CHAPTER TWO
Year 2018
“I WANT to meet her.” Lucas said while looking at his laptop. Kanina pa ito nagbabasa ng blog sa laptop nito. Kinahiligan na niya iyon dahil simula no’ng nag-travel siya, he would always watch and read blogs about traveling. Aside from that, he really wants to meet his favorite blogger, now a vlogger; Kirsten Collins.
Nasa bahay ni Ken ngayon si Lucas. May one week break kasi na binigay ang university nila sa kaniya kaya pansamantalang binista muna ni Lucas si Ken sa bahay nito. They’ve been friends ever since Lucas joined the dance troupe wherein Ken is also a member.
“Sino ba kasi ’yang tinitingnan mo?” Curious na tanong ni Ken. Nagluluto siya ng kanilang tanghalian dahil nagrequest si Lucas na magluto siya ng Pork Steak. Wala siyang nagawa dahil paborito naman niya iyon.
“Her name is Kirsten, dude. She’s flawlessly awesome. I’m telling you she’s really great!” Pagpuri ni Lucas habang nakatingin pa rin sa laptop niya. Isa si Kirsten sa mga blogger na lagi niyang sinusundan sa social media.
Kumunot ang noo ni Ken. May kilala kasi siyang Kirsten and it’s his best friend. Kaya para makasigurado minabuti niyang lapitan si Lucas para tingnan ang binabasa nitong blog. Lumaki ang mata ni Ken nang makita niya ang blog na binabasa ni Lucas. ‘Ang liit talaga ng mundo kahit kailan,’ he thought.
“What a small world.” Komento ni Ken habang umiiling.
Nagtaka naman si Lucas sa inakto nito. “Huh? What do you mean?”
“She’s my best friend.” Casual na wika ni Ken pero this time si Lucas naman ang lumaki ang mata dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan.
“Best...best friend?! Best friend mo si Kirsten the so-great-travel-blogger that I know?” Hindi talaga makapaniwala si Lucas sa sinabi ni Ken. Si Ken naman ay natawa na lamang bago bumalik sa kitchen station.
“Yeah, what’s the big deal out of it?” Tanong pa ni Ken kaya mas lalo lang lumaki ang mata ni Lucas sa sinabi nito sa kaniya.
“Anong, ‘what’s the big deal out of it’, Ken? Alam mo bang siya ang nag-inspire sa akin para magpatuloy sa pagta-travel. She’s my life inspiration!” Nakangiting wika ni Lucas.
Ken just rolled his eyes. “Ang OA mo, Lucas.”
Tiningnan ni Lucas ng masama si Ken bago magsalita. “Sabagay. Best friend mo siya. Eh ako, isang hamak na patatas lamang na na-inspire dahil sa kaniya.” Sabay umakto pa itong parang batang nawawala sa mall habang natatawa. “Well, kidding aside, you’re lucky that she’s your friend.
Natawa si Ken sa sinabi ni Lucas kaya humalakhak ito nang wala sa oras “Alam mo, Lucas? Minsan gusto na kitang itakwil bilang kaibigan, eh.”
“Bago mo gawin ’yon, tulungan mo muna akong makita si Kirsten." Nakangiting wika ni Lucas kay Ken.
“Ayoko.”
“Bakit ayaw mo?”
“Kasi si Lucas ka at si Lucas masyadong makulit at maloko.”
“Kaya ko rin magseryoso ’no! Seryoso ako ngayon, Ken. I really want to meet her so bad.” Lucas said while pouting his lips trying his very best so Ken would say yes to his request.
“Now tell me, bakit gusto mo siya makita?”
“Because I want to travel with her. It’s my dream and I want it to come true. Please, help me, Ken. Kahit ngayon lang, Ken. Gusto ko siyang makita at malay mo pumayag siya na mag-travel kasama ako,” wika ni Lucas. “Alam mo iyon, ’di ba? Mahilig ka rin naman magtravel, eh.”
Tinitingan lang ni Ken si Lucas. He seems sincere though pero hindi pa rin siya sigurado kung papayag siya sa gusto ni Lucas
“Pag-iisipan ko muna.” he said before going back on cooking their lunch.
“’Di na dapat pinag-iisipan ’yan, Ken. Magkaibigan naman tayo, ah? Para naman wala tayong pinagsamahan.” Lucas said sounding like mocking Ken. Alam naman ni Lucas na may ganoong ugali si Ken, na inaalam muna ang dahilan bago pumayag pero minsan lang naman siya humingi ng request dito, hindi pa siya pinagbigyan. Kahit na anong pangungulit ni Lucas, hindi na siya pinapansin ni Ken at nagpatuloy na lamang ito sa pagluto ng ulam.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na magluto si Ken kaya kumain na silang dalawa. Tahimik lang sila dahil na rin sa naging usapan nila bago sila kumain ng tanghalian nila.
“Have you made up your mind already?” wika ni Lucas pagkatapos nito kumain.
Tiningnan siya ni Ken bago ngumiti. “Yeah. Hindi ako papayag.”
