Beloved Tyrant 17

2921 Words
THIRD PERSON's POV CYRUS “Wow! May pa red roses bouquet ang ogag na 'to--sinong anga-angang babaeng naduling sayo?” salubong sa akin ni Jem pagpasok ko ng gateway. Napabaling naman sa akin ang lahat ng mata ng mga kasamahan namin. “Siraulo. Hindi sa'kin 'to no!” Nagkantiyawan sila. “Sus, deny pa siya.” nakatawang wika ni Stone, may bitbit na tasa ng kape. “Ang hot no'ng brunnet chickababes na kasama niyan kahapon.” segunda ni Code, busy sa pagtipa sa laptop. Naka-indian seat sa lapag sa gilid. “Naakit sa putok niyang labi.” then laughed. “Brunnet? Hindi na si Blonde girl?” tanong ni Spyke, may bitbit ding tasa ng kape at toasted bread. “Grabe ha. Meaning iba din si red carpet?” si Drake na biglang sumilip sa pinto ng kusina. “Sinong red carpet?” chorus na tanong nila. Dinuro ko ito. “Kung nagluluto ka magluto ka lang diyan hindi yung--” “Sino nga muna yung red carpet na nasa video na senend ni Drake sa GC?” chorus ulit na sabad nila sabay tawanan. “Kasama yun sa misyon ko--t'ngna..!” mura ko ng lumakas lalo ang tawanan nila. “Deffensive masyado.” nakatawang wika ni Drake. “Nagtatanong lang naman kami.” “Ang iingay niyo, kaaga-aga.” napabaling kaming lahat kay Craig na sumulpot sa likuran ko. May bitbit itong brown envelop. “Kay Boss ba 'yan na flowers?” “Inutusan ka rin?” bulalas ko. “Yeah,” Tinitigan ko ang hawak niyang envelop sabay ngisi. “Alam ko na kung ano laman niyan.” “Hindi ko nga alam kung dapat ba akong matuwa or kabahan sa tinatakbo ng utak ni Boss.” “Hey--! Tungkol saan 'yang pinag-uusapan niyong dalawa?” Sabay kaming napalingon ni Craig sa kanila saka nagkatinginan. Nagkibit-balikat ito. Humakbang palapit sa kanila at naupo sa sandalan ng gray half-moon sofa. Nagpapalipat-lipat naman ang nagtatanong nilang mga mata sa hawak kong bouquet at brown envelop na bitbit ni Craig. Si Code na busy sa laptop hindi nakatiis biglang tumayo at basta na lang hinablot yung brown envelop sa kamay ni Craig. Nagmamadali ang mga kamay na tiningnan ang laman niyon. Umawang ang kanyang labi, namimilog ang mga matang tiningnan kaming dalawa. Hanggang sa nagkumpulan na sila. Pinagpasa-pasahan ang papeles. Gulat na gulat na muling nagpalipat-lipat ang tingin saaming dalawa ni Craig. “Wat is da meaning of dis?!” bulalas ni Drake na unang naka-recover sa gulat. May bitbit pang sandok ang luko. Nakalimutan ang nilulutong nangangamoy sunog na, inuna ang tsismis. Tarantang kumaripas ito ng takbo pabalik sa kusina bitbit ang mga papeles. “Putcha--Drake! Kapag nabasa 'yan kita mo, double blackeye ka sa'kin!” sigaw ni Craig. Drake just laughed. “Seryoso si Boss kay Gandara or eme-eme lang?” tanong ni Code, nakatingin sa akin. Tiningnan ko naman si Craig saka muling binalingan si Code pati ang iba pa naming kasamahan na nakatingin din sa akin. Naghihintay ng sagot. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga saka humakbang palapit sa kanila. “Hindi ko alam kung ano talaga ang buong plano niya. Ang tanging alam ko lang ibigay 'tong bulaklak kay Gandara tapos kunin ko yung pirma niya.” tinuro ko si Drake na palabas ng kusina. Seryosong nakatitig sa hawak na papeles. “Since may ganun, isa lang ibig sabihin no'n--” “Why don't you just spill the tea?” inis na sabad ni Jem. “Alam naming may alam ka. 