2: RETREAT HOUSE
Nakapili na ng room ang sampung dumating sa retreat house. Magkasama sa kwarto ang mga girls na sina Cole, Quinn, Lindsey, Madeline, Katarina at Phoemela. Sa katapat na kwarto ang mga boys.
Tahimik na nag-aayos ng gamit ang mga girls sa kanilang kwarto.
“Madami namang rooms dito sa bahay. So bakit meron pa tayong kasamang hindi belong?” pagpaparinig ni Katarina.
“Kung ako lang yung tatanungin magsosolo na lang kami ng kwarto ni Blake kesa makasama ko yung bitter na inggitera.” Pagsagot naman ni Lindsey.
“Tumigil na nga kayo. Para kayong mga bata.” Pag-awat ni Phoemela. Sumilip sya sa bintana. Kita mula sa bintanang yun ang malaking pool ng bahay at mga cottages sa tabihan nito. Wala na syang ibang makita mula sa labas ng bakod kundi mga puno. Kukuhanan nya ng picture ang malaking pool ng may makita syang isang babae na nakatayo sa tabihan ng pool. Para makasigurado sya zinoom nya ang kanyang DSLR. Isang babae na nakaputi yung nakatayo. Inalis nya yung mata sa camera na hawak-hawak nya at muling tiningnan yung babaeng nakatayo.
“Girls.” Mahina nyang sabi habang nakatingin pa din sa babae. Nakatungo lang ang babae na parang tinitingnan ang sariling reflection sa pool.
Tiningnan ulit ni Phoemela ang babae gamit ang kanyang camera. Zinoom nya ang camera para mas makita ang babae pero dahil nakatungo sya hindi nya makita ang mukha nito.
“Katarina.” Mahinang tawag nya habang nakatingin pa din sa babae.
Magsasalita pa lang sya ulit ng biglang tumingin ang babae sa kanya. Gulat na gulat si Phoemela dahil kitang-kita nya ang mukha ng babae. Sa sobrang gulat ay nabitawan nya ang sariling camera, mabuti na lang at nakasabit ito sa leeg nya.
Nilapitan nya sina Katarina at hinigit papalapit sa bintana upang ituro ang babaeng nasa pool.
“Bilisan mo. Tingnan mo yung babae dun sa⎼” biglang nawala ang babae na ilang minuto din nyang tinitingnan mula sa itaas.
“Phoemela, are you okay?” tanong ni Katarina. Tumingin sya sa ibaba. “Tingnan ko ang alin?”
“May babae kasing nakaputi dun sa tabihan ng pool. Nakita ko sya gamit ‘tong cam.” Pautal-utal na paliwanag ni Phoemela.
“You’re just tired. Come on, maupo ka muna.” Inalalayan sya ni Katarina sa mini sala set sa kanilang room para maupo.
Tulala pa din si Phoemela sa nakita. “Hindi kaya sya yung pang-eleven na sinasabi ni manang kanina?” tanong nito.
Napabangon naman bigla ang nakahigang si Madeline. “I told you, I have a bad feeling about this house. This is too big for all of us.”
“Shut up! Hindi ka nakakatulong.” Pananaway ni Katarina.
“Pakiramdam ko nga madami talaga tayo dito sa bahay. Hindi ko naman kasi nakikita kaya hindi din ako sigurado.” Biglang nagsalita si Quinn na nakaupo sa higaan habang nag-aayos ng kanilang gamit ang kapatid nyang si Cole.
Napatigil naman sila sa narinig mula kay Quinn. Nagkatingnan lang sila at hindi alam kung anong magiging reaksyon.
“Mga paranoid. Pwede ba, modern time na. Naniniwala pa din ba kayo sa mga multo-multo?” Sabad ni Lindsey habang nagbibihis. Naghubad sya sa harapan ng mga kasama nya sa room para magpalit ng damit.
“My gosh Lindsey, mahiya ka naman. May restroom oh. Pwede dun magbihis!” naiinis na sabi ni Katarina.
“Arte mo! Pare-pareho naman tayong babae dito no kaya walang problema kung dito ako magbihis.” Pinagpatuloy nya ang pagbibihis at hindi inintindi ang sinabi ni Katarina.
Bago pa mas tumindi ang tension sa kwarto ay kumatok na si Blake at sinusundo ang kanyang girlfriend.
“Babe, maglibot tayo.” Patuloy pa din ang pagkatok nya sa room ng mga girls.
“Coming babe.” Inihagis na lang nya sa sahig ang pinaghubarang damit. “See you later girls. Wag nyo kaming hanapin, okay?” lumabas na sya ng room.
“Hindi ako makapaniwalang may kasama tayong slut.” Tumayo si Katarina at kinnuha ang pouch nya. “Sh*t! I left my phone.”
Papalabas sya ng room ng nagtanong si Madeline. “Where are you going?”
“Siguro sa bayan to buy a new phone. Gosh Mads, you’re so unbelievable.” Lumabas na ng room si Katarina.
