THIRD PERSON's POV
JOHN WAYNE SANTIAGO
“Bakit kailangan pang ipahukay ang mga 'yan?” kinakabahan na tanong ni Ryan. “Malilintikan tayo nito kay James--”
“Wala siyang malalaman kung ititikom mo 'yang bibig mo--kairita. Ginagawa naman natin 'to para matulungan siya, including El Salvador.” binayaran ko si Manong sepulterero na kakatapos lang sa pag-ayos ng pinatibag kong nitso. “Zip your mouth kung ayaw mong malintikan din sa akin.”
Yumukod ito. “Wala po akong pagsasabihan, Boss.”
“Good.” tinanaw ko yung dalawang binata na naglilinis at nagpipintura ng nitso 'di kalayuan, kanina pa paligon-lingon saamin. “Sila na po ba yung mga anak niyo?”
Marahas nitong nilingon ang dalawa saka nag-angat ng tingin sa akin. “Oho. Ako na ang bahala sa kanila. Pagsasabihan--”
“Bakit pinapagtrabaho niyo po dito?” sabad ko. “Hindi ba sila nag-aaral or tapos na?”
“A e, hindi ko naman sila pinapatrabaho dito. Tinulungan lang nila ako saglit dito. Mamaya papasok din ang mga yan sa school.”
Matagal kong tinitigan ang dalawa saka mabilis na dinukot sa bulsa ng pantalon ko ang calling card. Natigilan pa ako ng sabay pa namin inabot ni Ryan ang kanya-kanyang calling card kay Manong.
Nakatawang nagkibit-balikat siya saka muling isinuksok iyon sa bulsa.
“Ikaw na lang tutal pag-aari niyo naman yung Winx State University. But I can provide for their miscellaneous and lodging. Will train them and give a decent job in my security agency afterward or do'n kay Keith or sa kompanya ni Dad. Depende kung saan nila gusto. But with their looks and body built... you know what I mean, right?”
I laughed. “Nice. Same tayo ng takbo ng utak.” niyuko ko si Manong na nagpapalipat-lipat ang naguguluhan na mga mata saaming dalawa ni Ry. Nginitian ko ito saka inabot ang calling card ko. “Papuntahin niyo po sa address na 'yan yung dalawang anak niyo. Tutulungan ko silang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.”
“E mga boss, high school pa lang--”
“High school pa lang ang mga 'yan?!” bulalas namin ni Ry.
Hindi makapaniwalang nagkatinginan kaming dalawa sabay din tinanaw ang dalawang lalaki. Damn... ang laking bulas! Last na kita ko sa kanila noon sipunin pa. Pero ngayon...
“Makailang ulit kasi silang dalawa nahinto sa pag-aaral. Mas pinili nilang magtrabaho na lang lalo na no'ng igupo ako sa sakit, nakaratay na lang ako sa higaan at hindi makapagtrabaho.”
Muli kaming nagkatinginan ni Ry. Tinalikuran niya kami saka nilapitan ang dalawa. Kinausap ang mga iyon. Binalingan ko naman si Manong.
“What's their name again po, Manong?”
“Diego at Alex.”
“Oh yeah, I remember na. You know, I like them both.” muli kong tinanaw ang mga iyon. “Pag-isipan niyo po ang offer namin. Ipapasundo ko na lang sila dito bukas na bukas din sa tauhan ko. Nasa sainyo kung papasamahin niyo sila o hindi.”
“Maraming-maraming salamat po, Boss.”
Tinapik ko ito sa balikat. “No problem. Basta ito... secret lang ha. Walang pwedeng makaalam kundi pati buong pamilya mo damay.”
“Opo--opo. Hindi ako magsasalita.”
“Thanks po.” binalingan ko ang mga tauhan ko saka itinuro ang ilang buto ng mga magulang at kapatid ni James na kinuha sa hukay. “Ipa-check niyo ang mga yan. Balitaan niyo ako kaagad kapag nakuha na ang resulta.”
