CHAPTER ONE
Year 2018
“ALL DONE!” Wika ni Kirsten nang matapos niya ang isang blog na sinusulat niya. Labis ang kaniyang galak nang matapos niya ’yon dahil dalawang linggo na niya ’yon sinusulat at ’yon ang pinaka matagal na nasulat niya sa buwan na ’yon. Isa itong feature article na patungkol sa kaniyang experience sa pagta-travel.
Ever since na pinagbawalan siya ng kaniyang mommy na mag-travel ang naging libangan niya ay ang pagsusulat ng blog and she often uploads some of her video clips while traveling in a worldwide known social networking site platform; YouTube. That keeps her busy actually. Minsan lang naman siya magkaroon ng modules from her homeschool kaya kapag wala na siyang modules na aaralin at sasagutan, she write an article for her blog. Minsan naman ay nagbabasa ito ng libro.
“Kirsten! Kain na. ” She heard her mom shout. Tiningnan niya ang kaniyang mobile phone at nakitang lunch time na pala pero hindi pa naman siya gutom.
"Mamaya na lang po ako kakain, Ma!" wika nito at tiyak siyang narinig iyon ni Mommy Nancy kaya hindi na ito sumagot.
Humiga siya sa kaniyang kama at sa puntong ’yon na lamang siya nakaramdam ng antok. “Hay, Kirsten. One year na lang. Kaya mo pa naman, ‘di ba?” wika niya bago ipikit ang kaniyang mata.
Isang taon na lang p’wede na siya mag-travel ulit. One year na lang magiging masaya na ulit siya. Not that she’s not happy in the past two years, mas masaya siya if she can travel again... well after all, it’s her dream to be a worldwide traveler before... ngayon gusto na niya maging worldwide travel vlogger.
Sa nagdaang dalawang taon kasi na pag-post niya ng articles sa blog site at pag-upload ng videos sa YouTube channel niya, nakita niya sa mga comments na maraming na-inspired mag-travel dahil sa kaniya....iyon naman ang gusto niya, ang maka-inspire ng ibang tao. Kaya nga excited na siyang mag-travel muli dahil marami pa siyang lugar na gusto pang puntahan.
One year to go and she’s back to normal again.
NAGISING SI KIRSTEN nang dahil sa isang tawag. Her mobile phone kept on ringing for about five minutes straight and it woke her up. Sino nga ba hindi magigising sa gano’n?
She massaged her temple for a while before answering the call. “He—hello?” she said half asleep.
“Where the hell are you, Kirsten? Nakalimutan mo na naman bang may lakad tayo ngayon?” Inis na wika ng kaniyang best friend na si Ken.
Best friend niya si Ken since kindergarten. Madalas nga si Ken ang kasama niya sa pagta-travel. Ang kaniyang bestfriend din ang unang nakaalam na pinagbawalan siya ng kaniyang mommy sa pag-travel. Kaya nga nitong mga nakaraang taon kapag nagta-travel si Ken lagi siyang vine-video call nito para makita niya ang scenery ng lugar na pinupuntahan nito. Well, one year na lang makakapag-travel na ulit siya kasama si Ken.
“Uhmm sa bahay,” she said at narinig niya ang buntong-hininga ni Ken.
“Don’t tell me you forgot it again?” Ken asked and seemed sad.
“Hindi naman... nakatulog lang ako,” she said pero hindi pa nagsasalita si Ken kaya nagsalita siya ulit, “Nagsulat kasi ako ng article. Alam mo naman ’di ba…”
“Okay. I believe you naman. Pero Kirsten sana don't isolate yourself from me. Sa dalawang taon ilang beses lang tayo nagkita. Di ka masyadong lumalabas sa bahay niyo. Namimiss ko na ang best friend kong maingay at makulit…”
She smiled a bit. Knowing how Ken ranted about how he misses her makes her happy. “Sorry na, Ken. Sige, I’ll make it up to you. Mag-aayos lang ako and then diretso na ako diyan.”
“That’s for sure, okay? I’ll wait for you here.” Halata sa boses ni Ken na sumaya ito dahil sa sinabi niya.
“Yes. For sure. Wait for me.”
“I will. Always.”
And then she ended the call.
Kirsten started to pick something she would wear and decided to wear a navy blue blouse, white jeans and plain white sneakers. She put a light make up on her face so that she wouldn’t look dull.
Bumaba agad siya nang matapos siyang mag-ayos.
“Kirsten, saan ka pupunta?” Kirsten's mom asked her as soon as she saw her.
“Sa mall po. I’ll be with Ken.” she said while smiling... trying to convince her mom to let her go out. Simula rin kasi no’ng pangalawang aksidente niya bihira na lang siya palabasin ng kaniyang mommy. Minsan nga thrice a month lang siya nakakaalis sa bahay nila. Sobrang naging paranoid ang mommy niya dahil sa aksidente na nangyari sa kaniya. Well, she understand naman na safety lang ang gusto ng mommy niya pero minsan, gusto niya talaga subukang suwayin ang Mommy Nancy niya... if only she could.
Mommy Nancy sighed. “Kirsten, napag-usapan na natin ‘to, hindi ba?”
Yumuko naman siya. “Ma, minsan na nga lang ako lumabas kasama ni Ken. Besides ang napag-usapan natin ay I will stop travelling for three years at homeschooled na ako. That doesn’t include you isolating me from my friends.”
She really wanted to hang out with Ken. Kaya lang naman hindi natutuloy ang mga lakad nila ni Ken ay dahil sa mommy niya.
“Kirsten, stay in our house. I don’t want you to get in trouble again.” Maawtoridad na wika ni Mommy Nancy.
She sighed. ‘Well, it’s now or never.’
“Ma, sorry talaga. Pero aalis po ako kahit na hindi mo ako payagan ngayon,” she said at biglang umalis na lang. Hindi na siya napigilan ni Mommy Nancy. Ngayon lang naman siya hindi sumunod sa mga utos ng mommy niya, eh.
While she was on her way to the mall she received a text message from her mom.
Kirsten, just keep me updated about you. Okay? Ayoko lang na may mangyaring masama sa ’yo. Text me kung pauwi ka na. -Mom
She smiled. Well, kahit na hindi siya pinapayagan ng mommy niya na lumabas ng bahay, she really appreciated the fact na hindi siya pinigilan nito sa pag-alis.
NAKAPASOK NA SI Kirsten sa mall at agad na pumunta sa coffee shop kung saan nag-aantay si Ken. Doon kasi ang napagdesisyunan nilang meeting place.
“Ken!” She exclaimed as soon as she saw her best friend sitting in the corner of the coffee shop drinking coffee of course.
Ken automatically smiled as soon as he saw her. Nagtaka si Kirsten nang may makita siyang lalaking katabi nito ngunit hindi niya muna masyadong pinansin iyon dahil baka naman umupo lang sa table ni Ken.
“Kirsten.” He uttered at inalalayan pa siya nitong umupo.
“Hay, gentleman ka pa rin talaga.” She commented at ngumiti na naman ang kaniyang best friend. Kirsten then noticed the other guy na lumipat ng upuan at ngayon ay nasa harapan na niya ito.
“I’ll order your coffee muna, ah?” wika ni Ken bago ito umalis ng panandalian. Alam naman kasi ni Ken kung ano ang paborito niyang kape kaya hinayaan niya na lang ito na mag-order.
Now, she’s alone with the guy in front of her. He’s weird though. He kept on staring at her. Naiilang tuloy siya. ‘Sino ba kasi ’yong lalaking ’yon?’