“Sungit, parang concern lang naman ako sa kanya.” Nahiga ulit si Madeline at nagtalakbong.
Humiga din si Phoemela sa sofa at nakinig na lang ng music. Nagpalit naman muna ng damit sina Cole at Quinn.
Habang may kanya-kanyang ginagawa ang mga tao sa itaas, lumabas ng bahay si Katarina para kunin ang cellphone nya na naiwan sa kanyang kotse. Medyo madilim na sa labas dahil gabi na din.
Nakarating na si Katarina sa loob ng kanyang kotse pero hindi nya agad nakita ang cellphone nya. Kinapa nya pa ang ilalim ng mga upuan. Habang busy sya sa pagkapa ng cellphone ay biglang umuga ang kanyang kotse.
“Who’s there?” Sumilip sya sa labas saglit pero wala naman syang makita kaya nagmadali syang hanapin ang cellphone nya. “Got ya!” bulong nya sa sarili ng makapa ang cellphone.
Pababa na sana sya ng car ng mapatingin sya sa kanyang side mirror at nakakita sya ng babaeng nakatayo. Tumingin sya agad sa likuran pero wala naman syang nakita. “Who the hell was that?” Nagmadali syang bumaba ng kotse para bumalik sa itaas.
Habang nagmamadali syang papasok ng bahay biglang sumulpot si Cooper at napasigaw sya sa gulat.
“You can’t resist my appeal kaya until now nagugulat ka pa din.” Pang-aasar ni Cooper.
“Talagang sinubukan mo pa kong takutin? Well sorry, hindi effective.” Tinulak nya si Cooper. “Get out of my way!” At umakyat na sya sa itaas.
Habang pabalik sya sa kwarto ay napadaan sya sa ipinagbabawal na kwarto. Nakatitig sya dito at nagtataka sya kung bakit ipinagbabawal pasukin ang silid na iyon. Lumapit sya dito at dahan-dahan nyang idinikit ang tenga sa pintuan ng kwarto. Bigla syang may narinig na kalabog at napalayo sya sa pintuan sa pagkagulat. Idinikit nya ulit ang tenga sa pintuan ng dahan-dahan. Kahit kinakabahan sya ay ginawa pa din nya dahil nacu-curious sya kung bakit ano ba talaga ang mayroon sa kwartong iyon.
Ilang saglit pa ay nakarinig sya ng ungol ng isang babae. Naalala nya ang babaeng nakita nya sa side mirror ng kanyang kotse. Dahil mas gusto nyang marinig ng malinaw ang ungol na iyon ay inilapat na nya ang tenga sa pintuan.
May mga kaluskos pa syang naririnig na lalong nagpabilis ng t***k ng puso nya. Ang ungol ng babae ay kakaiba parang nasasaktan na hindi nya maipaliwanag. Dahil gusto nyang makita kung anong mayroon sa loob ng kwartong iyon, dahan-dahan nyang hinawakan ang door knob.
Nagbuntong hininga lang sya at lumunok bago tuluyang buksan ang pinto. “Kaya ko ‘to.”
Binigla nya ang pagbukas ng pinto at itinulak nya para mas mabilis nyang makita ang loob nito. Nagulat sya sa kanyang nakita at hindi nya inaasahan. Nakahubad sina Blake at Lindsey at nasa sahig na sila. Dahil masyadong busy sa milagrong ginagawa eh hindi na nila napansing nakikita na sila ni Katarina.
“At dito nyo pa talaga ginawa yan?” nung nagsalita sya tsaka lang napansin ng dalawa na nanonood pala sya.
“What the f***, Katarina!” Naiinis na sabi ni Blake na nasa loob ng kwarto kasama si Lindsey.
“There’s this thing called knocking!” dismayadong sabi ni Lindsey. Tumayo sya kahit walang suot na kahit ano para isara lang ang pintuan. “You can go now.” At isinara nya ang pinto.
Inis na inis si Katarina dahil akala nya ay gawa ng multo ang mga kaluskos at ungol na kanyang narinig. Bumalik na sya sa kwarto nila na inis na inis. Malakas nyang isinara ang pintuan ng kwarto nila at nagdadabog.
“Balak pa atang gumawa ng porn dito sa bahay. Mga hindi na nahiya.” Inihagis nya ang pouch sa higaan sa sobrang inis nya.
“Anong problema?” tanong ni Quinn na nagising ata sa ginawang ingay ni Katarina.
“Yung sinabi ni manang na kwarto na bawal pasukin para mag-ingay, aba ginawang motel nila Lindsey! Imagine, natakot pa ako dahil akala ko may multo na sa loob. Makita-kita ko yung dalawa nagpapakasarap lang pala.” Naghubad sya ng sandals at humiga sa kama.
“What? Bakit dun pa nila napiling gawin yun?” nagulat na tanong ni Cole na nakaidlip din pala.
