14: RUN KATARINA! RUN! Sumunod na araw matapos madala ng katawan ni Peterson pabalik sa pamilya nya sa Amerika ay dinalaw naman nila Katarina ang kaibigan si Quinn na kakatapos lang operahan sa mata. Kagigising lang ng dalaga ng dumating sila. May dala silang mga bulaklak para dito. Sabay-sabay dumating sina Katarina, Cooper at Phoemela sa ospital. Hindi naman nakasama si Perry dahil magpapahinga daw sya maghapon. “Kamusta naman ang naging operation mo, Quinn?” tanong ni Phoemela habang ipinapatong ang bulaklak sa mesa. “Ilalagay ko muna sa vase yang mga bulaklak. Maiwan ko muna kayo.” Sabi ng tita ni Quinn. Kinuha nya ang bulaklak at iniayos sa loob. “Sana makakita na nga ako. Kinakabahan pa din ako ngayon kasi sabi ng doctor maliit lang yung chance na makakit

