Beloved Tyrant 18

2813 Words
RALD JAMES GONZALVO “May... namamagitan ba sa inyo ni Wayne--I mean lagi ba kayong magkasama no'ng wala ako?” We were in the kitchen. Magkaharap na nakaupo sa magkabilaan ng mesa. Natigilan siya sa pagsubo ng pagkain, tinitigan ako ng matagal saka ngumiti. “Are you jealous, Love--” “OO,” sabad ko na ikinaawang ng labi niya. I mentally smirked. Ganyan nga El Salvador. Mahulog ka sa akin. Sooner or later makukuha ko din ang lahat ng kailangan ko sa----yo-- Natigilan ako. Napatulala sa kanyang mukha. Nabigla sa biglang talon ng puso ko nang masilayan ko ang tamis ng kanyang ngiti sa akin. Pakiramdam ko nag-freeze ang buong paligid. Pati yung ano... nag-react sa--t'ngna! Masama ito. Lasing lang ako kagabi kaya nangyari yun. Hindi ako pwedeng makaramdam ng ganito. Hindi pwede. Hindi pwede sa kanya. Not with her--fück! “Bakit Gandara ang tawag sayo ni Wayne?” minura ko ang sarili sa isip sa uri ng tanong na lumabas sa bibig ko--double fück! “Hindi mo alam kung bakit?” “Magtatanong ba ako kung OO?” “Nagagalit ka--I mean... nagseselos ka kay Wayne?” “HINDI..!” pinagpatuloy ko ang pagkain. “Ba't naman ako magseselos sa ugok na yun e ako ang nakauna sayo? Lamang pa rin ako sa kanya.” “O so may competition palang nangyayari sainyong dalawa?” Marahas akong muling napaangat ng tingin sa kanya. “Anong competition?” “Gandara; ganda means maganda syempre. Ra means Rashmin. So ibig sabihin no'n maganda si Rashmin and that's ME.” “Tss... feeling ka naman--” “Hindi ako nagpi-feeling lang ah. I am confidently beautiful with a big heart.” tinuro niya ako gamit ang kanyang kutsara. “Kaya pala hindi kita dinatnan pagkagising ko kasi nagpagupit ka pa ng buhok. Hmmm, nagpapa-impress ka ba sa'kin? I loved it. Lalo kang gumwapo sa paningin ko, Love.” “Bagay sa'kin--I mean...” umiling ako then clicked my tongue. “...wag mo akong inuuto ah.” “Ha? Hindi kita inuuto--” “Kumain ka na nga lang diyan--” “Hindi ka naniniwala sa sinabi ko?” sabad niya. “Kaya nga ako bumigay... sayo kagabi e.” “You mean... you like me?” She blushed. Her face turned to a crimson pink. Sunod-sunod na lumunok. Inabot pa ang baso, uminom ng orange juice saka nahihiyang tumango. Napalunok ako ng wala sa oras ng matamis niya na naman akong nginitian. Naguguluhan din ako ba't yung puso ko panay na din tumbling sa loob; makita ko pa lang ang mukha niya, marinig ko pa lang ang boses niya, masilayan ko pa lang ang tamis ng ngiti niya. Pakiramdam ko buo na ang araw ko. Anong nangyayari sa'kin? Ba't ako nagkakaganito? Damn it! Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko. Nagulat ako ng tumayo din siya sabay ngiwi. “Aw...” Hindi ko siya pinansin. Tinalikuran ko siya. Humakbang palabas ng kusina. “Rald...” tawag niya sa'kin. Nagbingi-bingihan ako pero nang marinig ko ulit ang pagdaing niya malutong akong napamura saka malalaking hakbang na nilapitan siya... inalalayan. “Masakit ba?” Natigilan ako ng biglang pumulupot ang mga braso niya sa braso ko. Isinandal pa ang ulo doon at nakangiting tiningala ako. Kinunutan ko siya ng noo. “Ba't ba panay ang ngiti mo? Pinaglululuko mo ba ako?” Umiling siya. “Dati pa naman akong ganito diba? Pero ikaw... hindi.” “Anong hindi?” “Ba't bigla kang bumait sa'kin?” “Bakit ayaw mo ba?” Pinanliitan niya ako ng kanyang mga mata. “May pinaplano ka sa--” “Anong pinaplanong pinagsasasabi mo diyan?” sabad ko. “O so... wala kang pinaplano?” nagkunwa pa siyang nag-isip. “So, bakit bigla kang bumait? Love mo na 'ko?” “A-Anong Love?” Binaklas ko ang mga braso niya pero lalo lang humigpit ang pagkakayapos niya sa braso ko. “Love. Mahal. Pinagluto mo ko. May pa flowers ka pa. Pinakilig mo ko ng bongga. Para saan yun?” Umiwas ako ng tingin sa kanya. Niyugyog niya naman ang braso ko kaya muli akong napayuko sa