"Bumaba ka na riyan dahil kanina pa nakahanda ang agahan," iwas na sabi ni Uno sa mababa at malalim na tono. Hindi siya nakatagal sa ganoong posisyon kaya bahagya niyang itinagilid ang kan'yang ulo at ibinaling ang tingin sa kawalan. Kagabi pa siya hindi mapakali dahil sa kan'yang nasaksihan. At baka sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siyang mabaliw kung mananatili pa siyang nakaharap kay Lena na kulang na lamang ay malaglag ang suot nitong damit. Isa siyang dakilang ipokrito kung hindi niya aaminin sa sarili niya na hindi siya nabihag sa taglay na alindog ni Lena lalo na't isa na itong ganap na babae ngayon. Hindi niya mapagkakaila ang taglay nitong kagandahan na habang tumatagal ay mas lalo pang tumitingkad. Maging ang magandang hubog ng katawan nito na nakakabuhay ng dugo. Ngunit is