'Wag ka ng magkunwari. Pinapaikot mo pa kami e.” I t'sked. “Hindi ko nga alam lahat--” “Still may alam ka pa rin--” “Hawak ko ang utak niya?” sabad ko kay Code. “Parang hindi niyo kilala si Boss James ah.” “So, bakit may pa ganyan?” turo ni Spyke sa bulalak at papeles. “Prank or totohanan? Paki explain naman lahat.” “Saan galing 'yang form?” segundang tanong ni Stone. “Galing kay Attorney Ramon Christopher Aragon.” sagot ni Craig. “Hindi ko alam na para pala 'to kay Gandara. I thought, para kay Darleen. Matagal na silang nagbabalak magpakasal diba?” “Bakit naman pakakasalan ni Boss si El Salvador e... diba war sila? Nötorious kîller ang tingin niya do'n diba?” naguguluhan pa ring tanong ni Code. “Abugbog pa nga tayo yesterday kasi tinakasan siya, right? Or nananaginip lang ako?” binalingan nito si Stone. “Suntukin mo nga ako--ayy 'wag na lang pala.” sabay tapik-tapik sa kanyang mukha. “'Sakit pa pala ng panga ko.” “Don't tell me...” namimilog ang matang tinitigan ako ni Jem. “Nagseselos siya kaya--OMG... Am I just hallucinating or totoo 'to?” “Tss. Iwan ko sa inyo--” “So, kaya pala...” napabaling kaming lahat kay Drake. Nag-angat naman ito ng tingin saamin. “Boss Wayne is leaving. Hinatid siya ngayon ni Rob sa airport.” Binalingan ko ang mga kasamahan kong lahat nakatutok ang nagtatanong pa ring mga mata sa akin. “Ano na Cy?” untag sa'kin ni Jem. “Hindi aalis ang isang yun ng walang dahilan. Not unless... pinaalis siya ni Hitler.” “True,” chorus nila. “Hindi rin lumalabas ang pagiging Hitler ng isang yun ng walang dahilan.” wika ni Stone. “Right,” chorus ulit nila. “Hindi ako sure pero base sa nakikita ko is... parang nahuhulog na ang loob ni Boss kay El Salvador. Iba kasi yung kilos niya lately. Tapos nagagalit siya mabanggit ko pa lang ang pangalan no'n. Iba din yung nakikita kong kislap sa kanyang mga mata when she's around. Yung mga masasamang salitang lumalabas sa bibig niya taliwas naman sa mga ikinikilos niya.” “Possessive ang lolo niyo.” komento ni Spyke. “Very territorial.” dagdag pa ni Stone. “Nang ganun kabilis?!” bulalas ni Code. “Imposibleng inlababo ang isang yun.” “Agree,” segunda ni Jem. “Hindi yun in love. Pustahan tayo may hidden agenda ang lalaking yun.” “Hmmm... Tiyak may malaking pinaplano ang isang yun.” wika ni Spyke. “Wala ka ba talagang alam, Cy?” salubong ang kilay na tanong ni Stone. “Wala man lang binanggit sayo?” “It's top secret, ok? Hindi pwedeng malaman ni El Salvador.” “So, seryoso talaga siya kay Gandara?” tanong ni Drake. “Form 'to para makakuha sila ng marriage license e. Tsaka pa'nong 'di malalaman--” “Kukunin ko lang ang pirma niya through this flower bouquet.” agap ko. “The rest, bahala na si Clayde.” Nagkatinginan sila. “Pero bakit sabi niya sa'kin kanina pakakasalan niya si Darleen?” kunot-noong tanong ni Craig. “I didn't get it.” “Parte 'to ng imbestigasyon.” “You mean... naniniwala na siyang baka tinatraydor din tayo ni Darleen?” tanong ni Drake. “Unfortunately, 50-50. Naglilihim na siya sa akin ngayon. Hindi na gaanong open book.” “Hmmm... parang pabor ako dito sa plano niya ah.” tumatango-tangong wika ni Craig. “Kung