“Copy, Boss.” chorus nila sabay talikod paalis.
Sinundan ko sila ng tingin saka nagpalinga-linga sa paligid.
“Noong nakaraang araw may dalawang babaeng pumunta din dito.”
Napabaling ako kaagad kay Manong. Natigilan sa sinabi nito. “Dalawang babae?”
Tumango ito. “Nagtanong pa nga sa akin kung napapagawi ba daw dito si Rald James Gonzalvo.” tinuro nito ang puntod ng mga magulang ni James.
“Anong sinabi po ninyo?”
Umiling ito. “Sabi ko hindi ko kilala si Boss James.”
“Ano pong itsura no'ng dalawang babae?”
“Parehong matangkad pero ubod ng suplada 'di naman kagandahan. Kulot yung kulay red na mahabang buhok no'ng isa. Ang kapal pa ng labi. Tapos yung isa naman green yung buhok, parang seaweed na naglalakad sa lupa. Ang arte-arte pa. Pagkarami-raming tanong. In-english pa ako. Nang wala akong maisagot sa kanila sinabihan ba naman akong tanga.”
Kinabahan ako bigla. Napapaisip kung sino ang mga yun.
“Meron pang isa pang lalaki akong natanaw dito kahapon lang. Marami siyang kasamang bodyguard. Sila ang sumira ng kandado niyan. Yung kandila na itinirik no'ng lalaki itim tapos yung dala nilang bulaklak may dugo. Ikinalat pa nga nila diyan sa lapida. Nilinis ko na lang pagkaalis nila. Kinilabutan nga ako e.”
Nangunot ang noo ko sa sinabi nito. “Lalaki? Sinong lalaki? Nakilala niyo po ba? Anong itsura?”
Muli itong umiling. “Hindi ko kilala. Nakasuot na itim na salamin. Mukhang dayuhan. Malaking tao. May-edad na pero matikas pa rin ang tindig. May busal na tabako sa bibig. Marami ding nanlalakihan na suot na alahas. Yung mga kalalakihan na kasama niya may nakita akong pulang dragon na tattoo sa braso. Yung iba sa batok.”
Bigla kong nahigit ang aking hininga. Muling nagpalinga-linga sa paligid sabay tawag kay Ryan.
“What?” bungad niya pagkalapit sa'kin. Nakasunod sa likuran niya ang dalawang anak ni Manong. Salubong ang mga kilay na napalinga-linga rin siya sa paligid saka muli akong tinitigan. “Something wrong?”
“Si... W-Wrath Marino Russo. I think he's here.”
“Ha?”
Tinuro ko si Manong. “May grupo daw na pumunta dito kahapon. I'm not sure kung si Wrath nga yung nakita ni Manong pero malakas ang kutob kong siya. Hinahanap talaga nila si Rashmin.”
“Hmmm... effort yun masyado ah. Napabyahe pa bigla papunta dito sa Pinas. Tiyak maraming nalalaman si El Salvador sa grupo nila. Parang natatakot silang kumanta si El Salvador kaya pinapahanap nila.”
“Same thought. Sooner or later malalaman din nila na hawak na ni James yung dalawang spy nila. We need to be very careful kung hindi mabubuliyaso din 'tong ginagawa nating imbestigasyon. Surebol na malilintikan talaga tayo nito kay James. Kapag nagkataon, baka tuluyan na din akong isumpa ni Dad. Ang init pa naman ng dugo no'n sa pagka-car racing ko.”
Ryan cursed. “Sabi na sayo e. Malaking sindikato talaga sila.”
“Pero... confusing yung pagbisita nila sa puntod ng mga Gonzalvo. Sabi ni Manong itim na kandila pa yung itinirik tapos yung bulaklak may dugo, ikinalat pa daw sa ibabaw ng lapida. Ano kaya ang gustong iparating no'n ni Wrath kay James?”
