Sa pagpapatuloy ng nakaraan... Nanginginig ang buong katawan ni Uno habang nakatitig sa katawan ng dalawang lalaki na walang buhay at naliligo sa sarili nitong mga dugo. Tuluyan nang binalot ng matinding takot ang kaniyang buong pagkatao. Hindi niya lubos akalain na magagawa ng sarili niyang kapatid ang karumaldumal na krimen na nasaksihan ng kaniyang mga mata. Dugo. Nagkalat ang pulang likido sa sahig. Nangangamoy dugo ang buong paligid. Nakatayo lamang si Atlas sa harapan ng dalawang lalaki habang ninanamnam ang matamis na lasa ng sariwang dugo na tumilamsik sa mukha nito. Ang mga mata nito'y biglang nagbago at naging kasing-kulay ng mga dugo na bumabalot sa buong katawan nito. Dugo na siyang sumisimbolo sa walang hanggang pasakit at kamatayan. Hindi pa rin maigalaw ni Uno ang buong

