Humigpit ang pagkakahawak ni Alarick sa hawak nitong kupita na may lamang alak at mabilis iyong nilagok matapos ay muling nagsalin. Buong akala niya ay labag sa kalooban ni Uno na ipagkaloob ang katawan ni Lena sa lalaking iyon ngunit bakit tila nagbago ang isip nito? "Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Uno?" Ibinaba ng matandang lalaki ang hawak na kupita sa ibabaw ng round table matapos ay humakbang patungo sa may bintana. "Anong dahilan at bigla na lamang nagbago ang isip mo?" sumunod na tanong ni Alarick. Inilagay nito ang magkabilang kamay sa likuran habang nakatingin sa labas ng bintana. Batid ni Alarick na hindi madali para kay Uno ang lahat ngunit wala ng iba pang pagpipilian. Gustuhin man niyang tulungan ito ngunit wala siyang magagawa dahil sadyang may mga bagay sa mundong ito