“Déath.” hinawakan ni Ry sa braso si Manong. “Isama na natin sila. 'Wag ng ipagpabukas pa baka balikan pa sila dito.” nilingon niya ang dalawang magkapatid. “Go, get your Mom. Dalhin niyo lang ang mga importante niyong gamit. Will provide everything for your family. Hurry..!”
Patakbong umalis ang dalawa. Malalaking hakbang naman namin tinungo ang sasakyan.
Ilang minuto lang kaming naghintay, dumating din kaagad ang tatlo saka nilisan ang lugar.
Dumeritso kami sa bagong unit na pinabili ni Ry kay Chad six months ago. May pinapatayo siyang bahay sa Benguet more than a couple of years na, meron ding penthouse kaya ibinigay niya na lang iyon sa pamilya ni Manong for their safety purposes too.
Si Ryan na din ang nag-asikaso ng lahat ng kailangan nila. Bumalik naman ako sa RJ Surf Camp Resort.
Sinubukan kong kausapin si Rashmin. Nahirapan ako no'ng una pero no'ng nagkwento na ito halos sumabog yung ulo ko sa mga nalaman--fück!
Tapos yung dalawang babaeng kweninto ni Manong na nakausap niya doon sa memorial park tumugma pa sa itsura nina RS at Mhariss! Lalo tuloy akong naghihinala na baka may malaking sekretong itinatago saamin si Darleen. Involve siya sa pagkaka-aksidente ni Rashmin. And It wasn't just an ordinary accident, it was intentional!
Subrang daming tanong ang gumugulo sa utak ko ngayon na hindi ko mabigyan ng malinaw na sagot.
Bakit gusto nilang patahimikin si Rashmin?
Anong nalalaman ni Rashmin ang ayaw nilang malaman namin?
Yung pagkakapátay ng mga magulang ni Rashmin, konektado kaya iyon sa pagkakapátay ng mga magulang ni James?
Bakit parang iniipit nila si Tito Kristoff?
Shît--!
Pinagselosan pa ako ni James kay Rash! Na shock ako dun ng subra. Yeah, I must admit that I like her, but... we're just friends! Ayokong mawala ang tiwala niya sa'kin. Tsaka hindi ko alam na interesado sa kanya si James. I thought she's his prisoner. Kalaban ang tingin niya kay Rash. Bakit ngayon parang... oh well, mas gugustuhin ko pang sila ang magkatuluyan kaysa sa t'ngnang Darleen na yun!
Muli akong bumalik ng Manila kasama ni Rob. Sumaglit ako sa unit ko sa Taguig saka nagpahatid sa kanya sa airport. Minessage ko na lang si Ry na doon na lang din kami magkita.
“Bakit pala pina--ano niyo pa yun, Boss?”
Nag-angat ako ng tingin, sinulyapan si Rob saka muling kinalikot ang phone ko. I'm texting with Suarez.
“Gusto kong malinis ang pangalan niya.”
“In that way?”
“Yes.”
“Paano e nag-match yung ano niya diba?”
“May isa pa akong footage na napanood. Pinakita sa'kin ni Clayde. Kailan niya nga lang din yun na review ulit e.”
“What do you mean?”
“Pagkaalis namin puntahan mo na lang si Clayde. Panoorin mo. We're in public places, you know.”
“Oh,” then chuckled. Pasimple pang nagpalinga-linga sa paligid.
“Malapit na daw si Ry,” aniko sabay tayo. “Mens room muna ako saglit.”
Still busy on my phone. Checking my emails. Pagkarami-raming report na senend sa'kin ni Suarez, meron ding galing kay Curtis at Santos. Magkakaiba. Wala akong maintindihan ni isa sa mga nakikita't nababasa ko. Sumakit lang lalo ang ulo ko. In-exit ko na iyon. Then turn off my phone. Dumeritso ako sa CR. Nagkagulatan pa kami no'ng lalaking muntik ko ng mabangga. Humingi akong pasensya pero kaagad din akong napangiti ng makilala ko ito.
“Oh--Tito Cedric--”
I frowned when he stepped aside and walked past me.
Nagtatakang sinundan ko ito ng tingin. “Hindi niya ba ako nakilala?” tanong ko pa sa sarili saka nagkibit-balikat. “OK. Buong mundo galit yata sa akin. Ako na lang mag-adjust.”
Pumasok ako sa bakanteng pinto.
Paglabas ko naghugas ako ng kamay sa sink para lang matigilan sa nakita kong mukha ng lalaki sa salamin na lumabas sa kabilang pintuan na nilabasan ko din kani-kanina lang. Nag-e-spray ito ng alcohol sa kamay.
Marahas ko itong nilingon pero iglap lang wala na ito sa likuran ko. Muli kong tiningnan ang salamin, he's gone! Patakbo akong lumabas ng banyo. Nagpalinga-linga sa paligid.
Natigilan ako. Nalukot ang noo ng matanaw kong...
“Magkasama ba sila ni Tito Cedric?” naguguluhan na tanong ko pa sa sarili. “Magkaibigan sila ng Daddy ni Hugo?”
*****
RASHMIN EL SALVADOR
Days, weeks has passed. Hindi ko mahagilap si Rald.
Shît--akala ko madali lang siyang utuin. Ang hirap pala. Kung ano-ano na ang mga sinabi ko, mga ginawa kong pang-aakit pero 'di pa rin umubra--bwesit! Paano ako makakaganti sa mga hayuf na yun kung nandito lang ako sa isla? Nagpapakasasa sila sa kademönyuhan nila samantalang ako nandito nakakulong sa islang 'to--t'ngna.
The last time we talked was when I overheard his convo via phone with his private investigator Curtis. Umalis siya tapos hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik. Wala din ni isang tauhan niya ang nagpakita sa'kin. Kahit si Wayne wala. Walang katao-tao sa labas. Mag-isa lang ako--langyang buhay 'to.
Pinagpatuloy ko ang paghalughog ng kabahayan. Looking for my passport and visa.
“What the fück you're doing?”
Napatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa likuran ko. Marahas ko iyon nilingon sabay atras ng makita ko ang seryosong mukha ni Cyrus. Nakatingin sa nagkalat na gamit sa lapag. Lalong nalukot ang noo nito ng igala ang paningin sa buong paligid saka muli akong tiningnan.
“Anong hinahanap mo?”
“Si Rald.”
His forehead creased even more. “Sa loob ng cabinet?”
“Yung passport ko, saan nakalagay? Saan tinago ni Rald yung Passport ko?”
“Aalis ka?”
“Cyrus wala akong kinalaman--”
“Sinabihan ka na ni Boss Wayne na nanganganib ang buhay mo diba?” sabad nito. “Pinapahanap ka ng Boss niyo, dead or alive.”
“I can deal with them--”
“Hindi mo sila kaya mag-isa. You need our help, and we're doing our very best to clean your name. All you need to do for now is to cooperate with us. 'Wag ka ng dumagdag pa sa problema.”
“Cooperate with you? In what way? Kinukulong niyo ako rito!”
“Hindi ka namin kinukulong dito. We're just protecting you.”
“Protecting me? Tingin mo sa klase ng trabaho ko nakakaramdam pa ako ng takot mamatay?”
“Kung magpapadalos-dalos ka ng kilos sinisiguro ko sayong mauuwi din sa wala lahat ng pinaghirapan mo para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang mo.”
Umawang ang labi ko sa sinabi nito. “Sinabi sayo ni Wayne?”
He nodded. “Alam naming lahat maliban kay Boss.”
“Ayaw niyong sabihin sa kanya?”
He sighed. “Matalik na magkaibigan ang Daddy niyo ni Boss. Ang mga magulang ng mga Bud Brothers Bosses namin ay magkakaibigan din. But one of them was used by their rivals na kaibigan din mismo nila to sabotage their mission five decades ago.”
