1: THE REUNION

1991 Words
1: THE REUNION     RETREAT HOUSE, 4PM     Isang red Ferrari Enzo ang tumigil sa harap ng isang malaki at magandang Retreat house.               “Are you sure this is the house? Parang wala namang tao.” Tanong ni Phoemela Lewis habang binubuksan ang bintana ng kotse.               “Bakit, may nakikita ka pa bang ibang bahay dito aside from this house?” pagtataray ng nagda-drive na si Katarina Bailey.               Habang nag-uusap ang dalawa at sinisipat ang bahay mula sa loob ng kotse biglang sumigaw ang kaibigan nilang si Madeline Stewart.               “Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” sigaw nito na sobrang ikinagulat nila Phoemela at Katarina.               “What’s wrong with you?” nagpapanic na si Phoemela dahil nag-aalala sya sa kaibigan.               Humarap sya sa dalawang kaibigan na nakatingin ng diretso sa kanya na naghihintay sa kanyang sagot. “Walang signal dito.” Mahinahong paliwanag ni Madeline habang ipinapakita yung cellphone nya sa dalawa.               Sobrang disappointed naman ang mga mukha nila sa narinig. Inis na inis sila lalo na si Katarina, ang pinakamataray sa kanilang tatlo.               “My goodness Madeline! We’re in the middle of⎼” tumingin sya sa labas, “of⎼” lumingon sya sa likod pero puro puno lang ang nakikita nya. “of the forest! Tapos maghahanap ka ng signal! Hindi masamang mag-isip minsan.” Pinaandar na ulit nya ang kotse at ipinasok na sa loob ng bahay.               Bumaba silang tatlo mula sa kotse at namamangha sila sa laki at ganda ng buong bahay. Naghahanap pa din ng signal si Madeline, while pinupunasan ni Katarina yung windows ng kotse nya and Phoemela’s taking picture of the house ng nakarinig sila ng isang kotseng paparating na sobrang lakas magpatugtog.               Sabay-sabay silang lumingon sa gate kung saan papasok ang isang black Pigani Zonda C12 F. Tumigil ‘to sa tabihan ng sasakyan ni Katarina.               “Hey! Magdahan-dahan ka nga baka magasgasan mo yung kotse ko!” Naiinis na sigaw ni Katarina na kausap ang nagda-drive ng Pigani Zonda.               Nagulat silang tatlo ng makita kung sino ang mga nakasakay sa kotseng yun.               Unang bumaba ang isang lalaking nakablack polo and maong pants at tumingin agad sa kanilang tatlo. Tinanggal nya ang kanyang shades para mas makita ang mga ito.               “Cooper Zanders?” Parang medyo nagulat si Katarina. “What are you doing here?”               “Parang hindi ka masayang nandito ako, huh Katarina Bailey?” Lumapit sya kay Katarina. “Or baka masaya ka dahil nandito na ‘ko.”               Mag-ex sina Katarina at Cooper and ito ang una nilang pagkikita after the break up.               “Excuse me? Ako? Ang kapal mo din naman! And please – “ umatras sya ng konti, “wag kang lalapit sa’kin.”               Pero parang nang-aasar pa din si Cooper at mas lumapit sya kay Katarina. “And if I don’t want to?” Dahan-dahan nyang nilalapit ang mukha sa kausap. “May magagawa ka pa ba?”               Biglang sinampal ni Katarina ang gwapong mukha ni Cooper. “Ayan! Yan ang magagawa ko. I’m warning you, stay away from and my friends!”               “Woaah! Sakit nyan pare!” pang-aasar ng isang pang lalaki na kasama ni Cooper sa car. “Sinampal ka na noon, sampal pa din ngayon. Ouch!” Sya si Peterson Barnes, isa sa mga chickboy na kaibigan ni Cooper. Sumandal sya sa kotse ni Cooper habang nagyoyosi. Dahil badtrip si Cooper, inagaw nya ang yosi ni Peterson at lumayo sa kanila.               May isa pa silang kasama sa loob ng kotse na hindi pa nababa. Sya si Perry Jenkins. Unlike Cooper and Peterson, Perry is a silent type of person. Hindi sya masyadong nakikihalobilo kung kani-kanino. Mas gusto nyang magsoundtrip na lang kesa makipag-usap sa iba. Madalas syang nakaheadset kaya hindi sya basta-basta makakausap.               Tumahimik ang paligid habang may kanya-kanya pa din silang ginagawa. Still nasa labas pa din sila ng bahay at naghihintay ng taong lalabas from the house. Ilang sandali pa eh may isa pang kotseng dumating. Isang black Lamborghini Reventon ang mabilis na papalapit sa kanila. Lahat sila ay napatingin sa paparating na kotse.               “No way!” bulong ni Peterson na titig na titig sa magarang sasakyan na nabitawan na ang yosi na hawak nya.               Nagtabi-tabi na sina Madeline, Katarina at Phoemela. Hindi naman tinigilan ni Phoemela ang pagkuha ng picture sa Lamborghini Reventon na ‘to. Inaabangan nila ang taong bababa mula sa Lamborghini Reventon.               “Oh my gosh.” Bulong ni Phoemela.               Unang bumaba ang nagda-drive ng kotse na si Cole Schultz at tumingin sa mga nandun na. “Hi everyone,” then she smiled.               Napakaganda ni Cole, brown ang buhok nya na hanggang bewang. Maputi sya at sobrang tangos ng ilong. Blue ang eyes nya dahil sa contact lens na suot-suot nya and korteng heart ang mga lips. Sa suot nyang shorts and Pink Beige Halter Top lutang ang kanyang ganda. Ibang-iba sa itsura nya nung college. Kumakaway lang sya sa mga naunang dumating.               Kasunod sa pagbaba nya ay ang magboyfriend na sina Blake Maxwell and Lindsey Osborne na hindi mapawi sa paghahalikan.               “What a w***e!” umiirap na bulong ni Katarina dahil naiinis sa kanyang nakikita.               “Enough guys! May iba na tayong kasama.” Pagsasaway ni Cole. Binuksan nya ang pintuan ng kotse at inalalayan ang isa pa nilang kasamang babae. “We’re here Quinn.” Hinawakan nya sa kamay ang babae at dahan-dahang tinulungang makalabas ng kotse.               “I told you dapat hindi na natin isinama yan dito.” Pang-aasar ni Blake habang nakikipagharutan sa kanyang girlfriend.               “Shut up Blake!” sigaw ni Cole. “Don’t mind him.”                         Ngumiti lang si Quinn at kumapit na lang sya sa mga kamay ni Cole.               Magkakakilala naman silang lahat dahil magkaklase sila noong college. Kahit hindi sila totally magkakasundo hindi na nila kailangang iintroduce ang isa’t isa aside from the last girl na kasama ni Cole.               “Hey Cole, who is she?” tanong ni Katarina.               “She’s my sister Quinn.” Sagot ni Cole.               “Hi, Quinn.” Masiglang greet ni Madeline at agad nyang inabot ang kamay sa dalaga.               Hindi agad naiabot ni Quinn ang kanyang kamay para makipagshake hands. Kaya kinuha ni Cole ang kamay ng kapatid at inabot kay Madeline.               “Hello. Kamusta kayo.” Masaya din naman ang pagbati ni Quinn pero hindi sya directly nakatingin sa kausap.               “Bulag ata sya.” Bulong ni Phoemela kay Madeline.               “She is.” Sagot ni Cole.               Habang nagkukwentuhan ang mga babae ay hindi na napigilan ni Cooper ang sarili. “Sino bang nagpapunta sa’tin dito? Kanina pa tayo dito sa labas pero wala namang nagpapapasok sa’tin sa loob.” Nilapitan nya ang pinto at sinubukang buksan.               “Bakit nga pala nandito din kayo?” tanong ni Phoemela kina Cole.               “May nareceive kaming invitation the other day. Sabi reunion daw, but 2 days before the reunion dapat daw nasa venue na. Since my sister and I need to relax naisipan naming magpunta. Ang ganda kasi nitong house sa picture.” Hinaplos nya sandali ang buhok ng kapatid. “Nagtataka lang ako kung bakit pati si Quinn eh nakatanggap ng invitation, hindi naman kami magkabatch.” Tumingin sya ng diretso kina Katarina. “Kayo ba?”               Kinuha ni Katarina ang invitation from her bag at ipinakita kay Cole. “We also received an invitation. This is the best place to unwind daw. Pero bakit tayo lang?” Nagkatinginan lang silang lahat ng naandun.               “Nabasa nyo ba yung weird letter na kasama nung invitation? Hindi ko alam kung anong language yun. Or kung may nageexist ngang ganung words. Nakakatawa lang.” sabad ni Lindsey.               “Sino bang organizer nito? Akala ko isa sa inyo kaya nagpunta ako.” Nagdadabog na si Cooper. “Uuwi na ko. Sayang lang ang oras ko dito.” Papasakay na sya ng kotse ng biglang may nagsalita na babae.               “Pasensya na sa paghihintay.” Bungad nito.               Isang matandang babae ang sumulpot sa may pintuan. Bigla namang nakaramdam ng takot sina Madeline sa nakita. Ang matanda ay namumutla at nakaputing damit. Medyo mabagal din syang magsalita at parang hindi kumukurap ang mga mata.               “Eh may tao naman pala dito. So I guess wala ng uuwi. Kailangan na din naming magpahinga ni babe. Right babe?” sabi ni Blake na nakapulupot ang mga kamay sa kanyang girlfriend na si Lindsey. Hindi sila mapaghiwalay at hindi sila nahihiya kahit may ibang tao eh tuloy pa rin sila sa paglalampungan.               “Mga hindi na nagbago!” bulong ni Katarina.               “Are you saying something, huh Katarina?” pagtataray ni Lindsey. “Kung naiinggit ka, ayan si Cooper oh! Ginagawa nyo din naman ‘to before, di ba?” Parang inaasar nya si Katarina at tumatawa pa ‘to. “Ooops! Boring ka nga pala, kaya nga nahuli mo si Cooper sa kama kasama ng iba.”               Sasaktan na sana ni Katarina si Lindsey dahil napipikon na sya pero nahawakan agad sya ni Phoemela. “No, Kat.”               “Lindsey, past is past. Besides, hindi naman si Katarina ang nawalan. Ikaw, sure ka ba na sa’yo lang yan ginagawa ni Blake?” Parang may ibang ibig sabihin ang sinabi ni Phoemela na nagpabago sa mood ni Lindsey.               “Enough of this nonsense! We’re not here to bring back those memories we had in the past. Hindi na kayo nagbago! Tss!” Nagulat ang lahat sa pag-imik ni Perry.               “Mukhang kailangan nyo ng magpahinga at maiinit na ang mga ulo nyo.” Muling nagsalita ang matandang babae. Hindi nila maipaliwanag pero kinikilabutan sila sa way ng pagsasalita ng matanda. “Maari na kayong pumasok sa loob. Sumunod kayo sa’kin.” Tumalikod ang matanda at biglang bumukas ang pintuan.               “Girls, wag na lang kaya tayo tumuloy. Iba kasi yung kutob ko dito.” Mahigpit ang pagkakakapit ni Madeline sa braso ni Phoemela. “Tingnan nyo, kusang bumukas yung pintuan.”               “Pwede ba Mads, praning ka lang. Tumigil ka na kung ayaw mong ikaw ang pagbalingan ko ng init ng ulo.” Sagot ni Katarina.               Sumunod ang lahat sa matanda papasok ng bahay dala-dala ang kani-kanilang mga gamit. Sobrang laki ng bahay na halos maraming pasikot-sikot sa loob. Madami ding mga antiques na nagpapacreepy sa paligid.               “Maraming kwarto dito sa bahay. Kayo ng bahalang pumili kung saan nyo gusto.” Umakyat sila sa itaas. Huminto ang matanda sa harapan ng isang malaking pintuan. “Maari kayong maglibot sa buong bahay, pero huwag na huwag kayong papasok sa kwartong ito para mag-ingay.”               Tumango na lang ang sampung nandoon.               “Lahat ng kailangan nyo ay nandito na. Hindi nyo na kailangang bumaba pa sa bayan. Inimbitahan kayong lahat dito, kaya wag kayong mag-alala.” Ngumit ang matanda pero nakakakilabot ang ngiti nya. Parang may malamim na ibigsabihin. Yung ngiti na hindi nagbabago ang ekpresyon ng mga mata nya.               “Speaking of that. We just wanna know kung sinong organizer ng reunion? And bakit kami lang yung nandito?” tanong ni Cole.               “Bakit? May kulang pa ba sa inyo?” Tiningnan isa-isa ng matanda ang mga nakatayo sa kanyang harapan. “Labing isa naman kayo ah.”               Kinilabutan ang lahat at nagkatinginan sila. Lalong napakapit si Madeline kay Phoemela. Lumingon naman ang lahat sa kanilang likuran at binilang ang kanilang mga sarili.               “You’re kidding manang. Sampu lang kami. We’re 11 including you.” Paliwanag ni Cooper.               “Hindi.” Muli ngumiti ng nakakakilabot ang matanda at tumalikod ito. “Magpahinga na kayo at maghahanda na ako ng hapunan. Mabagal maglakad ang matanda pababa ng hagdanan at parang hindi gumagalaw ang mga balikat nito kapag naglalakad.               “Joker si manang, balak pa tayong takutin. Imagine, eleven daw tayo.” Nagpapatawa si Peterson pero seryoso ang mukha ng mga kausap nya. “Guys, chill. Masyado kayong nerbyoso.” Pagpapatuloy nya habang tumatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD