lang ako sa biglang pagbabago ng pakikitungo mo sa akin.”
Hindi siya umimik. Patuloy lang sa pagpulot.
“Bakit basta ka na lang umalis? Saan ka pumunta?” maya-maya untag ko sa kanya. But he remained silent. “Iniwan mo talaga ako ditong mag-isa. Wala man lang akong makausap. Pati mga tauhan mo wala man lang nagpakita sa'kin kahit isa.”
Tumayo siya. Humakbang palapit sa drawer. Tiningnan niya ako ng masama ng makita niya ang loob niyon. Matamis ko naman siyang nginitian.
“You're not apologetic at all, are you?”
“Kung sa iba silent means yes, sa akin smile means sorry.”
“Rashmin--”
“Ito naman sorry na nga!”
“Ikaw pa talaga ang galit?”
“Kapag nag sorry na kasi ako sayo tanggapin mo na kaagad. Baka kasi magbago pa ang utak ko e 'di bawiin ko din yun agad.”
“Fück--I can't believe it!”
I laughed. Nilapitan ko siya. Kinuha sa kamay niya ang mga bitbit niya sabay tulak sa braso niya.
“Sige na. Maligo ka na. Ililigpit ko lang ang mga 'to saglit tapos ipagluluto na kita.” tinuro ko ang mukha niya. “Gagamutin ko din 'yang sugat mo.”
“May hinahanap ka ba?”
“Ha?”
“Ba't mo hinalughog ang kwarto ko? Anong hinahanap mo?”
“Wala--”
“El Salvador--”
I sighed. “Yung passport ko.”
“Aalis ka?”
“Alam mo ang sagot ko diyan, Rald.”
“Hindi ka pwedeng umalis.”
“Pero--”
“Dito ka lang! Hindi ka pwedeng umalis!”
Napaatras ako sa biglang lakas ng boses niya. Frustrated na napahilamos naman siya ng kamay sa mukha.
“Hindi ka pwedeng umalis dito hanggat hindi ko pa nahuhuli ang totoong pumátay sa kapatid ko.”
“Kaya kitang tulungan--”
“Wala kang maalala at nanganganib din ang buhay mo!” sabad niya. “Pinapahanap ka ni Wrath. Nandito siya sa Pilipinas.”
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.
“Hindi ka pwedeng mamatay, Rashmin. Hindi ka pwedeng mawala. Kailangan kita. Alam kong marami kang nalalaman tungkol sa kanila kaya ganun na lang ang pagpupursige ni Wrath na mahanap ka, dead or alive.” humakbang siya papunta sa kama at naupo sa edge no'n. “Kailangan mong maalala ang lahat. Ipapatingin kita sa magaling na doctor sa States.”
“Nagpatingin na ako. Ilang beses na--”
“Ipagagamot pa rin kita.”
“Rald hindi ko kailangan--”
“Kailangan mo yun!” galit na sabad niya. “Kailangan mong gumaling. Kailangan sabihin mo sa akin ang totoo... lahat. Pinapanigan kita ngayon dahil may amnesia ka. Hindi mo pa maipagtatanggol ang sarili mo sa akin.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Ikaw ang tinuturo ng dalawang yun na dumukot sa kapatid ko. Plus, si Darleen and my private investigator. Iisa ang impormasyon na nakalap ko. You're the one who törtured my sister.”
Hindi makapaniwalang napatakip ako ng kamay sa bibig. Range of anger surged into my nerves. Mapakla akong tumawa.
“Naniwala ka sa kanila?”
“Kung naniwala ako e 'di sana ikaw ang binugbog ko hindi ang dalawang yun.”
Tears rolled down in my cheeks while chuckling. “Kay Darleen... naniwala ka ba sa kanya? Anong mga sinabi niya sayo laban sa akin?”
“Kagaya no'ng sinabi ng dalawa. Pati mga magulang mo may kinalaman din sa pagkamatay ng mga magulang ko.”
Naikuyom ko ang aking mga kamao. Nanginig ang kalamnam sa subrang galit na lumukob sa aking buong katawan.
“Naniwala ka ba sa kanya?”
“Nagpapaimbestiga ako.”
“Bakit sinasabi mo 'yan sa akin ngayon?”
“Ayaw mo bang malaman?”
“Kung sasabihin ko sayong may kinalaman si Darleen sa pagkakaaksidente ko noon kaya ako nagkaamnesia, maniniwala ka ba?”
His jaw dropped. Hindi makapaniwalang tinitigan ako.
“Hindi diba? Mas paniniwalaan mo siya kaysa saakin kasi kababata mo siya. Mas matagal ang pinagsamahan niyong dalawa. Fiancee mo pa. Wala akong laban sa kanya.”
“Wala akong sinabing hindi.”
“Kung gusto mong malaman ang baho niyang pinakamamahal mong traydor na Darleen na 'yan paimbestigahan mo si Hugo.”
“Sinong Hugo?”
“Hugo Mancini Fontana.”
“Kilala mo siya?”
“He just looks familiar to me. Hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.”
He took a heavy sigh. “Bumaba ka na doon. Ako na lang magliligpit dito. Susunod na lang ako pagkatapos ko maligo.”
“Sure ka?”
Tumango siya.
Nag-aalangan man, lumabas ako ng kwarto. Dumeritso ako ng kusina at nagluto; pork adobo. Yung ang pinakamabilis lutuin.
Engrossed na engrossed ako sa ginagawa ng may biglang pumulupot na mga bisig sa bewang ko. Malakas akong napasinghap ng dampian niya ako ng halik sa leeg sabay hawak sa kanyang braso.
“Hmmm...”
“R-Rald--”
“Ang bango-bango. Mukhang masarap.”
Kinalas ko ang braso niya pero lalo lamang iyon humigpit. Nilingon ko siya pero mainit niyang labi ang sumalubong sa akin, sinakop ang labi ko.
Hindi ko alam kung pa'no nangyari. Basta namalayan ko na lang pareho na kaming walang sáplot, nasa ibabaw na ako ng mahabang mesa. Mainit na inaangkin ni Rald.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023