“Mission? Anong mission?”
“Hindi ko alam ang buong detalye. Narinig ko lang and not sure though kung totoo. Tsaka hindi pa kami tapos sa imbestigasyon pero tingin namin ginagamit ka rin.”
“Ginagamit na ano?”
“Ginagamit para mailigaw kami at hindi mahuli ang totoong salarin.” bumuka ang labi ko pero walang salitang lumabas doon. Muli ko rin iyon sinara. “We saw another footage. Yung babaeng nakaitim na overall na damit na tumangay sa kapatid ni Boss, which is you fighting with Darleen at the back of the mansion. Malaking palaisipan saamin kung bakit pati yung mga kasamahan mo pinagbabaril mo.” mariin niya akong tinitigan. “Bakit nga ba, Miss El Salvador?”
Napahawak ako sa aking ulo ng kumirot iyon. Blurred images flashed in front of me. Loud shouts, gunfire echoed in my head. Saglit lang iyon, bigla ding nawala.
Napasabunot ako sa aking buhok. Napasandal sa pader. Mariin na ipinikit ang mga mata. Pinakawalan ang hininga na pigil-pigil ko pala.
“You ok?”
Napapitlag ako ng maramdaman ko ang pagdantay ng kamay nito sa balikat ko sabay dilat ng aking mga mata. He's towering at me. Pag-aalala, suspetsa, pagtataka, at takot were all written on his face.
Napalunok ako. Biglang binundol ng kaba. Nilukuban din ng takot.
No'ng makita ko ang tadtad na picture ng kapatid ni Rald no'ng unang araw na dating ko pa lang dito, that girl looks familiar to me. Hindi ko alam kung saan ko siya nakita pero...
Oh NO...
Sunod-sunod akong umiling. Nag-panic ako thinking na baka may kinalaman nga ako--fück! Bakit ba hindi ko pa rin maalala?!
“OK ka lang ba?” ulit nitong tanong.
“Y-Yeah... b-bakit ka pala nandito?”
He stared at me with his suspicious eyes then took a heavy breath. “Pinapatawag ka ni Boss.”
“P-Pinapatawag ako ni Rald? Nasaan siya? Nandito na siya?” sunod-sunod na tanong ko saka nakangiwing napalinga sa paligid. “Paktay... ang gulo ng bahay.”
Mahina itong natawa saka humakbang palabas ng kwarto. Nagmamadali ko namang niligpit ang mga kalat sa lapag at basta na lang pinagbabato sa loob ng drawer.
“Mamaya mo na yan problemahin. May pupuntahan tayo.”
Napabaling ako kay Cyrus. “Ha? May pupuntahan? Saan?”
“Sumunod ka sa akin. Brace yourself, nasa hitler mood ngayon si Boss.” sabay talikod.
Patakbong sumunod ako dito. Dumeritso kami sa basement ng hotel sa kabilang resort. Pumasok sa secret door, tinahak ang hagdanan pababa... sa underground... hideout??
Binalot kaagad ng subrang lamig ang buong katawan ko, tumambol ng pagkalakas-lakas ang dibdib ko, sinalakay ng pinaghalong kaba at takot nang marinig ko ang mga daing at sigaw nina RS at Mhariss. Full of pain and agony.
Isang makitid na pasilyo ang dinaanan namin. Pagdating sa unahan, nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Nakagapos ng kadena ang magkabilaang kamay at paa ng dalawa. Kagaya ng ginawa sa akin ni Rald sa Italia. Ang kaibahan lang bugbog sarado ang dalawa, duguan tapos si...
“Raaaald!” sigaw ko ng itutok niya ang baril sa noo ni RS pero kaagad ko rin nahigit ang aking hininga ng marahas niya akong nilingon at nilipat iyon sa akin. “R-Rald...”
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023