Malungkot ang mukha ni Lucas dahil sa sinabi nito sa kaniya. “Alam mo, Ken? Minsan ang sarap mong sapakin ’no? Sige na. Allow me to meet her."
Umiling lang si Ken at tumayo na sa upuan niya “Aalis na ako, Lucas. Gusto mo ba maiwan ka muna rito sa bahay?”
Tumayo na rin si Lucas at nakakutob ito kung saan siya pupunta “Saan ka naman pupunta?” Hindi nagsalita si Ken. “You’ll meet Kirsten, won't you?” Hindi na naman sumagot si Ken. “Tama ako ’no? Isama mo na ako, please...”
Ken sighed. “Ang kulit mo, Lucas. Hindi nga puwede.”
“I just want to meet her, Ken. ’Yon lang naman, eh.”
“You said you wanted to travel with her.”
“That’s my dream. Kung hindi man matupad ’yon at least I’ve got the chance to meet her, ‘di ba?”
Ken rolled his eyes. “Fine. Pero, don’t brag to her about your dream to travel with her.”
Masaya si Lucas sa naging desisyon ni Ken pero hindi niya maintindihan bakit bawal niya sabihin kay Kirsten ang pangarap niya to travel with her. “Why?”
“Just don't brag her about it.” Iyon lamang ang sinabi ni Ken at hindi na muling tinanong ni Lucas si Ken dahil sigurado siyang hindi naman nito sasabihin sa kaniya ang dahilan.
THE GUY IN front of Kirsten kept on staring at her for ages. Ayaw naman magsalita ni Ken kaya minabuti niyang tanungin na lang ang best friend niya.
“Ken? Kasama mo ba siya?” Hindi na niya mapigilan tanungin si Ken.
Tumango naman agad si Ken. “He wants to meet you, Kirsten. You know me, I am firm with my decisions but this guy is persistent. Kaibigan ko ’yan.”
Nagulat siya nang sabihin ’yon ni Ken. Bakit naman siya gusto makita ng lalaking ’yon? Hindi na siya pumapasok sa university nila ni Ken kaya laking gulat niya na merong isang lalaking gustong makita siya. ‘What for? Anong dahilan?’ she thought.
“Hi. I’m Lucas,” sabi ng lalaking nasa harapan niya na nakangiti pa rin habang nakalahad ang kamay nito sa kaniya.
Ngumiti siya ng kaunti at inilahad ang kaniyang kamay. “Kirsten.”
Awkward.
“Sana hindi ka maweirduhan sa akin. It’s just that you really inspired me to be a traveler,” wika ni Lucas kaya somehow naging kampante si Kirsten ng sinabi ni Lucas sa kaniya.
“Wait, really? Nagbabasa ka ng blogs ko?” Masayang wika ni Kirsten.
Tumango si Lucas. “Yes, I do. Well, I also watch your vlogs.”
Mas lumapad pa ang ngiti ni Kirsten nang sinabi iyon ni Lucas. “Wow! I didn’t expect that. Nahihiya tuloy ako sa iyo.”
She’s flattered. It’s her first time to meet someone who got inspired because of her blogs and vlogs.
Umiling naman si Lucas. “You don’t have to be shy, Miss Kirsten. Ako nga dapat mahiya, eh.”
“Dapat lang, Lucas. Kinulit mo kaya ako para lang makita si Kirsten. You’re f*cking annoying sometimes, Lucas,” komento ni Ken kaya di napigilan ni Kirsten ang tumawa.
“Bilib ako sa ’yo, Lucas, na napapayag mo si Ken, ah. Minsan lang yan pumayag sa mga request sa kaniya,” wika muli ni Kirsten.
Tumango naman si Lucas bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Kirsten. “That’s a fact though. Kahit kapag magkakasama ang buong dance troupe namin mahirap talagang mapapayag ’yan si Ken sa mga requests at dapat may dahilan talaga,” komento ni Lucas.
“Oh, member ka pala ng dance troupe nila Ken? That’s awesome!”
“Kirsten, siya ’yong tinutukoy kong makulit lagi sa practices namin.”
Natawa muli si Kirsten. “Nako, Lucas. Pinapasakit mo pala ulo ng best friend ko, ah.”
Lucas awkwardly smiled. “Medyo lang naman.”
Kumain muna sila ng cake after that mini talk. Hindi pa rin makapaniwala si Kirsten na she already met someone who got inspired because of her. She’s flattered and overwhelmed at the same time.
“Uhm Kirsten, I know this is too much pero is it okay if we’ll be friends?” Lucas asked at agad naman napatingin si Kirsten kay Ken.
“Ken, okay lang ba?”
He shrugged. “You don’t have to ask me, Kirsten. Mabait naman ’yang si Lucas sadyang makulit lang.”
Lucas awkwardly smiled. “Makulit pero gwapo naman, saan ka pa?”
Kirsten laughed. “Nako, Lucas. Sige na. Let’s be friends.”
Halata naman kay Lucas na tuwang-tuwa ito dahil pagkatapos ’yon sabihin ni Kirsten hindi na nawala ang ngiti sa kaniyang mukha.