kanya. “What?” She sweetly smiled at me. My heart raced again--shît..! “Love mo na 'ko no? Aminin mo na para tuloy ang ligaya. Sasagutin din kita agad ng I labyu two three four five.” I chuckled, then pinched her cheeks. “Ang cute mo.” “Ayiiie love mo na 'ko niyan?” I gulped... hard... the lump in my throat when my eyes landed on her swollen lips kasabay ng pagragasa ng mga maiinit na imaheng nangyari saaming dalawa kagabi hanggang madaling araw. Muli akong umiwas ng tingin. Tinuro ang plato niyang may laman pang pagkain. “Tapusin mo na 'yang kinakain mo.” Tinuro niya din ang plato ko. “Tapusin mo na rin yung sayo.” “Ayoko na. Nawalan na ako ng gana.” “Gusto mo subuan kita para ganahan ka?” “Puro ka kalukuhan--” “Seryoso ako.” “Tsk... maupo ka na diyan. Ubusin mo na 'yang kinakain mo para makainom ka na ng--” “Subuan mo ako?” “Para kang bata--” “Baby mo 'ko diba, remember?” “Rashmin--” “Rald...” tawag niya rin sa pangalan ko, nag-beautiful eyes pa sa akin. “Kakain ka pa ba o hindi na?” Lalong lumapad ang ngiti niya sa'kin. Kumikinang ang kanyang mga matang puno ng kapilyahan. “Hindi na. Makita pa lang kita busog na ako.” Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata. “Are you seducing me, my Lady?” “Bakit naaakit ka ba, my Love?” Malakas siyang napatili sabay tawa ng walang kahirap-hirap ko siyang binuhat. Walang hiyang ipinulupot niya pa ang kanyang mga braso sa leeg ko, wrapped her legs around my waist. She even winced in pain but still managed to smile at me sweetly. “Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?” “Sayo?” “Hmmm,” “Ba't naman ako mahihiya sayo e sabi nga nila kung nasa tamang lalaki ka na...” nilapit niya ang mukha sa akin, tinitigan ako sa aking mga mata. “...ipaglaban mo.” “So you think I'm the right guy for you?” “Hmmm pwede ring, Mr. Left.” natigilan ako ng mariin niyang hinalikan ang aking noo, hinaplos-haplos niya pa ang pisngi ko. “But you were always be my Beloved Tyrant, baby.” “Beloved Tyrant?” “Hmmm,” then nodded. Kumilos siya para bumaba pero hindi ko siya pinakawalan. “Ibaba mo na ako. Ililigpit ko lang yung mga pinagkainan natin.” “Ako na lang magliligpit.” “Sure ka?” Tumango ako. “Tama lang pala yung tinawag ko sayo. I know in myself na may kabutihan din na laman 'yang puso mo.” “Ganun ba ako kasama dati sayo?” “Hmmm yeah... you used authority and total power harshly... cruelly against me. But you are totally transformed to a very handsome cherubim with seven halo in my eyes now.” muli niyang hinaplos ang pisngi ko. “Consistent ba ang pakilig mo, Rald?” “Ha..?” “Consistent kasi ako e. Kung may one-woman man, ganun din ako. Ako yung tipo na interesado sa monogamy. And I can be honest and faithful to one guy only without ever cheating on him or breaking his heart... your heart, my love.” I paused for a sec, then chuckled. “So you're a romantic woman, huh?” “Hindi ka ba ganun? Or pa-fall ka lang?” “Gusto mo ihulog kita?” “Bakit kaya mo ba akong masaktan?” “Kapag na fall ka kaya din naman kitang saluhin, honey bunch.” “Ibig sabihin ba niyan...” kinikilig niya akong nginitian. “...love mo na ako?” “Uhm...” umiwas ako ng tingin pero kaagad niya rin pinaling ang mukha ko paharap sa kanya. “Ano?” “Ba't puro na lang love ang lumalabas diyan sa bibig mo?” “Because love is all we need.” “Iwan--” “Ano nga?” “Hindi pa kita lubusang kilala--” “Ayun,” nakatawang sabad niya. “Kaya ka pala biglang bumait sa'kin kasi may gusto kang malaman--” “It's not that--” “'Wag mo akong daanin sa English kasi ganun yun. Dume-deny ka pa talaga. Ibaba mo na nga ako--” “Hindi nga yun ganun!” “Wow--angry bird siya agad. Pahalata ka naman masyado--” I sighed. “Hindi kasi yun ganun.” kalmado ng wika ko. “I just wanna know you better.” “Wow--biglang maamong tupa siya.” Napipikon ko siyang