magpapakasal siya kay Darleen meaning fake yun kasi...” tinuro nito ang papeles na hawak pa rin ni Drake. “...una siyang ikakasal kay Gandara. So, ibig sabihin naghihinala na rin si Boss kahit papano dahil do'n sa napanood niyang video nina Darleen at Hugo.” “That's his plan and top secret. Hindi pwedeng lumabas dito itong pinag-usapan natin. Atin-atin lang. Kapag may nakaalam na iba, yari kayo sa'kin.” “Pabor din ako sa plano ni Boss.” sabad ni Code. “Ika nga keep your enemies closer. Mas mababantayan niya ang kilos ni Darleen.” “Right--Me too, pabor ako.” segunda ni Spyke. “Ako rin.” wika ni Stone. “Sang-ayon din ako. Tsaka isa pa anak si Gandara ng matalik na kaibigan ng Daddy niya. Malay natin sila din ang end game.” nakangiting tiningnan kami isa-isa ni Jem. “Tingin niyo?” “Nag-aala kupido ka pa talaga.” “Wala namang masama diba? Pareho naman silang single--oh well... niluluko lang ni Darleen si Boss, so consider him as single. Ako ang magpapasya para do'n. Period. Bawal umapila.” “Apir tayo diyan bro.” wika ni Code sabay apiran ng dalawa. “Sali ako--” “Ako rin!” “Team Mr. Suave kami--” sabay hagalpakan ng malakas na tawa. “Hoy--luko, hindi niyo pa inalis--” “Inalis na lahat. Wala na. Sayang... wala na tayong mapapanood na show.” muli silang nagtawanan. I took a heavy breath. “Baka nakakalimutan niyong nag-match yung DNA ni El Salvador sa tumangay at pümatay sa kapatid ni Boss.” “Oh--fück--!” sabay-sabay na mura nila. “Wala pa bang balita sina Jed?” tanong ni Craig. Umiling ako. “Wala pero nakausap ko si Nixon kahapon.” “Anong sabi?” “Pinahukay daw nina Boss Wayne at Boss Ryan yung libingan ng mga magulang at kapatid ni Boss James.” “Ha?” “Bakit daw?” chorus nila. Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko alam.” “Nandito pala sa Pinas si Boss Ry?” wika ni Code. “Kailan pa?” “A week ago. No'ng hindi nagparamdam si Boss James. Kasama din siya ni Boss Wayne ngayon paluwas ng bansa.” Muli silang nagkatinginan. “Hmmm... tingin ko gumagawa ng paraan sina Boss Wayne para malinis ang pangalan ni El Salvador.” wika ni Craig. “May kinalaman din siguro yun doon sa dalawang babaeng nahuli ni Gandara kahapon.” “Same conclusion.” chorus nila. “It's good news to all of us. Gusto ko si Gandara para kay Boss kaysa kay Darleen.” “Arrrgh--I hate that girl. Santa-santita. Mas kasuspe-suspetsa pa ang attitude at kilos kaysa kay Gandara.” wika ni Drake sabay hakbang pabalik ng kusina. “Luto na yung almusal. Kumain na yung gustong kumain.” “Sipag ah. Tutong naman.” kantiyaw ni Spyke. “Para talaga yun sayo Spyke, arf arf..!” “T'ngna mo!” “Kain ka na do'n doggie--” “Isa ka pa!” sabay batok ni Spyke kay Stone na nakatawang napatakbo papunta sa kusina. “Mas gusto ko yung magkapatid na Del Carpio, including Chad...” napabaling kaming lahat kay Jem na naga-twinkle ang mga mata sa kalukuhan. Abot langit pa ang ngiti. “Pinagtutulungan nilang isabotahe yung kasal ni Boss James kaya 'di matuloy-tuloy.” Napa-O shaped ako without a sound. Makahulugan kong tiningnan si Craig. He smirked, then winked at me. I chuckled. “Now I got it kung bakit mainit lagi ang ulo ni Darleen kay Boss Migz.” “Hmmm--yea... Very suspicious talaga ang kilos ng babaeng yun lately. Hindi ko gusto yung tabas ng dila niya kay Boss Migz no'ng nasa Italia tayo.” “Oh well... pa-fall 'yang pa flowers ni Boss ha.” wika ni Code saka naupo muli sa lapag at pinagpatuloy ang pagkalikot sa laptop. Nagkanya-kanya ding balik sa pwesto ang iba. “Kawawa si Gandara kung sakaling wala talaga siyang kasalanan. Bet ko pa naman ang babaeng yun. Parang ang sarap tropahin. Tawang-tawa ako sa mga banat niya kay Boss. Sana si Boss ang ma-fall sa sarili niyang plano.” Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Panig ako sa katotohanan. Wala din akong kinikilingan. I like Rashmin, but... it still doesn't change the fact na may kinalaman siya sa pagkamatay ng bunsong kapatid ni Boss James.” “Lets wait and see. Tuloy pa rin naman ang mabusising imbestigasyon. Pero for me lang ha, I think she's innocent.” nag-angat ito ng tingin sa mga kasamahan namin. “Kayo guys, anong tingin niyo?” “Still the same... innocent.” chorus nila. “And brave woman.” “Hoy--Psst--nandiyan na si Boss..!” Kanya-kanya silang pulasan matapos marinig ang pagbukas ng hidden door, gateway papunta doon sa kabila na kinaroroonan ni El Salvadoor. May napatakbo sa kusina, sa control room, may lumabas sa kabilang dulo ng gateway. Si Code nanatili sa kinauupuan, patuloy sa pagkalikot sa laptop. Si Craig umiiling na naglakad na palabas, sinalubong si Boss. Sumunod na din ako sa kanya bitbit ang bulaklak, ballpen at receipt. ***** RASHMIN EL SALVADOR Nagising akong nag-aapoy sa lagnat. Yung buong katawan ko subrang sakit. Parang binugbog ako ng isang batalyong kalalakihan. Nilingon ko ang kabilang panig ng kama, iginala ang paningin sa buong kwarto pero wala siya. Niyuko ko ang sarili. Nakasuot na akong malaking puting t-shirt niya at itim na boxer short. Pinilit ko ang sariling bumangon, bumaba ng kama kahit subrang hapdi ng--t'ngna... Sabi ko aakitin ko siya. Paiibigin ko siya. Pero bakit ngayon ako itong bumigay--double shet Rashmin! Natigilan ako sa aking nakita paglingon ko sa bedside table. May nakalagay na sari-saring pagkain sa tray sa ibabaw ng folding table na nasa tabi niyon. Umuusok pa. Mukhang bagong luto lang. Meron ding dalawang tangkay ng bulaklak na daisy with smiley sticker attached in it. May nakasulat pa sa gitna na GOOD MORNING GORGEOUS..! Iwan kung bakit pero pakiramdam ko biglang nawala lahat ng sakit ng buong katawan ko. Tumalon pa yung puso ko. Nagsirko-sirko sa loob. Buong buhay ko ngayon lang ako kinilig. Ngayon lang may lalaking gumawa sa'kin ng ganito. Ngayon lang may nagparamdam sa'kin na parang special ako. Ngayon lang. Kay Rald lang. Nakangiting inabot ko ang bulaklak. Dinala ko iyon sa aking ilong saka sinamyo. Wala akong ibang maamoy kundi yung pabango ni Rald na nasa sticker. Muli ko iyon nilapag doon saka binitbit ang tray ng pagkain palabas ng kwarto. Natigilan pa ako ng matanaw ko si Cyrus na kaaakyat lang ng hagdanan. May bitbit na palumpon na pulang rosas. Nakangiting naglakad palapit sa'kin. “Hi... magandang gabi Gandara este Miss El Salvador.” inabot nito sa akin ang bulaklak pero kaagad din binawi. Nakatawang kinuha sa kamay ko ang tray ng pagkain. “Akin na muna 'yan.” saka inabot muli sa akin ang red roses bouquet. “Special delivery, galing