Ang nakaraan... "Kailangan ko ang tulong mo para iligtas ang buhay ni Lena." Malapit ng maubos ang natitirang oras ni Uno. Kung hahayaan niya na muling magwagi ang matinding takot sa kaniyang dibdib ay maaaring maging huli na ang lahat para kay Lena. At hindi niya hahayaan na mangyari iyon. Muling itinutok ng lalaki ang hawak na punyal sa leeg ni Uno. Ngunit sa pagkakataong iyon ay idiniin na ng lalaking ito sa balat ng binata. Tumulo ang kulay pulang likido mula sa natamong sugat ni Uno ngunit ininda lamang ng binata ang labis na sakit dahil wala ng mas sasakit pa kung si Lena ang tuluyang nawala sa piling niya. Dahan-dahang inilapit ng lalaki ang mukha sa leeg ni Uno kung saan ito nagtamo ng sugat. "Paano kung sabihin kong hindi kita matutulungan," mariing sabi ng lalaki habang ina