tinitigan. Nakangiting pinupog niya naman ng halik ang buong mukha ko, pati leeg ko pinaulanan niya. “Kaya love na love kita e.” “Ano yun, the more you hate, the more you love? Kailan lang gigil na gigil ka sa'kin tapos ngayon love na love mo na ako?” “O, ano naman? Hindi ka ba familiar sa whirlwind romance?” I laughed. “Kaya pala pati katawan mo ginamit mo na para mapaniwala ako sa whirlwind romance mo na 'yan. What a desperate move.” She frowned. “Desperate move na ano?” “Inaakit mo ako. Gusto mong mapaibig ako sayo. Humahanap ka lang ng tiyempo para makaalis ka dito.” She blinked back her eyes thrice. “Ano? Tama ako diba? Inuuto mo lang ako.” “Bakit uto-uto ka ba para maisip mong ganun yung plano ko?” “Hindi--” “Or baka naman ikaw itong may ganung plano talaga sa'kin kaya kung ano-anong binibintang mo sa'kin. Nakakapanghinala masyado 'yang bait-baitan mo at sweet-sweetan sa'kin. Ano? Umamin ka.” “Anong plano? Wala ah. ” “Sus kunwari ka pa. Totoo talaga yung kasabihin na 'A fish is caught by its mouth and a man by his words.” I took a heavy breath. Hinatak ko ang upuan at naupo doon, yakap-yakap ko pa rin siya't pinaupo sa kandungan ko. “To tell you honestly, gusto talaga kitang makilala ng lubusan.” “Bakit?” “Anong bakit? Ayaw mo din ba akong makilala kung sino ba talaga ako?” Tinitigan niya ako ng matagal sa aking mga mata bago muling nagsalita. “Kung tatanungin kita kung ano ang pinag-uugatan ng matinding galit mo sasabihin mo ba sa'kin ang totoo, Rald?” Expected ko nang iyon ang itatanong niya sa'kin pero nagdadalawang isip pa rin akong sabihin sa kanya. Wala pa rin akong tiwala sa kanya. Pero naguguluhan ako kung bakit parang laging may malakas na pwersang humatak sa'kin sa kanya. No'ng kaharap ko si Darleen sa Italia naramdaman ko din ang pwersang iyon na 'wag sabihin ang totoo dito, instead nagsinungaling ako na pínatay ko na siya. Tapos ngayon... Bakit parang nanlalambot ang bakal kong puso sa kanya? Bakit ganun niya kabilis natibag ang galit na ibinakuran ko sa puso ko? Why, every time I looked at her, there was a strong force deep in me that... I felt like I wanted to protect her? Why did I feel like she's innocent too and just a victim with Wrath's evilness? Anong meron siya para magawa niyang maiwala kaagad sa sistema ko si Darleen na pinangarap kong makasama habambuhay? Sunod-sunod akong nagpakawala ng malalalim na buntong-hininga. Then... “High school ako no'n, elementary naman yung kapatid kong si Raina Jayne.” I set aside the pain pricked in my chest when the image of my childhood nightmare flashed in front of me then took a deep breath again. “We were inside the car. Galing kaming school. Malayo pa lang tanaw at dinig ko na ang putukan, ang kaguluhan na nangyayari sa loob at labas ng mansyon namin.” mabilis kong pinalis ang luhang pumatak sa pisngi ko. “Kitang-kita ng dalawang mga mata kong kinakaladkad ng mga nakaitim na bonnet na armadong kalalakihan palabas ng gate ang mga magulang ko... duguan. Tinangay sila sakay ng van. Sinundan namin pero pinaulanan kami ng bala. May tama yung driver namin kaya isinugod ko siya sa Hospital. Pagkatapos umuwi ako sa bahay. Lahat ng tauhan ni Dad wala na akong inabutan pang buhay including our maids. Parang dinaanan ng ipo-ipo yung bahay namin sa subrang gulo. Lahat ng CCTV pati yung control room namin wasak kaya wala akong idea kung sino ang mga taong yun. Napasukan ko din sa loob ng kwarto ng parents ko yung Daddy ni Darleen. Naghihingalo, may tama ng bala sa dibdib. Kinausap ko siya. Ang dami kong tanong sa kanya pero wala siyang ibang sinabi bago binawian ng buhay kundi pangalan ni Tito Kristoff.” “Kristoff? Kristoffer Altamonte?” Natitigilan na napatitig ako sa kanya. “Kilala mo?” Tumango siya. “Isa siya sa pinapatrabaho sa'kin nina Wrath at Joaquin.” “What do you mean?” “Ituloy mo na muna ang kwento mo.” I took a heavy breath again then continue... “I tried to find my parents pero after a week malamig na bangkay na at halos hindi ko makilala ang mga mukha nila ang nabungaran ko sa labas ng gate ng mansyon namin. