15: PHOEMELA’S TURN Kumain sa isang restaurant sina Phoemela at Katarina. Kapansin-pansin ang pagkabalisa ni Katarina at hindi ito mapakali. “Hindi ko na alam ang tunay sa hindi. Akala ko – akala ko tapos na ang lahat pero hindi papala.” Naluluhang sabi ni Katarina. Naikwento na nya kay Phoemela ang nangyari sa kanya kanina sa opisina ngunit hindi pa din makapaniwala ang dalaga sa kwentong ito. “Baka naman napagtripan ka lang talaga ng mga katrabaho mo. Di ba nasabi mo din naman na halos isumpa ka na nilang lahat dahil sa mga panlalait mo sa kanila. Tinatakot ka lang nun lalo na ngayong sunod-sunod ang pagkamatay ng mga kasama natin.” Paliwanag ni Phoemela. Tila nakumbinsi naman nya ang kaibigan ngunit hindi nya maipaliwanag ang pagkakakita at pagka