“Maybe because that’s the least place na pupuntahan natin. Para walang makaistorbo sa kanila. Galing talaga.” Napansin ni Katarina na wala si Madeline. Bumangon sya para tingnan si Phoemela na nakatulog na sa sofa. “Cole, where’s Mads?”
“Magsa-shower lang daw sya dyan sa katabing shower room para malapit dito sa’tin. Ayaw nya daw sa baba.” Sagot ni Cole. Bumangon na sya at nag-ayos ng sarili para makapagdinner na.
Naalala ni Katarina yung babaeng nakita nya sa side mirror. Nilapitan nya si Phoemela na natutulog sa sofa. “Phoem, Phoem wake up.” Tinanggal nya ang earphone sa tenga ni Phoemela.
“Phoem, I think nakita ko din yung babaeng sinasabi mo,” bulong nya sa tenga ni Phoemela.
Dumilat agad si Phoemela dahil sa narinig kay Katarina. “Saan?”
“Dun sa baba. But I’m not sure kung yun din yung nakita mo. Mabilis lang kasi, paglingon ko wala na sya.”
Hindi pa man sila nakakatapos mag-usap biglang may kumatok sa pintuan. Nagulat naman silang dalawa dahil ang lakas ng katok na tatlong magkakasunod. Tumahimik sa kwarto at nag-iintay sila ng magbubukas ng pintuan.
“Nakahanda na ang hapunan, pwede na kayong bumaba.” Ang matandang babae pala ang kumakatok mula sa labas.
Nakahinga naman sila ng maluwag. Binuksan naman ni Cole ang pintuan. “Sige po susunod na⎼” pero pagbukas nya ay wala na dun ang matanda.
Sumilip sya sa kaliwa at kanan ng silid para tingnan ang matanda pero wala syang nakita.
“Cole, anong problema.” Tanong ni Quinn.
“Ang bilis naman mawala ni manang. Di ba mabagal maglakad yun?” Pagtatakang tanong ni Cole.
“Baka naman pumasok sya sa isa sa mga rooms dyan. Praning ka na din. Mabuti pa bumaba na tayo agad.” Sabi ni Katarina na unang lumabas ng kwarto kasama si Phoemela.
Inalalayan naman ni Cole ang kapatid at sabay din silang lumabas ng kwarto.
Kakalabas lang nila Blake at Lindsey sa kwarto ng pababa ng hagdanan sina Katarina. Nagtatawanan ang dalawa habang nakatingin kay Katarina ngunit hindi na ito pinansin ng dalaga.
Nasa dining room na ang lahat para magdinner except from Madeline na nagsa-shower pa. Hindi din naman napansin ng iba na wala pa si Madeline.
Samantala, kumakanta-kanta pa sa shower room si Madeline at nageenjoy magshower sa pagaakalang nasa kabilang kwarto pa din ang mga kasama nya. May sabon ang mukha nya ng biglang nawalan ng tubig ang shower. “May oras pa ata ang supply ng tubig dito.” Bulong nya sa sarili habang kinakapa ang pihitan ng shower. “Nagbabago ata ang pihitan dito kapag nawawalan ng tubig.” Hindi nya alam na hindi pihitan ng shower ang kanyang nahawakan kundi isang kamay.
Nagulat na lang sya ng hinawakan sya ng kamay na ito kaya’t mabilis nyang inalis ang sariling kamay mula sa inaakala nyang pihitan ng shower.
Ilang sandali pa ay lumabas na ulit ang tubig mula sa shower at kaagad syang nagbanlaw ng kanyang mukha. Mabilis syang tumingin sa paligid dahil kinikilabutan sya. Ang hindi nya alam may isang kamay na papalapit sa kanyang balikat. Parang nakikita nyang may gumagalaw mula sa tagiliran ng kanyang mata kaya mabilis syang lumingon.
Nagmadali syang nagbihis dahil sa takot. Papalabas na sya ng shower room ng biglang kumurap ang ilaw.
“Takot po ako kaya wag nyo na po akong takutin.” Hinawakan nya agad ang door knob ng pintuan para buksan ito. Pero nagulat sya ng hindi nya ‘to mabuksan.
“Naka-lock? Pero paanong?” Kinatok nya ang pintuan dahil nagbabakasakali syang marinig ng mga kasama. “Katarina, nandito ako! Buksan nyo ‘to.”
Habang nag-iingay si Madeline biglang namatay ang ilaw at wala na syang makita. Lalo naman syang natakot at mas lalo nyang nilakasan ang pagkatakok sa pintuan.
“Phoemela, Katarina. Nandito ako! Tulungan nyo ‘ko!” Naiyak na si Madeline sa sobrang takot. Hindi nya alam kung pinagti-tripan lang sya ng mga kasama o sadyang may kakaibang nangyayari sa loob ng shower room. Wala syang ibang nararamdaman kundi ang takot na hindi lang sya nag-iisa sa loob. Ang gusto nya lang ngayon ay ang makalabas doon at makita ang mga kasama.