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba or may kinalaman talaga si Tito Kristoff sa pàgkamatay ng parents ko kasi sabay lang ng pagluwas nilang mag-anak ng bansa yun. Naguguluhan din ako sa nangyari kasi lahat silang friends ni Dad including Tito Kristoff, sila yung umalalay sa'ming magkapatid lalo na no'ng pinalipat nila kaming States. Tapos college na ako no'n ng pasukin ulit yung bahay namin doon sa States. Nakabarilan ko pa yung tumangay sa kapatid ko sa bakuran namin. Then next day... nakita ko na lang yung kapatid ko sa labas ng gate din namin, wala ng buhay. Nababalutan ng mga dyaryo. Punit-punit yung damit na parang nilatigo siya ng todo. Subrang daming paso ng sigarilyo buong katawan niya. Ang dami niyang sugat. Kagaya ng mga magulang ko, binalatan din siya ng mukha and have been räped. Halos hindi ko siya makilala.” Pumiyok yung boses ko. Muling binalot ang buong katawan ko ng subrang pait at galit. Tumulo ang masaganang luha sa aking mga mata. Natigilan pa ako ng makita kong tumutulo din ang luha sa kanyang mga mata habang pinupunasan niya ang luha sa pisngi ko. “Nakita mo ba yung mukha no'ng tumangay sa kapatid mo?” Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. She stared back at me. Wala akong makitang ano mang takot or kaba or kahit anong reaksyon na magpapatunay sa'kin na siya nga ang babaeng yun na tumangay sa kapatid ko maliban sa galit. Hindi ko alam kung bakit galit siya. Diba dapat takot? Kailangan niyang matakot sa'kin! Or sadyang magaling lang siyang magtago? Hindi siya gagawing katiwala at kanang kamay ni Wrath kung hindi. Sigurado ako... nararamdaman ko... siya ang babaeng yun na tumangay sa kapatid ko. Siya iyon. Pero bakit hindi nag-match yung DNA nila? Imposible! But why does my heart feel happy at the same time thinking that it wasn't her? Na hindi siya at wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng kapatid ko? Fück--nababaliw na yata ako! “Hindi. Hindi ko nakita ang mukha. Nakaitim na overall siyang damit pero yung mata--” “Kaparehas ng mga mata ko kaya ako ang pinagbibintangan mo?” galit na sabad niya. “Ang babaw mo din ano.” “Sinabi ko ba? Deffensive ka masyado--” “Hindi mo sinabi pero ginawa mo. Kaya nga ako nandito ngayon diba? Nagpapaniwala ka masyado sa t'ngnang Darleen na yun!” “Bakit ang gusto mo ikaw ang pagkatiwalaan ko?” “Sinabi ko--sinabi ko? Masyado kang judgemental bopols ka naman--” “Watch out your word.” madiin na sabad ko sa kanya. “Watch out watch out--muka mo. Si Kristoffer Altamonte walang kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang mo. Ang bantayan mo sina Wrath Marino Russo at Joaquin Steves. Binenta nila ako sayo--hayuf. Ano, gusto nila ako magbayad ng kasalanan nila--t'ngna nila! Humanda sila sa'kin, mga animal.” Kaagad siyang bumalikwas ng tayo sabay hakbang palabas ng kusina pero kaagad din napaupo pabalik sa kandungan ko ng hatakin ko ang braso niya. Galit niya akong tiningnan. “Saan ka pupunta?” “Pupuntahan ko sila.” “Paano ka pupunta sa Italia? May passport ka? Visa? How about ticket?” Bumukas ang labi niya pero walang lumabas na salita doon. Kaagad din itinikom, iginala pa ang paningin sa buong kusina saka matamis akong nginitian. “Oo nga pala, nakalimutan ko. Baby mo na pala ako ngayon. Bawal ng umalis ng 'di kita kasama.” Ipinulupot niya ang mga braso sa aking leeg at pinaulanan ako doon ng halik, pinanggigilan ako. Hindi na ako makahinga--t'ngna. “Ano ba, Rashmin!” ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD