13: THE END? OR JUST THE BEGINNING? “Katz what’s wrong?” nag-aalalang tanong ni Cooper. Tumigil sya sa pagda-drive at dinampot ang na cellphone ni Katarina. Missed Call 666 “What the hell! Baka network error lang ‘to.” Ipinatong ni Cooper ang cellphone sa harap ng manibela. “Don’t worry Katz, wala lang yan.” Nagdrive na sya ulit. Tiningnan ni Katarina si Phoemela sa backseat at natutulog pa din ito. “Tawagan mo na kaya si Perry.” Balisa na ang dalaga dahil sa mga nangyayari. Tatawagan na sana ni Cooper si Perry ng biglag tumunog ulit ang cellphone ni Katarina. Lumabas ulit ang number na 666 ang sa kanyang cellphone. “Ayaw mong tumigil huh.” Kinuha ni Katarina ang cellphone nya at pinatay ito. “Hindi ako magpapaapekto sa mga ganyan.” Ipinato