kay Boss.” “P-Pinabibigay sa'kin ni Rald?” gulat na tanong ko. “May sakit ba siya?” Malakas itong napahalakhak. Sinimangutan ko naman ito. “Ba't niya ako binibigyan niyan? Nasaan ba siya?” “Iwan ko. Basta ang utos niya sa'kin e-deliver ko daw 'tong flowers sa Prinsesa niya. Kung nasaan, walang sinabi. Umalis siya kani-kanina lang after niyang magluto. Gusto mong tawagan--” “NO--wag na,” sabad ko sa kanya sabay abot ng bulaklak. “Salamat sa pag-deliver nito.” tipid ko itong nginitian saka nahihiyang sinamyo ang bulaklak. Hindi mapagkit ang nakakalukong ngisi nito sa labi at mapanuksong titig sa akin. Napatingin ako sa papel at ballpen na inaabot pa nito sa akin saka nagtatanong ang mga matang muling nag-angat ng tingin sa kanya. “Pa-recieved na lang, please.” “Ano 'yan?” “Receipt.” “Tss may resibo pa talaga?” bulalas ko na ikinatawa nito. “Mamaya niyan pagbayarin mo pa ako nitong bulaklak, ihahampas ko talaga 'to sa mukha ni Rald.” “Hindi naman. Pinapasiguro lang ni Boss na nataggap mo talaga 'yang pinapa-deliver niya.” “Sa kanya ba talaga 'to galing?” “Mismo.” Nag-aalangan man pinirmahan ko pa rin yung resibo. Tila nanalo naman sa jackpot lotto ang ngiti nito habang tinitingnan ang pinirmahan ko. “Ang ganda ng pirma mo ah. Pero bakit pa-C hindi pa-R--” “Pati 'yan kinu-question mo pa talaga?” “Nagtatanong lang naman. Kilala mo naman si Boss diba? Mayayari ako do'n kapag hindi 'to yung totoo mong--” “Totoo 'yan. Ganyan talaga ang pirma ko.” “Cyrus..!” Marahas itong napalingon sa likuran nito. Lumampas din ang tingin ko sa kanya. Seryosong mukha ni Rald ang sumalubong sa akin. Nagtama pa ang mata naming dalawa. Hindi niya ako nilubayan ng tingin habang naglalakad palapit saamin. Biglang uminit ang pisngi ko, nanlambot ang mga tuhod ko kasabay ng pagtambol ng malakas ng dibdib ko sa halo-halong emosyon na sumalpok sa akin. “Boss--” “Bakit ngayon mo lang 'yan binigay sa kanya?” sinulyapan niya ang hawak na papel ni Cyrus saka muling nag-angat ng tingin sa akin. Napakamot ito sa ulo. “E Boss... ngayon lang kasi lumabas ng kwarto si Gandara--” “Sige na. Umalis--Gandara?” tinitigan niya ng masama si Cyrus. “Sinong Gandara?” “Uhm--makikipagkita pa pala ako kay Clayde--” “Sinong Gandara?” ulit niya. “Gandara ang tawag mo kay Rash?” Nilingon ako ni Cyrus. Napatingin din ako sa kanya. Natigilan pa ako ng kindatan ako nito bago binalingan muli si Rald. “Yun yung tawag sa kanya ni Boss Wayne. Nahawa lang kami. Sige. Maiwan ko na kayo--ayy hindi pa pala siya kumakain.” inilagay nito sa kamay ni Rald ang tray ng pagkain. “Sabay na lang daw kayo. Ikaw unang hinanap niyan pagkakita sakin.” sabay karipas ng takbo pababa ng hagdanan. Nakasunod ang nagbabagang mga mata ni Rald sa kanya. Pagbaling niya sa'kin, malakas pa akong napasinghap. Napalunok ng sunod-sunod. Tinitigan niya ako ng matagal saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Humakbang palapit sa'kin. Kinabig ako at mariin na pinatakan ng halik sa aking sentido. “Mainit ka ah. OK ka lang ba?” Tumango ako saka tipid siyang nginitian. “Salamat dito sa... bulaklak. Ang ganda.” He kissed me again at my forehead. “Glad you like it, hon.” ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD